CHAPTER 9

6.9K 69 6
                                    



RENSE POV


Masakit. Yan ang isang salita na nararamdaman ko ngayon isang salita na buong pagkatao ko apektado akala ko puso lang natatamaan pag damdamin mona ang nasaktan hindi pala dahil simula paa hanggang buhok masakit.


"Rense! Ano bayan? Ayusin mo ang pagkanta mo, program na mamaya!" Napatingin ako sa ka bandmate ko na si Joshua.


"Sorry pare, sige isa pa" Paumanhin ko, kita niyo? Apektado buo kong pagkatao.


"Tsk. Mamaya nalang ulit, may dalawang oras pa naman, break mona guys. Ayusin mona sana mamaya Rense" Sabi pa ne'to bago umalis ng stage.




Lumapit naman si Gab sakin at nagtanong kong anong problema ko, tinanguan kolang siya dahil tinatamad akong magsalita. Tumingin ulit ako kila Aira at Zen na nasa Marrige booth, medyo malapit naman sa stage yung booth nayon kaya kitang kita ko kung paano ngumiti si Zen ng makitang si Aira ang bride niya at lalo itong lumaki nang halikan niya sa ilong si Aira.



"Ayos lang yan pre' ano kaba? Hindi naman totoo yan eh" Natatawang sabi pa ni Gab. Napangiti nalang ako ng mapait.



Hindi nga totoo pero alam kung para kay Zen isa itong napakahalagang pangyayari, kahit alam kong mag ex sila hinahayaan ko parin si Zen na lumapit kay Aira. Wala eh nagtitiwala ako na totoo yung sinasabi niyang mag m-move on na siya kay Aira pero pag nahuhuli kong nakatingin siya dito nandoon parin yung pagmamahal niya.



Totoo nga bang nag m-move on na siya? O kinukuha niya lang ulit ang loob ni Aira at aangkinin niya na naman ito. Yun ang wag na wag niyang gagawin dahil hindi ko hahayaang mangyari iyon.











AIRA POV



"Yieee! Aira kinasal kay Zen"

"Whooo. Mrs Alcantara"

"Congrats mrs alcantara"

"Saan honeymoon"


Muntik akong mabulunan sa sarili kong laway na marinig ko ang kakaibang bati, mga pasaway akala mo naman totoo din eh'




Ipinagpatuloy ko ang paglalakad sa hallway ayun patuloy parin ang sigawan kada may nagbibigayan. Sweet sila pero pag nag break mga bitter din.



Nakita ko si Rense sa stage na parang wala sa sarili kaya lumiko ako at pumunta sa stage.



"Woii Rense!" Pag agaw ko sa pansin nito.



"A-aira? Bakit nandito ka? Nag meryenda kana ba? Nasan yung mga regalo ko?" Sunod na sunod na tanong niya? Seriously Rense?


"Wala lang, wala. Nasa room" Pag sagot ko in order base sa tanong niya hahaha!


"Date tayo maya ah?" Ako na nag-aya pambawi sa mga regalo niya.


"Talaga?" Biglang nagliwanag yung mukha niya


"Oo. Haha" Natatawa kong sagot dahil para siyang bata.



"YES! Sige sige. Mamaya" Nakangiti niya pang sabi.


Maya maya tinawag na ng isa niyang ka bandmate si Rense para mag practice daw. Kaya nagpa alam lang ako at pumunta mona sa CR dahil nawiwiwi na ako.



Nang matapos ang araw para sa mga estudyante nandito ako sa parking lot dahil hinihintay ko si Rense maya maya nakita kona siyang papalapit. Kaya heto na naman ang puso kong singbilis ng takbo ng kabayo ang kabog.



"Sorry Aira babes' May saglitang meeting ang banda eh" Pagbungad niya nang makalapit na siya.



"It's okay. So tara?" Nakangiti kong sabi sa kanya.



"Yeah. Tara excited na ako eh"



Hindi gaya ng ibang lalake pag ganitong okasyon matik nayan sa kanilang dadalhin ka sa isang magandang restaurant pero iba si Rense dahil imbes na sa restaurant kami pumunta, dinala niya ako sa Amusement park. Diba kakaiba?



"Anong gusto mo Aira babes, cotton candy? Popcorn? Hotdog? Burger? Shake? Ano? Sige na libre ko" Natawa nalang ako sa kakulitan niya.



"Kakakain lang natin ng streetfood sa labas, busog pa ako, ikaw kung gusto mo ikaw nalang kumain" Nakangiti kong sabi.



"Hmm. Wag nalang, lika rides na ulit tayo?" Napatingin ako sa mga rides. Isa nalang pala ang hindi pa namin na sasakyan.



"Ferris Wheel"



Nasa bandang taas kaming bahagi ng huminto ito kaya kitang kita yung buong paligid, biglang hinawakan ni Rense yung kamay ko kaya naramdaman kong uminit bigla ang pisngi ko. Ano ba 'tong dibdib na'to?



"Aira" napatingin ako kay Rense ng biglang nag seryosos ang boses niya.



"It's been a month, I'm sure atleas a little bit you have a feelings for me. Maybe Crush, but i don't care 'bout that. Atleas you have, I will accept that, I can't wait too long. Aira Will you be my girlfriend?"



Napatakip ako sa bibig ko ng marinig ang mga huling salita niya. Damn!


Rense is a good man.



Rense is a loving grandson, Nakita ko iyan nang minsang dinala niya ako sa bukid nila at nakita ko kung paano niya alagaan, asikasuhin ang lola niya. Anak mayaman pero kayang kaya niyang makisama sa mga hindi niya ka pantay.



Si Rense isang maalagang tao hindi lang sa kapwa tao, maging sa hayop, halaman,kapaligiran.



Si Rense isang matiising tao, naalala ko nong dinalaw ako siya at siya ang napagbuntungan ko ng init ng ulo. Ilang beses ko siyang pinagod kaka utos na ibili ako ng ganito at ganyan. Pero wala ito sa kanya kahit alam kung kumakalam na ang sikmura niya hindi parin siya umaalis dahil daw baka may gusto pa akong iutos ng wala siya baka lalo daw uminit ulo ko.




Si Rense isang sweet na tao, Sa ilang buwan na panliligaw niya walang araw na hindi siya sweet. Minuminuto gusto niyang nalalaman kong kumain naba ako, kung anong kinakain ko Good for healt daw ba o hindi.




Si Rense siya yung nagpapabilis ng tibok ng puso ko pag malapit siya.



Si Rense. Iisa lang yan sa mundo so I'll take the risk.


"Yes!" Nakangiti kong sagot.










A/N: whooooo! Wazzzap mga paa? Maikli ba? Sorna. Kunghipatchoyyyyyyyyy! Aye aye aye... Mga singkit mag labasan na!

MY PSYCHO BOYFRIENDWhere stories live. Discover now