CHAPTER 22

3K 45 5
                                    


RENSE POV

Anim na buwan na walang Aira.

Hindi ko alam kung bakit nabubuhay parin ako hanggang ngayon. Napatawa ako sa iniisip ko at muling tumungga ng alak my life is like a mess. Over reacting but Aira is my life sana noong nawala siya nawala narin ako hindi ko na alam ang gagawin ko halos lahat ng paraan ginawa kona para lang makita siya pero ni anino niya wala akong nakita.

Parang patapon na ang buhay ko dahil si Aira nalang ang meron ako at hindi ko parin kayang isipin na wala na akong Aira. Minsan naiiyak nalang ako sa tuwing naaalala ko ang mga masasayang alaala namin lalaki kaman, tigasin kaman basta pag dating sa mahal mo iiyak at iiyak ka talaga kahit nakakabakla man.

Miss na miss kona siya sobra, bawat sulok nang bahay naaalala ko siya lalong lalo na sa aming kwarto matutulog akong walang niyayakap gigising na nag aakalang pagmulat mo nang mata siya agad ang makikita mo sabay kayo mag aagahan, tanghalian o hapunan pa man.

Minsan binibisita nalang ako nila Gab baka daw mamaya mag bigti na ako sa sobrang lungkot napakaloko talaga nun pero yes minsan naisip kong mag pakamatay nalang dahil wala narin namang saysay kung wala rin si Aira pero iniisip ko na may pag-asa pa talagang makita ko siyang muli.

Sobra ang galit ko kay Zen na halos gusto kona siyang patayin. Bakit? Bakit kailangan niya pang gawin ito? Akala ko ba okay na? Hahayaan na niya kami. Bakit biglang eeksena siyang muli? Hindi ba pwedeng hayaan nalang maging masaya ang dalawang nagmamahalan? Hindi ba pwedeng maging masaya nalang siya na ang mahal niya masaya naman pero sa piling na ng iba? Hindi ba pwede iyon? Alam ko pwede yon.

"Babe...Miss na miss na kita, uwi kana ah? Kasi hindi kona kaya nahihirapan na ako. Uwi kana ikaw yung lakas ko eh. Mahal na mahal kita" Para akong tanga na kinakausap at iniiyakan ang litrato ni Aira sakin cellphone.

Hindi ko na sa sobrang emosyonal ko nakatulog ako at nagising nalang ng gabi na naghanda lang ng makakain as usual noodles na naman routine kona atang kumain ng mga instant sa gabi at sa umaga naman magpapa deliver nalang ako. Ganun na routine ko sa buong araw minsan nalang ako lumabas para mamili ng mga kakailanganin ko. Hindi ko na isip na mang babae kahit na may pangangailangan din ako dahil iniisip ko na nasa paligid kolang si Aira at ayaw kong masira ang tiwala niya kahit wala siya.

Nang matapos ako sa pagkain naligo lang ako at nagsuot ng jacket na may hood at short at tsinelas, I check my phone at it's already 10 PM na so hindi pa naman ako inaantok I decided na maglakad lakad mona sa labas, Paglabas ko ng bahay yumakap sakin ang malamig na simoy ng hangin na nakakagaan ng pakiramdam itinuloy ko ang paglalakad ko at namalayan konalang na nasa 7/11 na pala ako.

"85 lang po sir" Inabot kona man ang isaang daan at kinuha ang binili kong mga snacks.

"Salamat po" Pagsabi ng cashier at binigay ang barya ko.

Umupo mona ako sa labas at kinain ang binili ko habang nag titingin sa mga nagdaraan, napapangiti ako kapag may nakikita akong mga couple na naghaharutan sa daan. Tsk masagasaan lang kayo dahil sa kaharutan niyo, hindi naman ako bitter.

Nag stay lang ako doon ng mga 30 minutes at nagdesisyon nang umuwi dahil masyado nang gabi. Naglakad ulit ako pabalik sa bahay ngayon nilalamig na ako dahil medyo mapuno itong nilalakaran ko pero okay lang naman hindi naman siya nakakatakot, mas nakakatakot na pag gising mo wala na ang mahal mo.

After a minutes nasa bahay na ako ganun parin tahimik parin, napa tingin lang ako sa pinaka main door at ini-imagine na sinasalubong ako ni Aira na may ngiti sa mga labi. Napa tawa nalang ako sa iniisip at pumasok na sa loob.

Nagpalit lang ako ng pantulog at nahiga na sa kama pero ilang minuto na akong maikot ikot hindi parin ako makatulog iniisip koparin siya. Kamusta na kaya siya? Masaya kaya siya? Napakasakit naman isipin na masaya na siya pero sa piling ng iba.

Sa kakaisip sa kanya nakatulog narin ako sa wakas as usual gigising na walang gana maghahanda para sarili at tatambay lang mag hapon hindi na ako nag iisip sa trabaho dahil pinasa ko na mo na kay Gab at gawain ko at pumayag naman siya dahil narin siguro sa pinagdadaanan ko napaka swerte ko talaga sa kanya.

*Ring Ring*

Napatingin ako sa cellphone ko ng mag ring ito.

"Yes?"

"Ui bro! May emergency dito sa kompanya may naging problema tayo" Napakunot nuo ako sa sinabi ni Gab.

"Pupunta ako diyan" Then I end the call at nagpalit ng pang trabaho ko at pumunta na ng company.

Pagdating ko doon halatang gulat ang mga tao pero hindi parin nilang bumati, ikaw ba namang mawala ng ilang buwan tsk. Sumakay ako sa private elevator at pumunta sa floor ko.

*ting*

Lumabas agad ako at pumasok sa conference room at halata sa mga mukha ng mga tao roon ang gulat.

"Bro" Pagtawag ni Gab kaya pumunta ako sa gitna at nakinig lang sa mga pinagsasabi nila. Si based sa nangyari nalugi naraw kami hindi kona alam ang iba nilang pinagsasabi dahil lutang ako sa nangyari kanina sa kahabaan ng traffic. Para kasing si Aira talaga iyon yung nakasakay sa isang sasakyan pero di ko nakita ang kasama nito dahil nahaharangan niya.

Natapos ang meeting na yun lang ang iniisip ko pero inaalam na nila ang dahilan kaya dumiretso na ako sa opisina ko at walang buhay na umopo sa upuan at pumikit.

"Bro. Andito si Alcantara" Agad akong napamulat at sakto namang pagpasok ni Zen kasama ang isang tao.

Ang babaeng nagpabaliw sa akin. Ang hinihintay ko. Ang babaeng Mahal na mahal ko.

"Aira..." Mahina kong bulong sa pangalan niya.

"Zup bro. We're here because we want you to come on our wedding day by the way here's the invation hope that you're coming." Nakangiti niyang sabi ikinataka ko.

"Ow. By the way meet my fiance Angelica Suarez. Honey this is Rense my friend"

Agad namang lumapit sakin si Aira na tinawag ni Zen na Angelica.

"Hi. Rense Nice to meet you" Sabi niya na may matamis na ngiti at nag bow lang at bumalik na kay Zen na parang hindi niya ako kilala.

What Happen to you Aira?


----------------

Finally nakapag updta na. Sorry mga b3h busy ang lola niyo :< Ang lame ng update diko na alam ang isusulat ko eh nagpatulong na nga lang ako sa kaibigan ko eh. Hahaha hope ü like it ❤

#HAPPYSEMESTRALBREAK😁💯


MY PSYCHO BOYFRIENDWhere stories live. Discover now