CHAPTER 20

4K 46 2
                                    

AIRA POV

Nang imulat ko ang mga mata ko nakita kong nasa isang kwarto ako na hindi pamilyar kaya agad akong nakaramdam ng kaba na baka nasa kamay na ako ni Zen napalingon ako sa pinto nang bumukas iyon at niluwa non ang taong kinaiinisan ko.

"Bakit? Ano na naman bang kailangan mo?! Hah!? Ano pabang kailangan mo sakin?!" Hindi ko napigilan ang mag taas ng boses dahil sa sobrang inis ko.

"Hush! Relax baby... You're safe" Sabi niya at lumapit sakin sa kama lalayo na sana ako kaso hindi ko maialis ang kamay sa headboard ng kama ngayon kolang napansin na naka posas pala ako.

"Hayop ka! Tanggalin mo'to!" Sigaw ko habang tinatanggal ang posas sa kamay ko. Si Rense.... Nasaan si Rense?

"Nasaan si Rense? Nasaan ang fiancé ko?" Natakot naman ako nang dumilim ang awra niya.

"Fiancé eh? Tsk.. Poor Rense I'm sure he's suffering right now" Nakangisi niyang sabi na ikinainit ng ulo ko pero agad koring kinalma ang sarili ko baka mas humirap pa lalo ang sitwasyon.

"Zen. Tatapatin na kita hindi na kita mahal, mahal ko Rense kaya sana hayaan monalang kaming maging masaya I'm sure sooner or later makakahanap karin ng nararapat sa iyo" Kalmado kong sabi pero wala nang lumabas sa bibig niya sa halip nakatitig lang siya sa akin at hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.

"But I love you Aira..." Malungkot niyang sabi at yumuko.

"Zen..." Pagmamakaawa ko.

"Okay. Ibabalik na kita kay Rense" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"T-talaga?"

"Yeah. Now fix your self at iuuwi na kita sa kanya" Sabi niya na may malungkot na boses at lumabas na nang kwarto.

Mabilis pa sa alas kwatro natapos na ako sa pag aayos sa sarili ko at nang makababa ako nakita ko si Zen na prenteng naka upo pangisahang upuan.

"Let's go?" Tanong niya at tumango nalang ako.

Tahimik lang kami habang nag b-byahe nang malapit na kami sa amin nagpa baba na agad ako.

"Why?" Nagtatakang tanong niya.

"Hindi ka pwede sa bahay pag nakita ka ni Rense mapapatay ka niya" Napabuntong hininga naman siya saka tumango kaya agad na akong lumabas ng sasakyan at nagpasalamat lang at nagmamadali nang umalis.

"Aira!" Napalingon ako sa pag tawag sa akin ni Zen

"Bakit?"

"A-ah. A-no... Wala i-ingat ka" Yun lang ang sinabi niya at tumalikod na siya.

Weird!

Ipinagpatuloy kona ang paglalakad ko pabalik sa bahay ni Rense pag dating ko doon nakita ko siyang naka upo sa may labasan namin.

"Rense? Anong ginagawa m----"

"Fuck baby! Where have you been?! Halos mamatay na ako kakaalala sa iyo! Sino?! Sino!? ang mga kumuha sa iyo?" Nanginginig niyang tanong habang nakayakap sa akin.

"Shhhh. I'm fine na okay? Kalma na mabuti naman na ako babe, hindi ko alam k-kung sino ang nag p-pakidnap s-sakin hehe b-buti n-nakatakas h-haha." Shit! Nauutal na ako ang hirap mag sinungaling. Tiningnan niya ako na parang hindi siya naniniwala.

"Halika pumasok na tayo nagugutom na ako hihi."  inaya kona siya papasok dahil baka mag tanong pa siya nang mag tanong.

"Babe..." Nagaayos ako nang mga damit ko nang yaposin ako ni Rense.

"Bakit?"

"Gusto mona bang umuwi sa Pilipinas?"

"HUH!?"

"Bakit? Ayaw moba?"

"H-hindi. Nagulat lang ako sympre ilang linggo na tayong nandito tapos bigla monalang maiisip na umuwi pero bakit, bakit naman tayo uuwi?" Hindi sa ayoko lang nakakagulat lang kasi akala ko dito na talaga kami maninirahan.

"Naisip ko mas maganda parin ang pamumuhay sa Pinas atsaka ayaw moba nun makakasama mo ulit mga kaibigan mo si Erxi si Gab at makakapag aral ka ulit nang maayos." may point siya.

"Sympre gusto ko yun, kelan ba tayo aalis?"

"Bukas."

"Agad agad Rense? Hindi ka naman siguro nag mamadali ano?" Natatawang sabi ko pero mukhang seryoso talaga siya dahil hindi manlang siya tumawa kaya tumahimik nalang ako.

"Sorry... Sige sige bukas aalis tayo pero paano ang passport natin nakahanda naba?"

"We don't need that. Susundoin tayo dito nang Eroplano ko."

"May eroplano ka?!"

"Babe. Ngayon kapa magugulat?" Natatawang sagot niya so tumatawa narin siya.

"Kung sa bagay easy lang sayo mga ganyang bagay mayaman ka eh." Pabulong kong sabi.

"Well I'm not babe" Tumatawa niyang sabi pa. Ano bang nakakatawa don?

Hindi konalang siya pinansin at nag ayos na nang mga gamit namin.

***

"Babe... wake up" Napaungot ako sa walang hiyang nang iistorbo sa pagtulog ko.

"Babe. It's already 8 aalis na tayo mamaya kailangan mo nang bumangon kakain kapa at mag hahanda" Napamulat naman sa sinabi niya at tumingin sa kanya.

"Aalis? Mamaya?"

"Yes. Now get up" Agad naman akong bumangon at tumakbo na sa cr hindi kona pinansin ang pagtawag ni Rense sakin dahil excited na talaga ako.

"Be careful babe!"

After a couple of  hour's natapos na ako sa morning routine ko kaya kumain nalang kami at inayos na ang ibang gamit dahil mamaya unti andyan na ang sundo namin.

"Babe? Bakit mo naman naisipang bumalik nang pilipinas?" Tanong ko out of nowhere ang tagal kasi ng sundo namin eh.

"I already answered that. Here diyan na ang sundo" tumayo na siya at kinuha na ang mga bagahe namin napalabi nalang ako.

Nang makarating kami sa eroplano ni Rense inayos lang nila ang mga bagahe at lumarga na kami pabalik ng aming bayan.

Sa sobrang tahimik nang byahe nakatulog na ako at ginising nalang ako ni Rense nang makarating na kami sa pinas.

"Hmmmm. Namiss ko ang simoy ng hangin ng pilipinas" Sabi ko pagkalabas namin sa eroplano.

"Let's go babe" Napatingin ako kay Rense na buhat ang ibang gamit namin tumango lang ako at sumunod na kinuha ko ang cellphone sa bag ko at itetext ko sana si Erxi kaso bigla nalang ako may nabunggo.

"Naku sorry po. Sorry po kuya" sabi ko at yumuko yuko pa at kinuha ang cellphone na nahulog.

"Nah it's okay" Literal na napatingin ako sa kanya ng makilala ko ang boses nito.

"Zen..."


-----------
  Sorry sa napakatagal na update busy talaga mga babe :< so yeah ito ang pangbawi medyo lame siya kasi napaka rush ng oras ko. Thank you 💕

MY PSYCHO BOYFRIENDWhere stories live. Discover now