CHAPTER 13

5.6K 56 0
                                    

AIRA POV

Gulat na gulat parin ako sa nangyari kanina. Paano siyang nagpa dukot sa sakin? Arggh! Napatigil ako sa pag iisip ng makita kong pumasok ulit ang matanda kanina kaya agad akong lumapit sa kanya at lumuhod.

"Manang parang awa niyo na po. Tulongan niyo akong maka alis dito? Hindi ko alam kung bakit niya ako pina kidnap? Natatakot ako. Please help me" Sabi ko ng humahagulgol.

"Kahit ilang oras lang ang byahe patungo sa manila, hindi kita magawang tulongan ineng" nagulat ako sa sinabi niya.

"Ilang oras lang? A-akala kopo malayo ito sa manila?" Gulat ko paring tanong.

"Hindi hija. Mga isang oras mararating mona ang manila. Oh heto nga pala, inumin mo Vitamins para lumakas ka" Napatingin ako sa kulay pulang gamot na ibinigay niya.

"Para saan ito manang? Bakit kailangang mag Vitamins?" Tanong ko dito, bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Normal na bitamina lamang iyan hija. Para lang sa kalusugan mo, namumutla kana kasi eh" Sabi nito at yumuko.

"Sige na inumin mona ito" Sabay abot sa akin ng gamot. Siguro nga para sa kalusugan ito, dahil medyo namumutla narin ako eh. Kinuha ko ito at ininom. So far wala namang nangyari sa akin.

Sumapit ang gabi at ito maghahapunan na kami ni Manang. Nalaman ko na wala na palang ibang tao dito maliban kay manang at ilang bantay sa labas. Nagsimula kaming kumain ni manang.

"Matagal nabang kayo ni Rense?" Muntik akong mabulunan nang itanong niya iyon at para maalala si Rense. Napayuko ako dahil hindi ko maisip na kayang gawin ni Rense ang bagay na ito. Sabi niya mahal niya ako pero bakit ganito ang ginawa niya?

"Hija?" Napabalik ako sa huwisyo ng magsalita si Manang.

"P-po? I-ilang araw palang po kami."

"Ahh. Kaya naman pala eh' First Girlfriend ka kasi ni Rense"

"First G-girlfriend? Seryoso po?" Sa ganung itsura isa palang naging girlfriend? Tsuu! Maniwala ako sa kaniya.

"Haha. Oo, Noong una nga akala ko bakla yun eh. Pero ngayon hindi na." Nakangiti niyang sabi.

Napatigil kami ni Manang sa pagkukwentuhan nang biglang bumukas ang pinto ng main door kaya agad kaming napatingin doon. Iniluwa nito si Rense na naka all black kaya makikita mo talaga ang kaputian niya. Lumapit siya sa amin at nang makalapit na siya bigla niya akong hinalikan sa labi na ikinalaki ng mata ko. Nakakahiya kay manang!

"How's your day love?" Nakangiti niyang tanong. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magalit sa kanya sa kabila ng pinag gagawa niya.

"F-fine." Simpleng sagot ko na ikinatawa niya. Pati ba naman pagtawa ang sexy. Umupo siya sa tabi ko at sumabay sa pag kain.

Nang matapos kaming kumain dumiretso ako sa kwarto ni Rense na tinutulogan ko, at nag half bath dahil hindi ako sanay na matulog na malagkit ang katawan. Lumabas ako ng cr na ikinapasok naman ni Rense sa kwarto.

"Kailan mo ako iuuwi?" Tanong ko agad dahil baka nag aalala na sila Erxi at kuya sa akin.

"Hindi na. Dito kana sa akin" Seryosong sabi niya habang nakatingin sakin.

"Rense!"

"Why? Aalis tayo ng isla pero hindi kita ibabalik sa kanila."

"Rense naman...Please, magiging ayos parin naman tayo" Pagkukumbinsi ko sa kanya.

"No." Sabi niya at punta sa CR. Napabuntong hininga nalang. Umupo ako sa kama at nag lagay ng lotion at kung ano ano pa sa mukha. Bumukas ang pinto ng CR at inilabas nito si Rense na nakapajama nang black lang.

Naramdaman kong pumulupot ang mga braso niya sa bewang ko at ipinatong ang baba niya sa balikat ko "Babe." Pagtatawag niya sa akin.

"Hmmm?"

"Galit kaba sa akin? Sorry. Gusto lang kitang makasama at ayaw kong maagaw ka sa akin" Naglalambing na sabi niya.

"Wala namang aagaw sakin sayo ah?" Natatawa kong sagot dahil para siyang bata.

"Meron."

"Sino?"

"Zen" Kaya agad akong napaharap sa kaniya.

"Rense... Wala na kami ni Zen kaya imposible yan" tumingin din siya sa akin.

"Posible yun. Dahil lagi ko siyang nakikitang nakatitig sayo na parang mahal kapa rin."

"Rense..."

"Kalimutan mona yun. Matulog na tayo" Sabi niya at humiga na sa kama. Napa iling nalang ako ulit, ibang iba na si Rense ngayon. Tumabi ako sa kanya at tumalikod ng higa. Ipipikit kona sana ang mga mata ko nang bigla niyang ipulupot ulit saking bewang ang mga braso niya.

"I'm sorry babe. I love you" Pabulong na sabi niya na tila isang musika sa aking tainga. Para itong magic dahil bigla ako netong dinala sa kaantokan.

"Hmm. Labyu" Mahina kong bulong bago tuloyang kainin ng antok.

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa balat ko. Tumingin ako sa orasan, alas otso na pala tumingin ako sa tabi ko at nakita kong wala na si Rense doon. Dumiretso ako sa banyo at nag toothbrush at hilamos nang matapos dumiretso ako sa baba para mag agahan. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang matiponong likod ni Rense habang suot ang kulay pink na apron. Seriously pink?!

"Morning" Pag bati ko dito at lumapit sa mesa at nagtimpla ng kape.

"GoodMorning babe!" Masayang sabi niya at lumapit sa akin at humalik sa pisngi ko.

"Kain na tayo" Nakangiti niya pang sabi at nilapag sa mesa ang bacon. Hmm Egg,Hotdog,Friedrice,bacon and milk. Ow! I'm craving.

"San si Manang?" Napansin ko kasing wala siya dito.

"Pinag off ko mona. Gusto kitang masulo eh" Namula naman ako sa sinabi niya.

Hindi ko na siya pinansin at nagmamadali akong sumandok ng pagkain at nilantakan ito, sabihin niyo nang matakaw ako wala akong pake.

"Haha. Dahan dahan babe baka mabulonan ka" Natatawang sabi ni Rense at naglapag ng isang baso ng gatas.

Hindi ko siya pinansin at napatuloy sa pag kain. Maya maya sumabay narin siya sa akin. Kumakain kami ng biglang nag ring ang phone niya.

"Excuse me babe." Sabi niya at sinagot ang tawag pero hindi naman lumayo.

"FUCK!!!"  Napatingin ako sa kanya ng bigla siyang sumigaw. Anong nangyari?





















A/N : WHOOOOOOOOOOOO! Naka update guys! Hehehe sorry ang tagal. Busy talaga salamat sa pagbabasa. Lovelots!

MY PSYCHO BOYFRIENDWhere stories live. Discover now