=#Chapter 2#=

82 4 0
                                    

                                   ---(Marcus' POV)---

Biglang napabalikwas ng bangon si Marcus sa kanyang higaan.

Napaginipan niya ang babaeng iyon sa cafeteria.

Hinabol daw niya ito dahil tumatakbo daw ito ng luhaan.

Pagkatapos ay nakita niyang huminto ito mismo sa bibig ng bangin.

Nakatayo ng matagal.

Unti-unti ay nilapitan daw niya ito at akmang hahawakan ngunit bigla na lang daw itong tumalon at napasigaw daw siya ng malakas.

At iyon ang tagpong nagpagising sa kanya.

Pinagpapawisan ang katawan kahit malamig naman sa room niya dahil nakaopen ang aircon.

Napahawak siya sa noo at basa rin ito ng pawis.

Wala sa isip na ipinampunas ang unan sa tabi niya.

Naisip niya kung bakit napaginipan niya ang babaeng iyon.

Grabe daw ang ginawa niyang pag-iyak noong makitang nahulog iyong babae sa bangin na iyon.

Napatingin ito sa may alarm clock sa bedside table nito.

Ala-una pa lang ng madaling-araw.

Nahiga siyang muli at nakatitig sa puting kisame.

Bumaba ito sa may kitchen at dumeretso sa wine rock at kumuha doon ng tequila.

Gusto niya muling matulog ngunit tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata ay nakikita niya ang imahe ng babae sa panaginip niya.

Hindi niya alam kung bakit ganun na lamang ito ka-affected.

Para kasing kilala niya ang babae pero hindi niya makita ang mukha sa panaginip nito.

Isa lang ang tama, ang babae sa cafeteria at ang babae sa panaginip niya ay iisa.

At hindi niya alam kung anong connection meron silang dalawa at hanggang sa panaginip niya ay nakikita niya ito.

Bumalik ito sa room niya at nahiga.

Inilapag sa bedside table ang hawak na wine glass.

Napadako ang tingin ni Marcus sa isa sa mga picture frames na nasa mini shelf ng room niya.

Nandoon ang masayang kuha na hawak ang  mga bats at naka-uniform pa ang mga ito ng baseball.

Naisipan niyang puntahan ang kaibigang si Jace sa kanila para kumustahin ito.

Matagal na kasing hindi niya ito nakakasama gawa ng busy sa wedding preparation.

Kung anu-anong mga seminars ang dinadaluhan dahil kailangan daw ito before the wedding.

And they need to complete all required seminars.


Malapit na ito sa Alabang.

Tumawag siya kanina kay Jace at sinabihan siyang nasa Alabang siya ngayon.

Sunday kaya off to work muna.

Lumiko siya sa isang street at pagkarating sa Northgate ay lumiko siya sa Southkey Place.

Pagkapark ng kanyang Toyota Hilux ay bumaba na ito ng sasakyan at dumeretso sa may elevator.

Pinindot ang floor 33.

(Doorbell ringing)

"Yo...hey there!", sabay fist bump at yakap.

Hush I'm HereWhere stories live. Discover now