=#Chapter 10: *Marcus' Birthday Celebration*#=

43 3 1
                                    

                                                 ---(Marcus' Family's POV)---

"Anu sa tingin mo itong table cloth Elena?", baling ni Aling Herminia sa anak.

"Saan ito mas magandang ilagay, dito ba o doon sa pabilog na mesa na lalagyan ng vase tapos dito sa oval-shape na mesa natin ilalagay ang desserts".

"Opo ma, diyan na lang sa oval-shape ang mga desserts mamaya tsaka ilagay na din sa gitna mamaya iyong three-layer cake ni kuya Marcus", sang-ayon naman ni Elena sa ina nito.

"Yang baby blue sa oval para doon sa circular table ang baby pink para bagay doon sa kulay ng malaking vase na may shade of pink din", dagdag ni Elena sa sagot.


Lumapit ang mga bata sa mama nilang si Elena at kasunod ang daddy nilang si Rob.

"Mommy..., Daddy Rob doesn't know how to take me to bath?", nakalabing reklamo ni Mouse sa ina nito.

"He told me to wait for you raw po", nakangusong sabi ng bata habang kinakamot ang ulo dahil kumakati na ito sa pawis.  Suot na nito ang bathrobe at tipong maliligo na.

"El, maaari mo bang iwan muna iyan sandali kasi ayaw ni Mouse magpaligo sa iba, hindi rin ako pwede dahil busy pa kami doon sa pagluluto", sabi ni Rob sa asawa.

Nakatawa tiningnan ni Elena ang anak dahil mukhang gusto na nga itong maligo dahil nakabathrobe na ito.

"Sure sweetie, i'll be the one to take you to bath but wait a minute ok, mommy has to finish this first then i'll gonna take you to bath na ok baby", at binuhat ni Elena ang anak at pinaupo sa isang mono black chair na hindi pa rin naaayos.

Bandang 10:00 o'clock na ng umaga at iyong mga table and chairs na lang ang aayusin.

Madali na lang itong gawin kaya ok lang na iwanan na muna ni Elena si Aling Herminia para paliguan muna ang anak nitong si Mouse.

Pagkalagay ng mga table cloth sa mga mesa ay nagpaalam muna ito sa mama niya na paliliguan muna nito ang anak.

Naglakad na ang mga ito papunta sa loob ng bahay.

"O Tom-tom, are you not going to take a bath na?", puna ni Elena sa anak na busy sa paglalaro ng remote control nitong toy car.

"I'm done mom, kanina pa po ako nakaligo kasama si Auntie Delya", tuloy ng bata sa katiwala sa bahay.

"A, ok then".


Ipinasok na ni Marcus hanggang sa loob ng garahe ang sasakyan.

Bumaba ito saka pinagbuksan ng pinto si Vana.

Inalalayang lumakad papunta sa loob ng bahay.

Nakita niya ang pamangkin na si Tom-Tom na busy maglaro.

"There's my nephew, Tom-Tom, panganay na anak ng sister kong si Elena", pakilala ni Marcus sabay turo sa kinaroroonan ng bata.

At siya namang labas ng  isang batang nakasuot ng bulaklaking bestida na kulay pula at tumakbo sa tito Marcus nito pagkakita sa kanya.

Agad nitong kinarga ang bata at hinalikan sa pisngi.

"Wow you took a shower na huh..uhm, bango na ng baby namin ah..", at itinaas nito ang kilikili ng bata saka inamoy at tumatawa ang bata dahil nakikiliti ito.

"Titooooo...hihihi, it's tickling me!!..hihihi", ang tumatawang sabi ni Mouse.

Tawa rin sila dahil nakakatuwa ang masarap na pagtawa ni Mouse.

Hush I'm HereWhere stories live. Discover now