=#Chapter 5#=

51 4 0
                                    

                                            ---(Marcus' POV)---

"Wow pre ganda ng view diyan ah", puna ni Marcus sa paligid habang kausap ang kaibigan sa videochat.

"Nandito na kami sa Hotel The Serras sa may Passeig de Colom, Barcelona bro", at inilibot ni Jace ang cam sa paligid para makita pa ni Marcus ang view nito.

Kumaway si Harley pagkakita sa kanya.

"Have fun bro", at nagpaalam na si Marcus sa kaibigan.

Kinuha ang sombrero at boots na pambukid.

Sumakay sa kanyang pulang two-door Jeep Wrangler.

"Kumusta Tang Dencio, kasya ba iyong mga gamot na pangspray natin ngayon?", tanong ni Marcus sa katiwala sa farm na si Mang Dencio.

"Marami pa doon sa bodega anak", sagot naman ni Mang Dencio at ibinaba muna ang spray gun na hawak.

Matagal ng naninilbihan ang pamilya Batang sa mga Miguel.

Bata pa lang si Marcus ay nandoon na ang mag-asawa kaya naman halos anak na ang turing ni Mang Dencio sa binata at ganoon din si Marcus sa matanda, pangalawang ama na rin ang turing nito sa kanya.

Horticultural oils ang gamit nila sa pag-i-spray dahil it generally considered safe sa mga humans and pets.

The popular homemade baking soda recipes are one of it's active ingredient kaya safe to use talaga siya.

Iyan ang mga natural insecticides na ginagamit nila Marcus sa mga pananim nila.

At pati ang pyrethrins which are also low in toxicity na i-ni-extract sa mga bulaklak.

Kaya iyon ang mga ginagawang mga gamot ni Marcus.

Iyon ang mga natutunan niya sa pag-attend-attend ng mga seminars sa agricultural symposiums and the likes.

Until now ay nagreresearch pa rin siya ng mga bagong ways kung paano maaalagaan ng husto ang mga pananim without any harmful effects.

"O sige tang, diyan po muna kayo at titignan ko rin sila doon sa may manggahan", pagpapaalam ni Marcus kay Mang Dencio.

"O e sige-sige anak, aba'y tignan mo lang at maputik-putik ngayon doon gawa ng malakas na ulan kagabi", at dinampot na uli nito ang spray gun at ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Opo tang, alis na po ako", at sumakay na ito sa jeep.

Sa daan ay nasalubong nito si Minerva, ang anak ni Mang Dencio na may pagtingin kay Marcus.

Halata ang pagpapacute nito dahil tuwing alam ng dalaga na nandoroon ito sa farm ay palagi ang pagpupunta din doon ng dalaga.

Nagdadala ito ng kung anu-anong kakanin na siya ring gumagawa at binibigyan niya si Marcus.

Mahilig gumawa ang dalaga ng ganoon at ibinebenta niya sa may palengke sa bayan nila sa Cabuyao.

Mas bata sa kanya si Minerva ng anim na taon ngunit kalaro na niya ito nung mga kabataan nila.

Madalas ay nanghuhuli sila ng mga salagubang at nilalagyan ng tali sa paa at pinapalipad nila itong parang saranggola.

Ngayon ay hindi na sila katulad ng dati dahil malalaki na ang mga ito.

"O Minerva, ikaw pala iyan".

 "Saan ang lakad mo?", puna ni Marcus sa dalagang bihis na bihis.

"Marcus, kumusta ka?", sabay hawi ng buhok sa mukha at iniipit sa kaliwang tainga.

"May bibilhin ako sa bayan".

Hush I'm HereWhere stories live. Discover now