=#Chapter 7#=

51 3 2
                                    


                                                         ---(Marcus' POV)---

Maagang nagising si Marcus kinaumagahan at napansin siya ni Mang Dencio.

"Aba anak, ke aga pa ah at pupunta ka na sa taniman", puna ni Mang Dencio kay Marcus.

"Tang Dencio, natapos bang ma-spray-an sa mga may manggahan malapit sa sapa", tanong ni Marcus kay Mang Dencio.

"Oo anak, natapos ma-sprayan ang lahat ng mga puno dahil hindi pwedeng hindi ma-spray-an ang mga iyon bago ulit dumating ang ulan", sagot ni Mang Dencio.

Nag-i-spray kasi ang mga ito pagkatapos ng pag-ulan para hindi masayang ang mga gamot na inilalagay.

Para kumapit ang mga gamot ay dapat alam nila ang panahon kung uulan ba o hindi para hindi maulanan pagkatapos itong ma-spray-an.

Mababasa kasi ang mga puno at mahuhugasan ang mga na-spray-an kapag umulan at katatapos mag-spray, kaya kapagkaganun ay uulit na naman sila.

Gastos sa gamot at sayang pa ang pagod.

"May isang linggo naman na ata ang nakalipas kaya pwede ng mamitas doon ngayon", sabi uli ni Marcus.

"Bakit may biglaan bang order sa iyo anak at mapapaaga ang paghaharvest sa mga mangga?", tanong bigla ni Mang Dencio na nagtataka.

"Sa susunod na linggo pa ang anihan doon ah", tuloy na paninita ni Mang Dencio kay Marcus.

"Hindi po Tang, mamimitas lang po ako ng isang basket at may pagbibigyan po ako", nakangiting sagot nito sa matanda.

"May pagbibigyan ka kamo?", puna ni Mang Dencio.

"Aba'y naglilihi na naman ba iyong asawa ni Greg anak?", tanong agad sa akala.

"Haha, hindi po Tang, hindi po para sa misis ni Greg iyon, hindi pa naman po muna magbubuntis si Jess Tang, ayaw pa muna pasundan iyong bunso nila at mahirap daw ang magbuntis, hahaha", tumatawa si Marcus at inabot ang sneakers na ginagamit pang-jogging nito na nakalagay sa shoe rock sa gilid ng hagdan paitaas.

"O e ganoon ba...e para kanino naman anak ang kukuhanin mong mangga at parang excited kang manguha ngayon, ke aga mo pang nagising para lang mamitas nun e pwede namang mamayang alas-otso o bago mananghalian", pagpapatuloy ni Mang Dencio sa sinasabi nito.

"O di kaya pwede mo namang iutos kay Ariel iyon anak", na ang tinutukoy ay ang isa sa mga tauhan ng hacienda.

"Wag na po Tatang, ilang piraso lang naman po ang kukunin ko at kailangan ko kasing maaga para madatnan kong nandoon ang pagbibigyan ko tang, baka kasi may lalakarin iyon mamaya at hindi ko siya maabutan sa shop niya", paliwanag ni Marcus sa itinuturing na pangalawang ama.

"Sige po Tang Dencio, mauna na po ako sa inyo doon", paalam ni Marcus.

"O siya sige at susunod na mamaya ako doon pagkaayos ko dito", sabi ni Mang Dencio at inuumpisahan ng ilagay sa mga bagahe ang dadalhin sa taniman.


Sa daan ay pasipul-sipol si Marcus habang nag-jo-jogging papunta ng manggahan.

Bitbit niya ang tumbler ng tubig at ipod na pinapatugtog habang nag-jo-jog ito.

Ganoon ito tuwing summer, nakaugalian na niya ang mag-jogging every early in the morning.

Nakasalubong niya ang mga ibang tauhan sa hacienda na nagsisipunta na rin sa kanya-kanya nilang destinasiyon.

Hush I'm HereWhere stories live. Discover now