=#Chapter 9#=

46 4 0
                                    

                                                 ---(Marcus' POV)---

Ipinasok na ni Marcus ang sasakyan niya sa garahe.

Pagkatapos i-locked ang door nito ay kinuha ang polo na nabasa ng ulan at dumeretso sa loob ng bahay.

Pagkapasok sa bahay ay nagulat siya sa mga batang nagsisitakbuhan at hinahabol ang bawat-isa.

Naglalaro ang mga ito sa sala.

Naibuka niya ang bunganga sa pagkagulat nang makilala ang batang mestisahin at natural na kulot ang mahabang buhok.

Iyon si Mouse, ang bunsong anak na babae ng younger sister niyang si Elena.

At sumigaw si Tom-Tom, ang panganay na anak na lalaki pagkakita kay Marcus.

Dalawa lang silang magkapatid.

"Tito Marcusss...!", at tumakbo ang mga ito sa kanilang tito.

Agad namang binuhat ni Marcus ang dalawa sa magkabilang braso niya.

"Whoa..!, you two have grown a lot heavier huh!", at hinalikan ni Marcus ang kanyang mga pamangkin.

Maya-maya ay ibinaba niya ang mga ito habang papalapit ang mga kapamilya mula sa kusina.

"Now, look who's here ma", sabi ni Elena na natutuwang nakipagbeso at hug sa kapatid.

"How have you been my sweet brother?", Elena ask smilingly at her brother.

Nagkibit lang ito ng mga balikat bilang tugon.

Next ay niyakap ng mahigpit ang mga parents, showing a deep surprise on his face sa hindi inaasahang pagdating nilang lahat.

"O dear, how we missed you so much!", maluha-luhang sabi ng mama Herminia niya.

"Anak, kelan ko rin makakarga ang apo ko", iyon naman ang nasabi ng papa Jaime niya.

"Pa..., not now...but uhm, maybe soon...!", pagsasakay sa kanyang papa.

"O, good news yan!, edi ibig sabihin ay may nobya ka na ngayon".

"Aba, pakasalan mo na para magkaapo naman na kami ng mama mo hijo", reklamo ng papa nito.

"Tignan mo sila Elena at nakadalawa na", sabay buhat sa apo na kanina pa hinihila ang laylayan ng pantalon nito.

"Hahaha, hindi ko pa po nobya pa, nililigawan palang", pagtatama sa ama.

"Hay naku, papuntahin mo dito sa kaarawan mo para masagot ka na niya, hahaha", tawa ni Mang Jaime at dinala sa sofa ang apo at maya-maya ay i-ni-on ang TV.

Sumunod naman si Aling Herminia sa asawa at tinawag ang isa pang apo na si Tom-tom.

Four-year-old na si Tom-Tom at two-year-old naman si Mouse.

Mahilig manuod ng cartoons noon na Tom and Jerry si Elena noong mga childhood days niya kaya iyon ang naisip ipangalan sa mga anak nito.

"Naku kuya, i'm so happy to hear that", ang nagagalak na sita ni Elena sa kapatid.

"Masaya akong may natitipuan ka ng babae ngayon".

Akala kasi ni Elena na tatandang binata na talaga ang kuya niya dahil kung sinu-sinong friends niya na ang inirereto nito sa kapatid pero hanggang date lang at ang iba ay hindi na rin nasundan.

"Hindi niyo ba kasama si Robert", puna ni Marcus sa bayaw na hindi niya makita.

"O, nasa kitchen siya at siya ang nagvolunteer magluto ng dinner natin, hehe", sabay turo ni Elena sa kitchen.

Hush I'm HereOù les histoires vivent. Découvrez maintenant