=#Chapter 6: *The Alumni Homecoming Event*=#

50 3 1
                                    


                                              ---(Vana's POV)---

Mag-a-alas-otso na noong umpisahan na ang event.

Ang sabi ng MC ay kumain na raw muna para after that e ma-enjoy daw nila ang mga programa ngayong gabi.

Buffet-style ang kainan kaya eat-all-you can ang mga nandoon.

Masasarap ang mga nakahain kaya naman sulit na sulit ang mga solicitation na ginawa.

At hindi lang sa preparation for that night napunta ang mga nasolicit sa mga alumni kundi sa mga charity activities of their dear Alma mater.

Ang christian school kasi na pinagtapusan nila ng kolehiyo ay may sinusuportahang orphanage at on going pa rin ang pagbibigay ng eskwelahan ng tulong sa mga ito.

Nakapila sila Vana sa pagkuhanan ng mga foods noong makabunggo niya ng kamay ang isa ring kumukuha ng pagkain.

Magkasabay kasi silang napahawak sa malaking serving spoon at dahil doon ay napatingin siya sa katabi.

A surprise face of Vana.

"O-o.., e-e.., i-ikaw... Oo, i-ikaw nga...ahahaha, ikaw nga Marcus..!"

"What are you doing here?!", gulat na tanong ni Vana at nakalimutan na niyang madami pa ang nakapila na sunod sa kanya.

"Hahaha, ugali mo ba talagang magpa-cause ng traffic  noh", ang nakangiting sabi ni Marcus sabay tingin sa tabi niya na sinasabing may mga naghihintay sa mga susunod sa kanya sa pila.

"Hehehe, Oo nga pala", nakangising sang-ayon sa tinutukoy ni Marcus.

Sinadya ni Marcus na hintayin si Vana para makisabay dito sa table nila.

"Miss TG, pwede bang makijoin sa table niyo?", pasimpleng tanong ni Marcus.

Umikot na naman ang eyeballs ni Vana sa tawag sa kanya ni Marcus.

Kina-career na talaga ang pagtawag sa kanya ng TG.

"Uhm, yeah sure if walang maghahanap sa iyo", pasimple ring tanong nito para malaman kung may kasama ba itong date ngayong gabi.

"Actually meron akong mga kasama pero ikaw ang gusto kong makasama ngayon", at tiningnan siya ni Marcus.

"Ok sige halika na nga at ipapakilala kita sa mga friends ko", sabi ni Vana saka mabilis na tumalikod para hindi mahalata ang pamumula ng pisngi niya.

Habang papunta sa table ay nag-uusap sila.

"Hindi ko alam na dito ka rin pala nagtapos ng kolehiyo Marcus".

"Yeap, ako nga rin nasurprise nga din ako nung makita kita dito".

"Architecture ang kursong tinapos ko dito pero sa farm ako nagtatrabaho, hahaha".

"Funny isipin kasi bakit pa ako naghirap mag-aral ng archi tapos hindi ko rin naman ito magagamit", pagpapatuloy sa sinasabi.

"Malay mo balang-araw kapag nagsawa ka sa farm e maisipan mong magamit ang pagiging architect mo di ba", sambit ni Vana pagkatapos ay inilapag ang hawak na pagkain sa table nila.

"Guys, I would like you to meet Mr.Miguel", pagpapakilala ni Vana kay Marcus.

"Masyado namang pormal, Marcus na lang, mas komportable pa ako", komento nito pagkatapos at saka nginitian ang mga nandoon sa table.

"Hello Marcus", bati ni Patricia at inilahad ang kamay para makipaghand-shake dito, pagkatapos ay tiningnan nang makahulugan si Vana na parang tinatanong na sinu siya.

Hush I'm HereWhere stories live. Discover now