CHAPTER ONE

21.8K 252 5
                                    


Prologue

Itinaon ni Romano ang selebrasyon ng groundbreaking ng pagpapatayo ng building sa mismong araw ng Fil-American Friendship Day. Maaga pa lang ng June 4 ay marami nang nagdatingang mga bisita na halos pumuno sa malawak na lupain. Naglalakihan ang mga tent na nagsisilbing pananggalang sa init ng araw.

Nang matapos ang groundbreaking ceremony ay nagpasalamat ang mga namumuno ng Perez Youth Foundation. Ang pangunahing layunin ng foundation ay ang matulungan ang mahihirap na kabataan na may angking talento at kakayahan sa iba't ibang larangan ng sining at akademya.

Siyempre pa, kompleto ang lahat ng mga miyembro ng kanilang samahan.

Ang mga kapatid ni Romano na sina Liam at Lowen ay kasalukuyang abala sa mga kotseng pinagagana ng remote control. Umaarangkada ang mga iyon sa maalikabok na lupa habang tuwang-tuwang pinanonood ng mga bata.

Ang magkakapatid na sina Piolo, Nico, at Cholo Madrigal ay masayang nagkukuwentuhan sa isang mesa, kaumpok ang mga bisitang tagaibang bansa.

Ang malapit nang ikasal na sina Janelle at Jebu ay personal na pinamahalaan ang mga pagkain. Ang mga buffet table ay nasa gitna ng magkatapat na gazebo. Sa ayos pa lang at dekorasyon ng mga pagkain ay masasabi nang katakam-takam ang mga putahe. Hindi pa kasama roon ang mga pagkain na nasa styro pack na inililibot ng mga babaeng naka-unifom. Para naman iyon sa mga batang nalilibang sa iba't ibang laruan at gumagalang mascots.

Sina Alec at Elmo kasama ang kanilang mga misis ay abala rin sa pagbibigay ng libreng vitamins at mga gamot sa mga bisita. Mayroon ding doktor at nurses na nagsasagawa ng libreng konsultasyon sa kalusugan ng hindi lang mga bata maging ng mga magulang ng mga ito.

Samantala, sa di-kalayuan ay naroon sina Brendan, Logan, Anton, at Dylan sa kanya-kanyang hot air balloons. Nakatutuwang pagmasdan ang iba't ibang kulay niyon.

Ang pagpapalipad ng hot air balloons ay isa sa mga inaabangan ng mga naroroon. Dahil iyon ang kauna-unahang pagpapalipad ng mga miyembro ng Midnight Blue Society na nahihilig sa mga kakaibang libangan.

Ang lahat ng mga nagaganap sa okasyon ay kinukunan ng video ni Billy Panganiban, isang papasikat na reporter-correspondent ng isang sikat na TV network.

Sa ibang panig ng malawak na lupain ay makikita ang tent ng negosyanteng si Ramon Goco. Ito mismo ang nag-aabot ng bag na naglalaman ng groceries para sa mga magulang ng mga bata.

Samantala, bakas sa mukha ni Romano ang kasiyahan habang naglilibot sa bawat tent kasama ang nasa kabuwanan nang si Princess. Pangalawang pagbubuntis na iyon ng misis niya. Ang panganay nilang si Hans na dalawang taon pa lang ay nakatulog sa loob ng van at binabantayan ng dalawang yaya.

"Wala na akong mahihiling pa, Romano..." bulong ni Princess sa kanya. "Lahat ng projects n'yo, nagtatagumpay."

Nasisiyahang ngumiti si Romano. Kahit saan siya tumingin, kababakasan ng kaligayahan ang lahat.




CHAPTER ONE


Personal na sinaksihan nina Brendan at ng kanyang mga kaibigan ang pagbasa ng hatol kay Johnny delas Alas. Mas kakikitaan ng interes si Brendan kumpara sa mga kasama niya sa kahahantungan ng kasong rape na isinampa laban sa lalaki. Mahalaga sa kanyang malaman kung ano ang hatol ng hukuman dahil gusto niyang makita kung ano ang magiging reaksiyon ni Paula Gomez. Si Paula ay ex-live in partner ni Brendan.

MIDNIGHT BLUE SOCIETY SERIES -BRENDAN - #MBS8 (COMPLETED)(PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon