CHAPTER TEN

12.7K 302 19
                                    


"Hija mia, bakit mo pa pinawalan ang Brendan na 'yon?" puno ng panghihinayang ang tono ng pananalita ng kanyang abuela. Iyon ay matapos niyang ikuwento ang lahat ng detalye ng mga nangyari sa kanya sa barko.

Hindi na niya tinapos ang kanyang bakasyon. Agad niyang tinawagan ang kanyang abuela. Siguro ay natakot ito sa tindi ng determinasyon niyang makabalik na agad sa lalong madaling-panahon kaya nagawan nito ng paraan na masundo siya ng chopper sa islang pag-aari ni Romano Perez.

"Lola, hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Marami pa. Hindi naman ako naiinip sa paghihintay. Alam kong may darating na karapat-dapat sa akin."

Napatirik ang mga mata nito. "You're already twenty-nine, hija mia, baka nakakalimutan mo. Two weeks from now, magbe-birthday ka na."

"Well, I'm starting to date now."

Pagkagaling niya sa isla, isang araw lang siyang nagpahinga at kinabukasan ay agad siyang nag-report sa kanilang opisina. Hindi nga siya nakilala ng kanilang staff at maging ng mga partner niya sa law firm.

Ang binatang si Justine Soriano, bagong junior partner nila ay nagpakita agad ng interes sa kanya. In fact, nahihiya pa ito nang lapitan siya para imbitahang kumain sa labas. At kulang na lang ay sumigaw ito sa tuwa nang paunlakan niya.

Nangislap ang mga mata ng kanyang abuela. "You mean, hindi mo rin gustong maging old maid?"

"Hey, I never said that. Nagkataon lang na masyado akong naapektuhan ng propesyon ko kaya ang tingin ko sa mga lalaki ay pare-parehong abusado, bastos, at manggagamit."

"Hindi ba dapat thankful ka sa lalaking nagmulat sa 'yo sa maling paniniwalang 'yan? Hindi ba dapat siya ang pinag-uukulan mo ng pansin at atensiyon? Sabi mo nga'y binata pa siya."

Pumakla ang ngiti ni Tweety. "Binata nga siya at habang-buhay na magiging binata."

Nagsalubong ang mga kilay nito.

"He doesn't believe in marriage. Mas pabor siya sa live in. At iyon ang ayaw na ayaw ko, Lola."

Napabuntong-hininga ito. "O siya sige, bahala ka na kung sino ang pipiliin mong mahalin. Masaya na rin ako sa estado mo ngayon."

Ginawaran niya ito ng halik sa pisngi bago pumasok sa kanyang silid. Nagpakita lang siya sandali sa opisina at umuwi na agad.


"BUKAS na ang birthday bash mo pero wala ka pa ring napipiling escort!" eksaheradong reaksiyon ng kanyang abuela.

"Ano'ng magagawa ko, Lola? Si Justine lang ang matiyagang nanliligaw sa akin. Siguro dahil hindi siya nangingilag sa akin."

"Why is that, hija?"

"Siguro dahil pareho lang kaming lawyer."

"Bakit 'yong nagpakilala sa 'yo roon sa party, 'yong isa mukhang si Hercules, 'yong isa, mukhang modelo."

Nagbuntong-hininga siya. "Napansin ko kasing parang nawawalan sila ng interes kapag nalaman na nila kung ano ang trabaho ko."

Nalilito na talaga si Tweety sa kanyang sarili. Kahit naman magpursige ang mga suitors niya, siya rin ang may problema dahil hinahanapan niya ng kapintasan ang mga iyon. Dahil deep inside her, may itinatangi ang kanyang dibdib na hindi maamin ng kanyang utak.

Napahalakhak ang kanyang abuela nang parang may na-realize sa sinabi niya.

"What's funny, Lola?" napipikong saad niya.

"Well, you have to accept the fact that men are easily intimidated by a woman's profession."

Napasimangot siya. "Hindi na baleng wala akong boyfriend sa birthday ko, Lola. Ayokong madaliin ang bagay na puwedeng maging komplikado pagdating ng panahon."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 24, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MIDNIGHT BLUE SOCIETY SERIES -BRENDAN - #MBS8 (COMPLETED)(PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now