CHAPTER FOUR

6.6K 144 5
                                    

Mariing minamasahe ni Brendan ang nangangawit na batok habang papalapit sa wine bar. Natagpuan niya ang isang maliit na refrigerator sa isang sulok ng cabin na kompleto sa beverages, chocolates, at junk foods.

Mula sa estante ay kinuha niya ang isang bote ng whiskey at saka nagsalin nang kaunti sa isang kopita. Inisang lagok niya ang laman niyon at pagkatapos, buong paghangang pinagmasdan ang kabuuan ng suite.

Asul ang dominanteng kulay na makikita sa mga furniture at kasangkapang naroroon.

Muli siyang nagsalin ng whiskey at inunti-unting simsimin iyon habang pinagmamasdan ang isang painting na likha ng famous painter na si Malang. Nakasabit iyon sa pinakagitna ng sitting room.

Nakadama si Brendan ng katiwasayan ngayong malayo siya sa pressure ng propesyon. Unti-unting nare-relax ang isip niya sa ideyang nag-iisa siya at kasalukuyang nasa gitna ng laot.

Naalala niya ang kantiyaw sa kanya ng mga kaibigan. Mas enjoy kung may kasama siya. At ang gusto nga ni Logan ay pasamahan siya ng isang smart, sexy, and attractive young lady. Hindi naman iyon imposible dahil ang isa nilang kaibigan na si Liam Perez ay CEO ng Midnight Blue Limited. Isa iyong lehitimong kompanya na nagte-train sa mga aspiring and talented young people. Ang modelling, stage acting, singing, dancing and personality development ay ilan lang sa mga itinuturo sa ahensya.

Matapos magsanay ang isang talent, nagiging training ground ang Princess Romania, maging ang ilang kompanya sa ilalim ng Perez Group of Companies. Mayroong hall sa loob ng malaking barko kung saan idinadaos ang pagpapamalas ng mga talent ng kanilang kahusayan.

At iyong ino-offer ni Logan na magkaroon siya ng companion, isang tawag lang nito kay Liam, may makakasama na siyang magandang babae. Pero tinanggihan nga niya ang ideyang iyon. He'd find it irritating kung may babaeng laging nakadikit sa kanya.

Inalis niya sa pagkakabutones ang suot na polo. Ibinaling na lang uli niya ang atensiyon sa pag-usyoso sa iba pang panig ng cabin-suite.

Nasa harap siya ng pinto ng bedroom. Pumasok siya sa loob at saka naglibot ang mga mata niya.

Humantong ang paningin ni Brendan sa queen-size bed. May ilang segundong napako roon ang mga mata niya. Namamalikmatang natitigan niya ang isang "bagay" sa ibabaw ng kama.

At para lang makatiyak, lumapit siya roon at nakita ang isang babaeng nakahiga. Halatang nasa kalaliman na ang tulog nito dahil kahit ang ingay na likha ng kanyang mga yabag ay hindi man lang nakagambala rito.

Hindi na niya magawang alisin ang tingin sa babae. Sa maikling sandali ay naglakbay ang mga mata niya sa kabuuan nito.

Banayad ang paghinga ng babae na kitang-kita sa pagtaas-baba ng dibdib; bahagyang lumitaw ang pinakapuno niyon dahil sa suot na manipis na pantulog na may malalim na uka. Her lips were pink, very sensual ang hubog niyon na bahagyang nakaawang, parang may magandang napapanaginipan.

Nakaramdam siya ng panunuyo ng lalamunan nang makitang nakalilis ang kumot hanggang sa baywang nito.

Damn! What the hell is she doing here... in my bed? A first-class whore, huh? Naningkit ang mga mata ni Brendan nang maisip iyon.

Bigla ay naisip niya na baka may kinalaman ang mga kaibigan sa nakikita niyang magandang babae.

"Kalimutan mo na si Paula. Maraming babae..." Para pa niyang naririnig ang udyok ng mga ito sa kanya.

Mahusay pumili ang mga lokong iyon... sa loob-loob ni Brendan na natutok ang mga mata sa kabuuan ng babae. Makinis at maputi ang balat nito, mamula-mula ang mga pisngi. Pero kahit ito pa ang pinakamagandang babaeng nakita niya, hindi pa rin niya papatusin. Galit siya sa mga babaeng ginagawang puhunan ang katawan para lang makahawak ng malaking pera. Kagaya ni Paula!

MIDNIGHT BLUE SOCIETY SERIES -BRENDAN - #MBS8 (COMPLETED)(PUBLISHED UNDER PHR)Onde histórias criam vida. Descubra agora