CHAPTER EIGHT

6.5K 115 1
                                    


Gulat na napalingon si Tweety nang marinig ang boses ng isang lalaki.

"I'm sorry if I disturbed your solitude," anito habang lumalapit sa kanya.

Nairita man siya dahil nabulabog ang katahimikang pinapangarap ay hindi na lang siya nagpahalata. "Ikaw pala, Jude," kaswal na sabi niya. Nakilala niya ito kanina sa dining room at nagpakita agad ng interes sa kanya. At ngayon nga'y nakabuntot na agad kung kailan malalim ang iniisip niya.

Matamis ang ngiting napinta sa mga labi ng lalaki. "Hindi ka natatakot na mag-isa rito?"

"Why should I?" sagot ni Tweety at saka pinuno ng hangin ang dibdib.

"Mas okay kung may companion ka lalo pa nga't ganito ka-romantic ang atmosphere dito."

Tipid na ngiti ang isinagot niya. Hindi niya nagustuhan ang konotasyon ng sinabi ni Jude. Ipinamumukha nito sa kanya na kailangan niya ng companion—ng lalaki!

"As a matter of fact, Mr. Concepcion—"

"Jude na lang, Tere," agap nito. "I'll call you Tere dahil mas bagay sa 'yo. You're such a beauty..."

Nagkibit lang siya ng mga balikat. "Don't try to flatter me, Jude."

"Tatalon ako sa dagat kung hindi ako nagsasabi ng totoo."

Nakakahawa sana ang kasiglahan nito. Tantiya niya ay nasa beinte-singko lang ang edad nito, boyish-looking. He was too young for her!

Tama nga yata ang abuela niya. Malaki nga ang nabago sa personalidad niya, pero nagsimula naman siyang kunsumihin ng mga lalaki. At isa na roon si Brendan Wisell.

"Bakit ka nga pala nandito? Wala ka bang kasama?" tanong na lang ni Tweety.

"Parang ikaw, wala rin akong hilig sa pakikipagsosyalan. Mas gusto ko pang mapag-isa habang ina-appreciate ang paligid."

Napangiti naman si Tweety. Magaan naman talaga ang loob niya kay Jude.

Ang mga sumunod na minuto ay nag-enjoy siya sa pakikipagkuwentuhan dito.


"THERE you are!" anang malamig at buong-buong boses ng isang lalaki.

Nabitin sa lalamunan ni Tweety ang sasabihin nang malingunan ang lalaking mabilis na nakalapit sa kanila. Napatingin siya kay Jude.

"Honey..." nakangiting sabi ni Brendan na hinawakan agad siya sa braso. "I've been looking for you kanina pa. Dito lang pala kita makikita."

Pakiramdam ni Tweety, nanigas ang mga panga niya na parang na-electric shock nang maramdaman ang malabakal na kamay ni Brendan sa braso niya.

Pinilit niyang makakawala rito. "Get off—"

"Honey," agap ni Brendan na hindi na siya binigyan ng pagkakataong makapagsalita, "we have an appointment. Did you forget it?"

Honey? Kailan pa ito nagkaroon ng karapatang tawagin siya sa ganoong pangalan? Hindi kaya nalipasan ng gutom ang lalaking ito at kung ano-ano na lang ang sinasabi?

Pero siya na rin ang sumagot sa sariling katanungan. Base sa nababasa niya sa mga mata nito, bagaman nakangiti ay duda siyang may motibo sa likod ng ngiting iyon.

Wala-sa-loob na napatingin siya kay Jude. Obvious na nalito ito sa sitwasyon at ngayon ay titig na titig kay Brendan.

Pumiksi siya para makawala sa pagkakahawak nito. "You're hurting me!"

Pero hindi nito pinansin ang pagwawala niya at sa halip in-extend ang isang kamay kay Jude. "I'm Brendan Wisell."

Nakipagkamay naman dito si Jude. "Jude Concepcion."

MIDNIGHT BLUE SOCIETY SERIES -BRENDAN - #MBS8 (COMPLETED)(PUBLISHED UNDER PHR)Onde histórias criam vida. Descubra agora