CHAPTER FIVE

7.1K 142 2
                                    

Nanginginig pa ang mga kalamnan ni Tweety habang mabilis na nagbibihis. Pilit niyang kinakalma ang sarili. Ngayon lang nangyari na nairita siya ng isang lalaki. In all her dealings with men, she had never found herself in the situation she had been with Brendan Wisell. She was used to being in control.

She couldn't remember the time when she felt so vulnerable, so humiliated. Hindi niya akalain na makakatagpo siya ng isang aroganteng lalaki.

Ipinagpasalamat na lang niya na malaki naman ang barko at kapag naayos ang problema ay maiiwasan na niya si Mr. Wisell. Titiyakin niyang hindi ito makakasabay lalo na sa swimming pool, game areas o kahit saan mang panig ng barko. At kapag talagang minamalas siya na makasalubong ito ay magpe-pretend na lang siyang hindi ito nakikita. Sa ganoong paraan mabubura na ito sa kanyang memorya.

Wala siyang pakialam anuman ang isipin nito sa kanya. Talagang hindi siya dapat paapekto sa lalaking iyon dahil base na lang sa nasaksihan niya, mukhang bihasa itong makipagbangayan sa babae.

Pero natigilan siya. Bigla ay may na-realize siya. What was that twinge of excitement na naramdaman niya nang makatitigan ito? Feeling niya ay napunta sa kanyang tiyan ang mga alon sa dagat.

At imbes na maeskandalo dahil pati ang sukat ng kanyang bra ay walang-anumang hinulaan nito ay nagpabilis pa lalo sa tibok ng puso niya. Gusto niyang isiping walang malisya iyon sa parte ng lalaki kundi ay nairita pa nga ito dahil kakalat-kalat ang personal belongings niya.

Bigla ay na-curious siya sa pagkatao nito. Naisip niyang siguro ay eksperto ang lalaking iyon pagdating sa women's underwear.

Napaismid si Tweety. Nasa tipo nga ng Brendan na iyon ang kahihibangan ng mga kababaihan! Kaya isang malaking kahibangan kung pag-aaksayahan niya ito ng oras para isipin.

Maalala nga lang niya na nagpiyesta ang mga mata nito habang natutulog siya ay sapat na para magpakulo ng kanyang dugo. Pero pilit na lang siyang nagpakahinahon.

Nang lumabas siya ng silid ay naibalik na niya ang composure. Natagpuan niya si Brendan na nakaupo sa isang coach. Nakapikit ito habang nakahalukipkip ang dalawang braso.

Nahagip ng mga mata niya ang bote ng alak na bawas na. Muli niyang ibinalik ang tingin dito. Pero nanatili siyang alerto sa anumang binabalak nitong gawin.

Wala sa loob na natitigan niya si Brendan. Nagkaroon siya ng pagkakataon na pag-aralan ang anyo ng lalaki. Alon-alon ang buhok nito na may kahabaan na, makakapal at itim na itim ang mga kilay pati na ang pilikmata.

May munting tinig na nagdidikta sa kanya na nagtagpo na ang landas nila ng lalaki dahil pamilyar sa kanya ang kabuuan nito.

Biglang sumagi sa isip niya ang tungkol sa kapilyahan ng kanyang abuela. Hindi kaya ang lalaking ito ay inupahan ng kanyang lola para libangin siya? Para aliwin siya sa buong sandali ng kanyang bakasyon?

She just wished na hindi naman sana. Dahil kapag nagkataon, talagang magtatampo siya nang husto sa kanyang lola dahil nagawa nitong sirain ang pangako sa kanya. Hanggang nang mga sandaling iyon nga ay hindi pa rin matanggap ng isip niya na napagkamalan siya ng Brendan na iyon na isang bayarang babae.

Marahas siyang bumuntong-hininga. Pinagmasdan niyang mabuti si Brendan. He was exceedingly a handsome man, but she was determined to find imperfections in that good-looking face.

"Are you through studying my features?" tanong nito na hindi nagdidilat ng mga mata.

Nanigas yata ang mga panga niya. "I-I wasn't—"

"You deny it, huh?"

"Absolutely. I don't find you interesting at all."

Bigla itong nagmulat ng mga mata. "Nagkataong malakas ang radar ko at magagawa kong basahin ang iniisip mo."

MIDNIGHT BLUE SOCIETY SERIES -BRENDAN - #MBS8 (COMPLETED)(PUBLISHED UNDER PHR)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant