CHAPTER SEVEN

6.5K 122 0
                                    

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Paula," mariing sabi ni Brendan at panakaw na sinulyapan ang kinaroroonan ng babaeng "ka-share" niya sa cabin sa di-kalayuan. Ganoon na lang ang galit na naramdaman niya nang makitang may lumapit na lalaki sa mesang inuokupa nito at ng isa pang babae.

"Please, Bren, pakinggan mo muna ang mga sasabihin ko," patuloy na sabi ni Paula.

Wala sa sinasabi nito ang atensiyon ni Brendan kundi sa babaeng ngayon ay may kausap nang lalaki at isa pang babae. Talagang attractive ang Miss Lopez na iyon sa suot na black dress na hantad ang malakremang kutis.

Nalaman niya lang kung sino ang babaeng iyon na naunang umokupa ng cabin 89 kay Mr. Laroza. Teresita Lopez daw ang pangalan ng babae at dito raw mapupunta ang cabin-suite dahil nang i-verify sa head office ang naging problema ng tickets nila ay napag-alamang mas ahead itong nagpa-reserve at nagbayad. Kaya siya ang dapat lumipat sa ibang cabin.

Hindi naman iyon problema kay Brendan; payag na siya. Ang kaso, nang malaman niyang Teresita Lopez ang pangalan ng guest, hindi siya natahimik.

Nang una niyang narinig ang pangalan nito ay pamilyar lang ang naging dating niyon sa kanya. Pero agad na rumehistro sa kanya kung sino ang may ganoong pangalan. Mahirap paniwalaan na ang babaeng nakikita niya ngayon ay ang mahusay at sikat na abogadong si Atty. Teresita Lopez. Puwedeng kapangalan lang nito ang abogada at nagkataong kaapelyido pa.

Nang bumalik siya sa opisina ni Mr. Laroza para sana magtanong pa ng ilang detalye tungkol sa Miss Lopez na iyon ay may kausap na itong ibang guest.

Posible namang may information file ang bawat guest o pasahero ng barkong Princess Romania. Sa pagkakaalam niya, ang bawat isa sa kanila ay insured sakali mang magkaroon ng disgrasya o sakuna habang naglalayag ang barko.

He made a mental note na babalikan si Mr. Laroza pagkatapos niyang mag-dinner.

Sobrang coincidence naman kasi na sa dami ng magkakapangalan ay kapangalan pa ng babaeng hinahangaan niya ang babaeng napagkamalan niyang isang first-class prostitute! Definitely ay hindi ito nanggaling sa Midnight Blue Limited dahil wala naman iyong ganoong klaseng serbisyo.

Pero nakita naman niya na may bahagyang resemblance ang abogada at ang babaeng nakikita niya sa di-kalayuan. Sa tingin niya ay pareho rin ang height nito at ng abogada, pero iyong built ng katawan ay malayo. Di-hamak na mas sexy ang babaeng ito kaysa sa abogadang natatandaan niyang may pagka-chubby pa. May makakapal na salamin iyon sa mata, laging nakapusod ang buhok, at halatang conservative base sa pananamit at kilos.

Pero ang babaeng kasama niya sa cabin ay ultra-modern sa pananamit. Hindi nga ba't halos lumuwa na ang mga mata niya nang makita itong natutulog na ang tanging suot sa katawan ay manipis na nightgown? Talagang nakapagpainit ng dugo ang naaninag niyang kayamanan nito.

Lalampas na sa mga daliri ng mga kamay at paa niya ang bilang ng mga babaeng nakitaan niya ng dibdib, in fact, nahahawakan pa nga. Iyon ay dahil sa propesyon niya bilang isang plastic surgeon.

Pero ang babaeng iyon, she had full and round breasts. Perfect cones. Hindi na iyon kailangang pakialaman ng siyensiya.

I should know, sa loob-loob niya habang patuloy sa pag-iisip, unmindful na kanina pa siya kinakausap ni Paula.

Larawan ng isang kaakit-akit na babae si Miss Lopez. In fact, kung tama ang hinala niya na binayaran nga ito nina Logan para lang aliwin at samahan siya sa kanyang bakasyon, sa pagkakataong iyon ay bilib na siyang talaga sa mga kaibigan dahil mahusay pumili ang mga ito.

Tuksong lumitaw sa imahinasyon niya ang kabuuan ng babae. Pero kailangan niyang kontrolin ang sarili kung ayaw niyang magkaproblema lalo.

Napangiti si Brendan nang maalala ang pagtatalo nila. Mukhang palaban ang babae. Naisip tuloy niyang baka iyon ang style nito para makuha ang atensiyon niya. Heto nga at totally captured na ang buong konsentrasyon niya.

MIDNIGHT BLUE SOCIETY SERIES -BRENDAN - #MBS8 (COMPLETED)(PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now