CHAPTER NINE

7.2K 148 3
                                    


Alam ni Tweety na may nakasubaybay na mga mata sa kanya habang nakaupo siya sa lounge chair. Patuloy naman sa pagkukuwento sa kanya si Jude, pero wala sa sinasabi nito ang atensiyon niya kundi nasa katapat nilang upuan. At hindi nga siya nagkamali ng hinala dahil kahit may hawak na diyaryo si Brendan, nahuli niya itong tumitingin sa kanya.

Taas-noo niyang iniwasan ang tingin nito. Pero nag-iinit pa rin ang pisngi niya nang ma-realize na maaaring kanina pa ito naroon.

Bale-wala naman sa kanya ang humahangang reaksiyon ni Jude nang makita siya nitong naka-swimsuit. Halos kalahati na lang ng dibdib niya ang natatakpan ng bra. Kaya napilitan siyang magpatong ng maluwang na polo. Pero dahil nga sa lumusong sila sa swimming pool kaya napilitan siyang hubarin ang polo.

Iyon marahil ang nasaksihan ni Brendan kanina pa. Pero kahit pa, pilit niyang binale-wala ang presensiya nito.

Nakita niya ang paglapit dito ng isang babae na pamilyar sa kanya ang mukha. Iyon din ang kasama nito sa dining room. At pilit niyang nire-recall sa isip kung saan nga ba niya nakita ang babae.

Nainis siya sa tagpong iyon. Na-off balance ang babae, pero maagap naman itong nasalo ni Brendan. Kumapit na sa leeg nito ang babaeng iyon.

Nawalan na siya ng ganang magtagal pa sa swimming pool.

"O bakit?"

"Let's go, Jude. Gusto ko nang magpahinga."

Walang salitang sumunod ito sa kanya.


"MAY I come in?" nakangiting tanong ni Jude sa kanya nang mapagbuksan niya ito ng pinto. "Hindi ka yata nag-dinner."

"Busog pa ako sa kinain natin kaninang lunch," sagot niya.

Pinatuloy niya sa sitting room ang lalaki. Napansin niyang may dala itong bote ng champagne.

"Malapit na tayong makarating sa isla, Tere," sabi nito at kampanteng kumuha ng dalawang kopita sa wine bar. "Excited na nga ako."

Hinayaan niya lang ito. Sa totoo lang okupado pa ang isip niya sa naging discussion nila ng kanyang lola. Iginiit nito sa kanya na kinansela na nito ang escort service. Pero nang malaman nito ang tungkol kay Brendan Wisell, sa halip na mag-alala ay mukhang na-excite pa ang abuela niya.

Malapit-lapit na siyang mag-hysteria dahil hindi nito magawan ng paraan na makabalik siya sa Maynila. Ang pag-asa na lang niya ay kapag nakadaong na sila sa isla. Doon ay maaari na siyang makahanap ng paraan.

Ibinigay sa kanya ni Jude ang isang kopita at tinanggap naman niya iyon.

"What's funny?" puna niya dahil obvious ang kislap sa mga mata nito.

"Well, inakala ko kasing kayo n'ong lalaking 'yon. Remember, basta ka na lang niyang inilayo sa akin noong isang gabi?"

Napasimangot siya. "It's a long story, Jude at wala ako sa mood na magkuwento. Hanggang ngayon ay naiirita pa ako sa tuwing maalala ko kung gaano kabastos ang lalaking 'yon."

"Ni Brendan Wisell," sabi nito.

"Do you know him?"

"Not really. Nagkataong half ng female guests ng barko'y interesado sa kanya. I gathered from a reliable source na sikat at mahusay na plastic surgeon ang Wisell na iyon."

Napabilis ang lagok niya ng champagne. Nang makita ni Jude na wala nang laman ang kopita niya ay awtomatikong lumapit ito at akmang sasalinan iyong muli. Pero bigla na lang naging unsteady ang hawak nito sa bote at hindi iyon tumapat sa kopita.

MIDNIGHT BLUE SOCIETY SERIES -BRENDAN - #MBS8 (COMPLETED)(PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now