Chapter 4 - Sunday Delivery

537 33 0
                                    

PRESENT

*Aya's POV*

After naming nag-usap ni B kahapon, akala ko gagaan ang loob ko. Akala ko 'pag nailabas ko na lahat ng sakit, okay na ako. Pero, hindi. Mas lalong mabigat sa pakiramdam. Though nai-share ko ang side ng story ko sa kanya para kahit papaano may isa man lang na papanig sa side ko, ako pa rin rin, para kay B, ang may mali. I mean, pareho naman daw kaming may mali. Pero ako, ako 'yong mas dapat may ginawa. Ako dapat 'yong mas may chance na piliin 'yong "kami" pero 'di ko ginawa.

Napabuntong-hininga na lang ako habang binibigyan ng finishing touches ang halos naging routine ko na isang beses kada-buwan - ang flowers for Cris. Simula nung naging kami ni Allie, I told her na pwede pa rin niyang bigyan ng flowers si Cris. Walang problema sa'kin 'yon. Sabay pa nga kaming pumunta sa puntod niya minsan eh.

Siya na naman. Memories na naman namin. Napatigil ako sa ginagawa ko.

"Bwisit! Bakit ko ba ginagawa 'to?"

Naiinis ako na simula nung naghiwalay kami, lagi ko na 'tong ginagawa which wasn't my responsibility to begin with. Once a month, Sunday, I bring Cris flowers. Kasi alam ko 'yon ang gusto ni Allie.

No Aya. It's not because Allie wants that. Umaasa ka na makikita mo siya dun. Pero Aya, it's been two years and ni anino niya 'di mo nakita. How many times do I have to tell you na HINDI NA SIYA BABALIK? Na hindi ka na niya babalikan?

"Oo na. I'm doing this for myself. Para makita si Allie kahit isang beses lang. Magso-sorry ako kasi 'di ko nagawa 'yon ng maayos. Magmamakaawa ako na kahit isang beses lang, yakapin niya ako ulit. Na sana masabi niyang, oo, okay lang. I'm back Aya. Na sana ganun kadali para maging okay kami."

Napaupo ako and humagulgol kasi truth is, 'di ko naman na siya makikita talaga. For 2 years, 'di ko na siya nahalikan ulit, nayakap ulit, nakausap ulit, or nakita man lang ulit. And alam ko, there's no one else to blame but me.

-----

After few minutes, getting back to my senses, bitbit ang basket of flowers, lumabas din ako ng shop, at nagdrive papunta sa cemetery, torturing myself. For the past two years, ni minsan never nagkaroon ng dalawang basket or set of flowers ang puntod ni Cris except during her death anniversary when some friends and family members sent her flowers. Pero wala ni isa dun from Allie.

Nakagawian ko na rin na kausapin si Cris 'pag bumibisita ako. Malapit na talaga akong mabaliw.

"Ang swerte mo no? Nakasama mo siya ng matagal. Hanggang sa kahuli-hulihan ng hininga mo, you chose her. Ang tapang mo. Bilib na bilib nga ako sa'yo eh. I thought I was strong enough to fight for what we had but I was, ever since, a coward." sabi ko na parang tanga kasi alam ko walang sasagot sa akin.

"Bakit ba kasi hinayaan ko na mauwi kami sa ganito? Huli na nung pinili ko siya. Tanga ko rin kasi talaga eh no?"

Pinipigilan ko sarili kong umiyak kasi ang tanga-tanga ko tingnan lalo kapag ganun. Nakaharap lang ako sa puntod niya, sitting while hugging both knees enjoying the silence na kahit papaano nakakarelax and comforting.

Napatingin ako sa langit. Ang corny. Pero may rainbow. It wasn't that visible. Malabo. Dahan-dahan na nabubura sa langit. Tapos, biglang may white butterfly na dumapo sa balikat ko.

I don't know pero parang nabuhayan ako saglit ng loob. Parang it's Cris telling me na kahit papaano, possible. Possible na magiging ok din ang lahat, na baka sakali, magiging kami...ulit.

BLOOMING STREET Book 2 [GxG] - CompletedWhere stories live. Discover now