Chapter 18 - Oops! Awkward!

377 26 7
                                    

*Allie's POV*

I didn't bother looking back. Ano naman ngayon kung siya nga 'yon 'di ba? I mean. Ano pa nga bang point?

Aba! Ibang klase na rin. Lakas na ng loob boss ah?!

I immediately went to the place Chris told me about. Agad naman akong sinalubong ng mga sweet hugs from my pamangkins. For now, enough na sa'kin 'tong ganito, 'yong feel mong loved ka kahit you're not in a relationship.

Chris hugged me as well.

"Buti naman 'di na drawing 'tong meetup natin. This is long overdue Allie." sabi sa'kin ni Chris sabay palo sa braso ko.

"Aray naman! Kaya ayoko makipagkita sa'yo eh. Sadista ka talaga." biro ko.

Tumawa lang siya. I know she missed me.

Hindi kami masyado makapag-usap dahil ang kukulit ng mga pamangkin ko. Good thing napakabait ng husband ni Chris who agreed to babysit the kids while we two will have a bonding session. We have not done this in a while.

Dahil alam niyang 'di pa ako kumakain, dinala niya ako sa isa sa mga favorite kong restaurants. Good thing she made a reservation already kasi ang hassle pumila. Lagi kasi 'tong puno regardless of the time of the day. Anyway, there's so much to catch up on pero to my surprise, siya 'tong kwento ng kwento - about her life, the kids, at kung anu-ano pa. She asked me how I was but buti na lang she didn't bother asking me anything about her nor mention her name at all.

What I like about my sister is her sensitivity sa mga bagay-bagay. Alam niya kung kailan dapat at hindi pag-usapan ang mga situation or tao. Madalas naghihintay lang siya kung kailan ka ready na mag-open up. Siguro dahil ganun din ang parents namin. Hindi sila masyadong nakikialam sa personal affairs namin.

Balak ko sanang sabihin sa kanya na I saw Aya earlier but she'll probably take it as a signal na pwede nang pag-usapan siya. 'Yon din kasi ang downside - once mapag-usapan, ayaw na niyang tumigil. Sunud-sunod na 'yong mga itatanong or sasabihin niya. Kaya, I'm trying to carefully think how I can possibly deliver it in such a way na hindi siya mag-sa-sound as big deal sa'kin. But, it's a big deal. Aya will always be a big deal.

"May sasabihin pala ako." umpisa ko habang busy na tinitingnan ang menu. Alam ko naman na ang oorderin ko pero I pretended to act like busy para hindi kami mag-eye-to-eye contact. Baka kasi when we do, mahahalata niyang affected na affected pa rin ako about sa anything closely related to Aya and iniiwasan ko rin na makita ang reaction niya. Baka kasi isipin niyang masyadong seryoso ang sasabihin ko.

"Red! Aya!" bigla niyang sigaw na ikinagulat ko. Oo sigaw. Ang lakas ng boses niya na feeling ko napatingin ang mga tao sa kanya sa loob ng restaurant.

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko, nanigas sa kinauupuan, at lalo akong kinabahan nang tumayo na si Chris. Parang biglang naging hypersensitive lahat ng senses ko. Naghihintay na lang akong makarinig ng footsteps na lalapit sa kinauupuan namin. Instead, I hear Chris' footsteps na papalayo sa table namin.

Hindi agad nag-sink-in. Teka. Sabi niya Red.

and Aya, Boss! Aya!

Aya. She's here. She really is here. Lumiliit na naman ang mundo namin. Ayokong lumingon. Nakayanan ko naman sa loob ng sasakyan kanina. Nakayanan ko rin ang mahigit dalawang taon na hindi lumingon. Kaya ko rin 'to. But, tila may sariling buhay ang leeg ko at dahan-dahang umikot.

"'Wag lang sana siyang nakatingin sa'kin please." bulong ko sa sarili ko.

To my dismay, in a seemingly slow motion world, our eyes met. That was another longest one second of my life. For the first time in over two years, nasilayan ko ulit ang mukha niya. That face, na daig pa si Helen of Troy who launched a thousand ships, launched thousands of emotions within me - our joy, our pain...my pain.

I can't stand it. I look away. I'd reveal myself, my feelings, or kung ano man sa kanya the longer I stare into those eyes. Binaling ko na lang ang attention sa menu pero tumatagos ang tingin ko dito.

At, kapag fate wants to play again, with cupids Chris and Red playing along, malalagay ka talaga sa isang awkward situation. They seem to be sharing the table with us kasi nakita ko na lang si Aya sa peripheral vision ko, awkwardly choosing a seat. Kanina, dito sa 4-seater na pwesto namin, kaharap ko si Chris pero tila nananadya, lumipat siya ng pwesto para ang matirang vacant seats are the one next to or in front of me.

"'Wag sana sa harap ko.", naisip ko.

Why not Boss?

Mas makikita ko kasi siya 'pag magkaharap kami. It'll be less awkward if magkatabi kami kasi medyo malayo ang distance ng upuan. I was already relieved when she was about to sit next to me pero kung saan man galing si Red, he immediately sat down next to me and kinausap na si Chris na parang walang nangyari. Aya, then, is left with no choice but to sit right across me.

Oops! Awkward!

Yes, awkward talaga. I didn't expect na magkikita pala kami agad after kanina. Nung settled na kami, kinuha na nung waiter 'yong order namin.

"Allie, ano nga ba 'yong sasabihin mo kanina?" tanong ni Chris while naghihintay kami ng orders namin.

Oh shit! Ang kwento ko about sa car kanina. Ikukwento ko ba? Like paano?

"Ah, yeah, I was sitting sa front seat kanina sa car and there was this girl I shared the ride with. Nasa likod siya. She reminded me so much of someone. Her smell, I'm sure it was hers. It just brought so much memories." - 'Yan! 'Yan dapat 'yong sasabihin ng puso ko pero sabi ko 'di ba I should deliver it in a way na what happened earlier was no big deal. Pero naisip kong 'wag na ikwento.

"Ahhhh. Yeah. About the car." sabi ko.

Biglang napansin ko ang pagbago ng expression sa mukha ni Aya pati gestures. Pero, 'di ko pinahalata 'yon. Knowing her, alam kong naging uncomfortable siya bigla. I knew it. Siya nga 'yong sa sasakyan kanina dahil naamoy ko na naman ang familiar scent na 'yon. Feeling ko kinakabahan din siya na pag-usapan 'yong sa sasakyan kanina. 'Di rin nakawala sa'kin ang expression sa mukha ni Red na I'm sure alam ang nangyari kanina.

"Oh yeah! When are you planning to buy one?" tanong ni Chris who was clueless sa nangyari kanina.

"Hmmm...Tomorrow." simple kong sagot. Plano ko na rin kasi talagang bumili ng sasakyan bukas.

"So, mag-Grab ka na kang ulit papunta don?" tanong ulit ni Chris.

"I can even walk. That's few blocks away lang naman sa condo."

Which is true. Malapit lang naman sa condo. Napakaliit lang naman kasi ng BGC.

"Oh! So, doon ka pa rin ba nakatira sa dating unit mo?" curious naman na tanong ni Red.

"Yeah!" sagot ko habang tumatango-tango.

"Binenta ko lang ang sasakyan bago ako umalis." dagdag ko.

"Saan ka ba bibili?" si Red ulit.

"Audi. Pero hindi pa ako fully decided sa type and model na bibilhin ko. Baka bukas na ako magdecide doon mismo sa store." sagot ko.

Tahimik pa rin si Aya. Tumatango-tango lang kapag nag-a-agree. Hindi ko na rin nakitang tumingin siya sa direction ko.

"Perfect! One of Aya's great friends work there. 'Di ba Aya?" excited na sabi ni Red.

Napaangat naman ng tingin si Aya na tila nagulat na kasama pala siya sa conversation. Hindi naman maiiwasan na mapatingin ako sa direction niya.

"Ah, yeah! Oo!" sagot niya kay Red na 'di pa rin tumitingin sa akin.

"Then maybe Aya can accompany you tomorrow Allie. If Aya here is not busy, of course." panggagatong naman ni Chris.

Cupids at work Boss.

Lahat kami nakatingin kay Aya waiting for her to decide.

"Ok lang naman." simpleng sagot nito.

Yes!

Nakita ko ang happiness sa mukha ni Red and Chris. In an unexpected moment, I found myself smiling too. Pero bago pa man mapansin ito ng lahat, I changed into a neutral expression.

Bakit nga ba ako natuwa?
Bakit parang na-excite ako?

This is not okay.

BLOOMING STREET Book 2 [GxG] - CompletedWhere stories live. Discover now