Chapter 25 - Miles

304 19 11
                                    

*Aya's POV*

'Di ako makamove-on sa nangyari. Akala ko talaga hahalikan niya ako.

Asa pa more. Magpapahalik ka talaga if ever, girl? Konting pakipot naman.

Bigla akong nanlamig sa pinag-iisip ko. Dapat mainit 'yong mararamdaman kapag ganung bagay ang iniisip 'di ba? Pero, nangibabaw ang kaba ko eh. Parang feeling ko kasi mababasa niya 'yong utak ko. Kaya, bigla akong nanlamig.

"You okay?", tanong niya

"Yeah!", tipid kong sagot.

"Uhm...saan nga pala tayo?", curious kong tanong minutes later kasi hindi ko alam saan niya ako dadalhin. Isa pa, nasa paid parking ang sasakyan ko.

"You'll see.", sagot niya at ngumiti pero 'di nakatingin sa akin.

Bakit kaya siya napangiti? Dahil ba na-excite siya sa pupuntahan namin or napansin niya 'yong reaction ko kanina nung ikakabit niya ang seatbelt. Nakakahiya namang magtanong. Bothered talaga ako. Ano kaya iniisip nito? Siya 'tong nagyaya tapos 'di man lang ako kakausapin. Wala ring pa-music man lang. Nakatingin lang ako sa daan, reminiscing the past.

==========
(Quick) Flashback:
-1st monthsary-

"Good morning, Ms. Aya!", bati sa'kin ng bagong intern, si Mary, who really does look like one - maamo ang mukha, timid, and shy.

I just smiled 'cause I feel like today's a good day. Yet, it feels odd that all eyes are on me. Weird. Pagkabukas ko ng office door, I was immediately welcomed by the scent of caramel macchiato which was on my table along with a white stuffed bear sitting on a basket of white asiatic lilies and white roses filled with some greens. There were also white balloons with hints of rose gold tied on the basket.

My heart just melts. Ahhhhh! 💕

I read the note on the card:
The first month already felt like forever, love.

Yours for the rest of our lives,
-----

P.S.
Lunch is on me.

Hindi na mabura ang ngiti sa mukha ko. Hindi ako mahilig sa bulaklak or anything this cheesy but a girl likes surprises sometimes. How can I not like this, right?

I took a photo and thought of posting on Social Media but I changed my mind. I just wanted to savor the moment for now. Minutes later, I called her.

"You forgot, didn't you?", agad niyang tanong hindi pa man ako naghi-hello.

"Grabe! Hindi naman. Kaya pala hindi ka sumabay papuntang office kanina.", conclusion ko kung bakit maaga siyang umalis. Sabi niya may early meeting daw siya. She could've taken the call at home pero sabi niya need niya talagang pumunta sa office.

"You like them?", tanong niya.

"I don't.", biro ko.

"What?", confused niyang tanong.

"I said, I don't like them because I love them. Salamat Al. Really, thank you!", sabi ko ng nakangiti. I'm picturing her smiling back.

Naging busy sa office. May singit na namang class na hindi nasama sa projections namin. But, since this is a critical client we're dealing with and considering the business' needs, we said Yes sa request. Now, we're adjusting targets and strategies.

[Allie 11:15 AM]
Aya, I'm going out for a "lunch" meeting at 11:30. Are the new targets and strategies ready? I need to go over those with you after lunch.

Alam ni Allie na I don't usually check my phone while at work kaya nag-chat na lang siya sa'kin. Also, sanay na rin kami kahit papano sa coded and secret messages. So, that's her reminding me of our lunch date.

BLOOMING STREET Book 2 [GxG] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon