Chapter 22 - Thank You! Goodbye!

296 26 16
                                    

*Allie's POV*

Mabilis namang naprocess lahat and since available naman na 'yong unit na gusto ko, irirelease na rin daw today. Naisip kong i-break-in papuntang Tagaytay. Yayain ko kaya si Aya?

Wait what? Yayayain mo siya Boss? Akala ko ba, ayaw mo na magkaroon ng anything to do with her after this purchase?

Magti-thank you lang naman ako kasi sinamahan niya ako ngayon. Wala naman sigurong malice 'yon. Napatingin ako sa kanya. Kausap niya ulit si B. Oo nga naman, bakit ko siya yayayain eh kasama niya si B? Mukha pa akong magiging driver kung sakali?

Ano kayang pinag-uusapan nila?

Bakit mo naman gustong malaman?

I was about to justify my thoughts nang biglang lumapit si Tash.

"Hi Allie! All set. Final checking na lang 'yong car. You can take it home afterwards. I have to go na rin. Let me know lang through Aya if you have any concern pa.", paalam niya.

Sinundan ko siya ng tingin habang palapit siya sa direction nila Aya. Lumapit naman sa kanya si B at hinawakan ang kamay nito. Ano 'yon? Threesome?

Seriously Boss?

Mukhang nagpapaalam na rin si Tash kay Aya. Bineso niya ito and tuluyan nang lumabas with B. Ah, so, sila ang couple?

Oo, Boss, sila if you're not aware of the obvious yet.

Natawa ako sa sarili ko kasi napagkamalan kong si Aya na and B.

"What's funny?"

Nagulat ako when I heard her voice. Hindi ko namalayan na masyado pala akong naging obvious. Hindi ko rin namalayan na lumapit pala siya.

At hindi mo rin alam Boss kung sasagutin mo 'yong tanong niya. So, what's funny Boss?

"Ha? Wala. May naisip lang ako.", sagot ko kasi 'di ko rin naman pwedeng sabihin na natawa ako na inisip kong mag-jowa sila ng bestfriend niya 'di ba?

Mukhang hindi siya convinced. She crossed her arms at kunot noong napaupo sa upuan sa tapat ko. Tahimik lang siya habang may kung ano na namang tinitingnan sa phone. Maya-maya, lumapit na 'yong salesman.

"Ma'am, ready na po 'yong car."

He assisted us towards where the car was parked, handed me the keys, at umalis na rin pagkatapos. Umupo ako sa driver's seat but left the door open while Aya was just awkwardly standing outside. Yayayain ko ba siya loob?

"Hey!", tawag ko sa kanya.

Lumingon siya and flashed her brows.

"Hatid na kita.", offer ko.

Parang bigla na namang tumigil ang oras at halo-halong emosyon ang nafifeel ko. Kinakabahan ako na baka 'di naman siya pumayag. Confused ako kasi bakit ako kinakabahan. Excited din ako na what if pumayag siya.

"No need. May dala naman akong sasakyan."

Naglakad lang naman siya kanina. Hindi kaya she's just trying to push me away?

"Ahhhh.", tanging naging sagot ko.

Balak ko pa sanang i-insist pero nagsalita siya ulit.

"Sige. I guess you're ok na. I'll go ahead.", paalam niya.

She moved towards me for whatever reason and sakto namang pagtayo ko palabas ng sasakyan para makipagbeso sana kaya lang...

"Awwww!", sabay halos naming reaction.

Natawa kami pareho. Wow! It's been a while. 😊

Kinilig ka Boss?

I shook my head na sana hindi niya nahalata. Naging awkward pa lalo when we attempted magbeso uli na 'di namin alam pareho kung left ba or right but finally, successfully, did it after few awkward attempts.

"Thank you!", I said.

She smiled.

"Goodbye!" she said.

BLOOMING STREET Book 2 [GxG] - CompletedWhere stories live. Discover now