Chapter 15 - Near Yet So Far

341 24 7
                                    

PRESENT

*Aya's POV*

Sunday, 11am

"Saan ka na ba?" tanong ni Red sa'kin.

"Dito pa sa parking sa condo. Ayaw magstart ng sasakyan eh. I don't know what's wrong."

"May gagawa na ba?"

"Sa Monday pa raw available. Can you pick me up instead, please?" pagbabakasakali ko.

Baka naman kasi maawa. Haha. Pero I know out of his way. Kaya, as expected, 'di siya pumayag.

"Sis...out of way. Mag-Grab ka na lang. I'll pay."

"Hahaha. I knew it. No need to pay for it. Ako na bahala. Update kita later."

Magkikita kasi kami ni Red sa Shop para mag-lunch. Ibibigay niya rin kasi pasalubong niya from his recent trip sa Bali.

Pagkabalik ko sa lobby, nagbook naman ako agad. Php167 lang. Himala! Mura lang ah!

In like 10 minutes, agad namang dumating ang nabook kong sedan. Sa likod ako umupo, right side. Along 26th St., biglang nagsalita si Kuya.

"Ma'am, pipick-upin lang po natin 'yong isang passenger sa may Burgos Circle."

"Ha? Bakit po?" confused kong tanong.

"Ma'am naka-GrabShare po kayo." kalmadong pag-explain niya.

Agad ko namang chineck sa App. Napabuntong-hininga na lang ako. Kaya naman pala mura kasi naka-Share nga naman pala talaga ako. Since wala na rin naman na akong magagawa, hindi na ako nagreact pa. Instead, dinivert ko attention ko sa Social Media ang checked random stuff. Naramdaman ko na lang na may pumasok sa front seat.

"Yeah. Yeah. 'Eto na. I'm in the car already." sabi niya.

Biglang bumilis ang heartbeat ko and I began sweating. The voice, it's so familiar. I was trying to check what she looks like sa side mirror pero 'di ko makita. Ang awkward naman if kakalibitin ko siya eh 'di pa naman ako sigurado kung tama ba ang nasa isip ko.

It started with her scent. Ang bango. It brought so much memories. Pero I brushed off the idea. But, when she started talking, wala na. 'Di na ako mapakali.

I checked sa App sino unang ida-drop off sa'min. Mauuna siyang bababa, Greenbelt 5,'. Before siya bababa, I need to confirm what my gut's telling me.

Anong sasabihin mo?

'Yon lang. Ano nga ba? I don't know how to approach her or kung anong sasabihin.

Ang lapit-lapit na niya oh, papalampasin mo pa ba 'to?

Teka! 'Di ako makapag-isip ng maayos. She's so near yet so far. Hindi ko akalain na dito ko siya makikita ulit.

Nakita niya kaya ako pagkapasok niya sa sasakyan kanina? Ang lamig na ng kamay ko.

Kakausapin ko ba?

What if hindi pala siya 'to?

You'll never know unless you ask.

"Hahaha. Grabe ka naman sa'kin!" sabi niya bigla sa kausap niya sa phone.

She sounded so happy. Namiss ko 'yon, ang tawa niya.

"I'm almost there. Just passed by Landmark...'eto na pababa na. What's with the rush? Hahaha" parang tuwang-tuwa siya sa kausap niya.

Ikaw pa dapat 'yan Aya eh kung 'di lang talaga nag-inarte.

Hindi ako makahanap ng timing.

"You arrived at your destination." sabi ng voice prompt ng Waze.

Bababa na siya. Ano na?

Natataranta ako nung nakita kong bumaba na siya and nagsisimula nang maglakad palayo.

"Ok ka lang ba Ma'am?" tanong ni Kuyang Grab sa'kin.

Doon ako biglang natauhan. Ilang sigundo rin pala akong nakatulala. Paalis na dapat si Kuya pero may naisip na akong kanina ko pa dapat ginawa.

"Kuya, wait. Dito na lang din po ako."

...kasi hahabulin ko ang pasahero niyo.

BLOOMING STREET Book 2 [GxG] - Completedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن