Chapter 13 - Eksenadora

394 25 6
                                    

PAST

*Aya's POV*

Tama ba talaga 'tong pinasok ko? Parang ang complicated. Dati naman, papasok ako sa office na 'di ko iniisip mag-ingat kasi wala naman akong dapat itago. Wala akong ibang taong need i-consider. Hindi ko pinoproblema if malalagay ba sa alanganin ang position ko just because of a possible leak about sa aming dalawa ni Allie.

Pero ngayon, parang I'm walking on egg shells. Para akong teenager na nagtatago sa magulang. I'm careful na rin with my reactions and facial reactions while at work. I always remind myself na what we have should not get in the way with what we do at work and most importantly, our work issues shouldn't get in our way, as a couple.

==========

Now, I'm waiting for her message to let me know if tuloy kami sa lunch out pero biglang na-extend 'yong meeting niya na supposedly kanina pang 11:30am natapos. It's already 12:17pm and I haven't heard from her yet. Gutom na gutom na ako. Para namang maging productive ako, nirireview ko 'yong mga project proposals for the next quarter pero mas lalo akong nagugutom. Nasusuka na ako sa gutom. Kaya literal, I'm just waiting for her.

Time check, 1:03pm. 'Di pa rin sila tapos. This is so not me. I'm not normally patient 'pag pinaghihintay ng ganito katagal. Pero, I understand my commitment to compromise para mag-work 'tong setup namin.

Bakit 'di ka na lang maunang kumain?

Obvious. Kasi hinihintay ko siya?

Magsusubuan ba kayo na need maghintayan talaga?

Hindi nga naman.

Naiinis na ako. Una, sa kanya, pwede niya naman kasi akong i-message na mauna na akong kumain. Seconds lang naman ititake nun 'di ba? 'Di aabutin 'yon ng isang minuto. I just want my expectations set. Pangalawa, sa sarili ko kasi pwede nga naman talaga akong mauna nang kumain pero hinihintay ko pa rin siya. Kinain na ako ng sistema ng 'relationship'.

1:16pm, lumabas na sila sa boardroom. Malayo pa lang, kita ko na 'yong worried and apologetic look niya. 'Di niya ako minessage, dumiretso siya sa office ko.

"Sorry. Sorry talaga. Ang tagal namin."

Without looking at her, tumango-tango like ako like hello, obviously, natagalan nga kayo, ngayon ka lang lumabas eh.

"Tara? let's eat.", yaya niya.

"You go ahead. I'm done. 'Di na kita nahintay.", walang gana kong sagot.

Bakit mo naman sinabi 'yon Aya?! Kanina mo pa siya hinihintay 'di ba?! Gutom ka na 'di ba?! Kanina pa kumakalam sikmura mo 'di ba?! Diyos ko! Kainin mo 'yang pride mo, baka sakaling mabusog ka!

"Are you sure? Samahan mo na lang ako."

"Go na. Busog pa ako. Kaya mo na 'yan. And, busy din ako."

Nakatingin lang ako sa screen ko na kunyari busy sa pagbabasa ng something serious and pagtatype ng wala namang kwenta. Pero ang totoo, naghahanap ako ng magdideliver ng food online para 'di na ako bababa kasi pagod and gutom na ako.

"Sure ka na ba? Ayaw mo talaga?", pamimilit pa niya.

"Oo nga."

Nang biglang, out of nowhere, na parang may little amplifier, tumunog ang tiyan ko. Eksenadora. Why now?

"Oh well, mukha ngang busog ka na. I'll go." sabi niya na may halong panunukso ang tono.

Bakit namin kasi i-eksena talaga 'tong tiyan ko sa napaka-perfect na timing? Parang on cue lang.

Bigla namang nagloko ang internet connection kung kailan pasubmit na ako ng order. Blocked site. Nagdecide akong bababa na lang to buy food.

Bababa rin pala.

Sa lobby, bago ako tuluyang nakalabas ng pinto, tinawag ako ng receptionist namin.

"Ms. Aya, pa-sign po."

"What is this about?"

"'yong delivery po."

"Ha? I'm not expecting any deliveries today."

"Para sa inyo po talaga Ms. eh."

Pinakita niya sa'kin ang form and para nga sa'kin. Weird.

Nakalagay sa brown bag 'yong item. So dahil ayoko ng hassle na bitbitan 'yon pababa, bumalik ako with it sa office ko.

Pagkain ang laman. Pagkain.

Pasta with bread from my favorite pasta house and a bottled drink. May note na nakalagay sa tissue.

Kunwari ka pa. 😉 I know you're hungry and too tired (or more of lazy) to go down. So here's your food BOSS. Enjoy! 😉

❤️,
Allie

Napangiti na lang ako. Oh my heart, my heart just melts. 💕

BLOOMING STREET Book 2 [GxG] - CompletedWhere stories live. Discover now