○ w e l c o m e, i d o l!

1.2K 32 49
                                    

○ Welcome, Idol!

----------♪

“Stars Academy...”

Binasa ng isang lalaki ang naglalakihang mga letra sa harapan ng isang paaralan. Ngunit, hindi lang ito basta isang normal na paaralan. "... Mukhang masaya dito!" Nagsimula na siyang pumasok sa eskwelahan na nangangalang Stars Academy. Bago pa naman siya tuluyan pumasok dito, may isinigaw siya na nakuha halos lahat ng atensyon ng mga tao sa paligid.

“Stars Academy... HUMANDA KAYO SA PAGDATING NI FEAR DUSK!”

At... dito nagsisimula ang storya ng loka lokang manunulat.

stars academy, principal's office

“I'M SORRY!”

Ngayon, nandito na ang ating loka lokang bida sa opisina ng principal ng eskwelahan na ito (malamang, nakasulat na sa itaas ---// slapped by the author).

Dahil sa ginawa niya kanina, ilan mga estudyante ang naistorbo, mas lalo naman ang principal na naghirap na gumawa ng tower mula sa mga cards. Dahil sa sobrang lakas ng boses niya, natumba ito, at napunta sa wala ang kanyang pinaghirapan.

Nanginginig sa takot ang binata sa kanyang upuan. Hindi alam kung anong gagawin ng mas nakakatandang lalaki sakanya.

“Fear Dusk... 13 years old...” Nagsimula naman basahin ng principal ang papel kung nasaan nakasulat lahat ang impormasyon tungkol sa binata. “Single—“

"T-teka po, paano po napasok ang relationship status ko dito?!!”

“—boy in a family of three.”

Bahagyang namula ang tenga ng binata. “A-ah... Pasensya na p-po.”

Inayos ng nakakatandang lalaki ang kanyang salamin. “Ngayon, Mr. Dusk, sabihin mo sa'kin. Bakit ka sumigaw?”

Napakamot sa batok ang binata. “Ahe...he...”

“Ahehe~” Kinopya naman niya ang binata. "Mr. Dusk, I don't have time for games. Now, answer the question!” Sa sobrang galit niya, napalo niya ang sarili niyang lamesa, na mas lalong ikinatakot ng binata.

Napalunok siya ng laway. “K-k-kasi po, na-excite lang po kasi ako d-dahil... papasok ako sa isang kilalang paaralan katulad n-nito..” Paliwanag niya.

Tumango nalang ang principal, bilang sagot niya at pagsabi na walang masamang mangyayari, naikinasaya naman niya.

“Naiintindihan naman kita. Anyone would be excited to enter this kind of prestigous school.” Pagyayabang ng principal. “Pero sana naman,you should contain your excitement.  Nakakaistorbo ka.”

“P-pasensya na po...”

Stars ☆ AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon