✿ n o t e b o o k

278 20 32
                                    

Kinareer na A/N: Anything with that flower thingie means it’s a special chapter, no relation to the actual plot of this story (If it has one XD).

At tsaka, salamat para sa 1,000 reads kahit pito palang ang kabanata nitong S.A! Maraming salamat talaga. And, regarding the title… HUEHUEHUEHUEHUEHUE~ Fujoshis and Fudanshis~ Alam na~ BWAHAHAHAHAHAHA. Lol, anyway, sana magustuhan niyo itong napaka-walanghiyang especial na kabanata na ito. xD Pagpasensyahan narin ang kabaliwan ko. HAHAHAHA

Notebook

---------- ♪

Isang araw, ang magkakabarkada ay naglaro ng hide and seek sa kagustuhan ni Kaeri. Ngunit, paano nalang kung hindi nila siya makita? At ang malala… Paano pag may nakita isang notebook na ang nilalaman ay… hindi ka-ayaaya para sa iba?

 

“Ahh! Nasaan na ba kasi si Kaeri? Kanina pa tayo hanap ng hanap pero hindi pa natin siya nakikita! Bakit ba tayo naglalaro nito eh hindi naman na tayo mga bata?” Pag-iinarte ni Fear habang nakanguso. Natawa na lamang si Marshall. “Alam mo naman na isip bata ‘yon. Kaya hayaan na lang natin siya.” Pag-sagot  niya sa kanyang tanong.

Si Shinra nama’y napahikab dahil sa nababagot na sa kanilang laro. “Dapat nasa music room ako ngayon eh, kung hindi lang dahil sa inyo na dinamay pa ako sa kanilang kabaliwan.”

“Kung makapag-salita ka Shinra.” Tumayo si Ash mula sa kanyang pwesto para lang makausap siya ng harap harapan. “At baka nakalimutan mo pag kayong boys hindi niyo nahanap si Kaeri magg-Gwiyomi kayo sa harap ng klasrum?’ Isa naman na nakakatakot na ngisi ang bumuo sa kanyang mukha, dahilan para hanapin na nila ulit si Kaeri. Ang hindi nila alam…

Nagtatago lang siya sa may likod ng cabinet.

“Nasaan na kaya sila?”

 

Napag-pasiyahan muna ni Fear na umupo sandal, para makapag-pahinga. Sino bang hindi mapapagod kung halos kalahating oras na kayo naghanap para lang sa isang tao? Uupo na sana siya sa sahig nang maramdaman niya na may inupuan siyang kakaiba. Inalis naman niya ang bagay na iyon, para lang malaman na isang kulay itim na notebook lang pala na may mga naglalakihang mga titik ang nakasulat sa harapan na nagsasabing, “Private! Do not touch!”

Sa nakasulat, nagtaka si Fear kung anong nilalaman ng maliit na librong ito. “Hindi naman masama siguro tignan kung anong nasa laman nito… ‘di ba?” Sabi niya sa kanyang sarili at pinunta sa kahit anong pahina ang notebook. Tumigil lamang siya ng makakita siya ng isang pahina kung saan puno ng mga puso at bulaklak. Meron rin dalawang lalaki na hinahawakan ang kamay ng isa’t isa. Sa itaas naman nito ay may nakasulat na, “Yaoi [1 ] Fanfics ♥”.

Mas lalong nagtaka si Fear, at pinunta sa sumunod na pahina. Pero, nang basahin niya ito, halos lahat ng kulay mula sa kanyang katawan ang nawala. “W-w-w-what the hell?”

Ano bang nakasulat? Gusto niyo rin bang mabasa? Isang fanfiction lang naman tungkol sakanilang dalawa ni Eclipse…

The sound of Fear’s back hitting the lockers echoed inside the isolated hallway. The pain spreading on his whole back, making him hiss. “O-oi! Ano ba, Eclipse! Bitawan mo nga ako!”

Stars ☆ AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon