● t e s t o f c o u r a g e

529 25 38
                                    

● Test of Courage

----------♪

Pakitang gilas... ng TALENTO?! 

Para bang nabaliw na si Fear kakaisip sa pwedeng mangyari habang nasa stage siya. Eh ano nga ba iniisip niya?

Paano nalang daw kung nadapa siya? Paano kung nagkamali siya? Paano kung sabit, o napaos siya ng 'di oras? Paano kung napunit daw yung pantalon niya?

[ Author: DA HELL? ]

[ Fear: HUWAT. ]

[ Author: Napaka-GM mo din pala. Alam mo ba na meron din nagbabasa ng mga pinagsasabi mo? ]

Oi, anong ginagawa niyo dito? Layas! Shoo!

Katulad nga ng sinabi ko, punong puno ng katanungan ang isip ng ating bida. Takot na takot sa posibleng mangyari. Kumbaga nabalot na sa katakutan ang kanyang puso at isipan, halata naman dahil nanginginig siya na parang wala nang bukas.

Batukan na ba natin para mawala kaba niya? 

“Earth to Fear! Hello~ May tao ba diyan?” At para bang binasa ni Ash ang nasa isip ko, binatukan, este, kinatok niya yung ulo ni Fear. Tila bang bumalik na siya sa realidad sa ginawa niya. “E-eh...?”

Napanguso si Ash. “Fear, huwag mo naman ako tignan na para ba akong alien. Malapit na matapos si Kae, at ikaw na ang susunod!”

“Ha? A-ano?”

Pagpasensyahan ang kabagalan ng utak niya. Sadyang ginawa siyang slow dahil slow rin si aut---// gets hit by a pineapple

[ Author: Napaka mo. Gusto mo palitan kita bilang narrator? ]

Joke lang naman. 'Di mo naman ako kailangan tapunan ng prutas.

Anyway, pustahan tayo, sa loob ng limang segundo, sisigaw 'yan. Kaya kung ayaw niyong masira ang mga tenga niyo at mabingi, siguro kailangan niyo itong takpan, as in, NGAYON NA.

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

Apat...

Li—

"ANOOOOOO?!!!"

Napaaga ata?

Pagatapos ng napaka-(un)manly na sigaw ni Fear, tinanggal na ni Ash at ng iba ang kanilang kamay na nakatakip sa kanilang tenga, nagsalita naman si Hell na halatang naiirita. “Anong problema mo, at kailangan ba talaga sumigaw?”

Stars ☆ AcademyWhere stories live. Discover now