✿ h a l l o w e e n s p e c i a l

298 17 3
                                    

A/N: Dahil nga loko-loko ang otor at talaga namang makulit ang kaniyang imahinasyon, o ayan. Gumawa na naman ako ng special chapter. XD Kausap ko kasi kanina best friend ko na si @juzmae kanina tapos panay hanap kami ng puwedeng maging magandang portrayer ni Fear nang biglang naalala ko na Halloween tapos ting! Ayan, naisip ko ito ahaha. xD Okie, shattap na ako para makabasa na kayo.

Dapat talaga ip-post ko ‘to sa Halloween mismo pero, meh. Tinamad ako at ang bagal talaga ng internet. Don't bother asking how slow it is. XD

Halloween Special

˻ Bad∞End∞Night ˺

---------- ♪

Sa gitna ng gubat, kung saan ang ilaw ng buwan ay nakatutok, mga tunog ng isang taong tumatakbo ay naririnig. Mabilis, napakabilis. Napakabilis niyang tumakbo, na para bang may humahabol sa kaniya. Tumutulong pawis hindi niya pinansin, sakit sa kaniyang paa ay binalewala niya, dahil para sakaniya, ang importanteng bagay ay mahanap niya itong lugar na ito. Ang lugar na nakasulat sa sira-sirang sulat sa kaniyang kamay.

Isang minuto ay tumigil siya upang habulin ang kaniyang hininga, pagkatapos ay kumaripas na naman siya ng takbo sa kalagitnaan ng malawak na kagubatan. Hinayaan niya ang kaniyang dalawang paa na kung saan-saan siya dalhin. Hindi sigurado kung tama ba itong daan na kaniyang sinusundan.

Sulat sa kaniyang kaliwang kamay, mahigpit na hinahawakan sa ibabaw ng kaniyang dibdib, nasa harap na rin siya sa wakas sa bahay na nakasaad sa papel na kaniyang hawak. Ngunit, sa kaniyang paningin hindi ito basta bahay lamang, mukhang mansyon ito sa kaniyang paningin. Itim ang kaniyang kulay, sa labas ng bahay hanggang sa mga nakatayo sa labas nito. Sa una ay naiilang na pumasok sa ganitong klaseng bahay, pero nang maalala niya ang sulat na kaniyang natanggap, buong tapang niyang inakyat ang nasisirang hagdanan papunta sa mala-higanteng pintuan sa kaniyang harapan. Kumatok siya…

Knock, knock, knock

 

Bumukas ang naglalakihang pintuan, laking gulat naman niya. Nagaalalangin siyang pumasok, tatalikod na sana, kung hindi dahil sa isang boses na pumigil sa kaniya.

♫♪ My~ Do you need some help? ♫♪  Isang lalaki na may suot na itim na damit ang lumabas mula sa kaniyang pinagtataguan mula sa kadiliman. Sa kaniyang kanan na kamay ay isang plato na puno ng mga pagkain na talagang katakam-katam. Sasagot na sana siya, pero napigilan nang may isa pang dumating. Babae naman, na may suot na kulay puting apron at itim na bestida. Lumiwanag ang mata ng babae nang makakita ng isang ‘bisita’ sa loob ng mansyon. Dalawa na naman ang lumabas mula sa likuran ng babae, kambal sa kaniyang tingin. Parehas rin na masaya dahil dumating rin ang kanilang bisita.

♫♪ WEL-come… ♫♪  Pangunguna ng babae  na may ngiti.

♫♪ To our WON-dorous mansion… ♫♪ Pagpapatuloy ng lalaki na kaisa ngiti ang makikita, isang nakakatakot na ngiti.

♫♪ Let me serve you tea! ♫♪ Dagdag naman ng isa pang babae at tumakbo papunta sa kusina para maghanda ng tsaa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 02, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stars ☆ AcademyWhere stories live. Discover now