● w a l k i n g i n t h e i r s h o e s

222 17 30
                                    

Walking in their shoes

----------♪

[ Haru ]

"Ayos ka lang diyan, Kiaske?" Tanong ko sa kakambal ko habang idinidikit ang huling flyer sa pader. Sa wakas, natapos narin namin itong pinapagawa ni Fleija... well, ako tapos na, pero si Kiaske... Ewan ko lang doon.

"Ayos lang ako," ang narinig kong sagot mula sakanya. Napataas ako ng kilay nang mapansin ko na medyo nagiba ang boses niya, dahilan para tignan ko ang likuran ko kung nasaan siya, para lang makita na naghihirap siyang ilagay ang tape para dumikit ang flyer sa pader. Bahagyang napatawa ako sa ginagawa niya para lang idikit lang ang papel. Siya naman ay napatingin sa'kin at tinitigan ako ng masama, para bang kung anong minuto papatayin ako, pero mas lalo akong natawa dahil kahit anong gawin niya para maging nakakatakot, mas lalo siyang nagiging cute. "Huwag ka ngang tumawa diyan at tulungan mo nalang kaya ako."

Tumigil na ako sa pagtawa, at tinulungan ko siya sa pagdikit ng papel. "Sabi mo ayos ka lang," pang-aasar ko. Tinignan niya ako ulit gamit ng kanyang 'death glare' at inayos nalang uli yung poster.

Pagatapos na namin idikit iyon, inayos na namin ang nga gamit namin at naghanda na para bumalik na sa office para sabihin kay Flei na tapos na. Grabe rin, nakakapagod maglakad sa buong school, hindi ko man lang rin nakita kung anong nakasulat doon sa may poster. Hmph.

"Nga pala, Kiaske," pagsimula ko habang naglalakad kami papunta sa office. "Nakita mo ba kung anong nakasulat sa poster na binigay sa'tin ni Flei?"

Napansin ko na parang ngumuso siya ng kaunti, which I find funny. Pero, hindi siya 'yog childish na nguso, parang mas mature pa sa normal na nguso. "As far as I'm concerned, no," ang malamig niyang sagot. Ouch. Paano ba naging cold itong kambal ko? I miss the old Kiaske.

"Pero, meron akong kopya ng poster dito," dagdag niya, pagkatapos ay may kinaklak siya mula sa kanyang bag at ibinigay sa'kin. Ito pala isa sa mga poster na dinidikit namin kanina. "Mukhang may contest na naman na sasalihan ang Stars Academy. Heh, mas mabuti sana kung ang premyo pera para mabayaran narin nating 'yong baboy na iyon."

"Kiaske," humarap ako sakanya nang sabihin niya iyon. "Grabe ka naman kung makapagsalita ka, paano nalang kung narinig ka niya? Baka kung anong gawin niya sa'yo." Napasimangot tuloy ako nang maisip ko kung anong pwedeng mangyari sakanya, ayaw ko naman may mangyaring masama sa kapatid ko. Siya nalang nga ang natitirang pamilya ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung mawala siya.

Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa'kin habang nakakunot ang noo niya. "Bakit? Hindi ba totoo? Kung hindi lang dahil sa matabang baboy na iyon, hindi sana tayo papaalisin doon, hindi sana niya makukuha ang orphanage, at hindi sana magiging spa ang bahay natin! Doesn't that make you angry?!"

May parang kumirot sa puso ko habang pinapanood ko kung paano ilabas niya ang galit niya doon sa lalaking kumuha ng tirahan namin. Ngayon, naalala ko na pala kung bakit nagbago si Kiaske. Ever since nawala sa'min ang tinitirhang orphanage namin, nagbago siya. Kinamuhian niya ang taong iyon, at sinabi niya na balang araw ay pagbabayaran niya ang kanyang ginawa. Binigyan naman kami ng taong iyon ng limang buwan para lang makapag-bayad ng Php 500,000 para hindi niya ipagpatuloy ang proyekto niya at para hindi niya sirain ang orphanage, pero, hanggang ngayon, nahihirapan pa rin kami makahanap ng paraan para bayaran iyon, mas lalo si Kiaske.

Stars ☆ AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon