● t i c k t o c k

300 26 20
                                    

● Tick Tock

----------♪

Tick Tock

The sky painted with b l o o d

B o d y   p a r t s everywhere

Tick Tock

The k n i f e dipped in red

A crooked smile on his f a c e

Tick Tock

His mouth slightly opens, words spilling out

This is where the fun starts...

-----

[ Setsuko ]

Dati'y inakala ko na ang mga nangyayari sa mga librong binabasa ko ay hindi mangyayari, katulad ang mga murders, biglaang pagwala ng ilang mga estudyante, at isa sakanila ay mamatay tao.

 

Pero ngayon na nakita ko ang katawan niya na nakahiga sa malamig na sahig, walang ka-buhay buhay, natakot na ako.

 

Isang karumal-dumal na krimen ang nangyari sa loob ng mismo naming klasrum, ang kriminal na gumawa dito ay naglalakad ng malaya, siguro gumagawa na naman ng isang krimen, at ang mas masakit ay posible na isa sa mga kaibigan ko ang posibleng gumawa nito.

 

Pero, anong tanong ay:

 

Bakit?

 

Bago pa lamamg siya dito, pero simula palang ng pangalawang araw niya dito, agad siyang nabawian ng buhay. Ano ba ang dahilan kung bakit siya pinatay?

 

At sino ang pumatay?

 

Hindi kaya, ang pumatay ay si—

“Setsuko!”

“Ay, kabayo ka!”

Hutabells, sino 'yon?! Muntik na ako mahulog sa upuan ko! At kung kalian nakarating na ako sa magandang part ng binabasa ko. Hmph!

“Aba, sinong tinatawag mong kabayo?!” Eto naman si ako, napalingon ako sa katabi kong ubod ng ingay. Kung alam niyo lang guys, etong si Shinra, napaka-ingay. Para bang nakalunok ng megaphone.

Pinulot ko ‘yong librong na binabasa ko kanina mula sa sahig, bago ko siya belatan at sabay sabi ng. “Ikaw!”

Oops. Wrong move. Nagalit lang lalo si Shinra. Oh well.

Stars ☆ AcademyWhere stories live. Discover now