1

1.4K 25 14
                                    

CHAPTER 1
The Daughter

"Mom I aced the exam!" Masayang saad ko pagpasok sa dining area kung nasaan ang mga magulang ko.

Kapwa na sila nakaupo at binibigyan ng pagkain ng mga katulong namin.

"Oh. Really?" Tanong ni Mom saka na nagsimulang kumain.

Nilapitan ako ni Nana Merly para kunin ang bag ko.

"Kumain ka na hija." Sabi niya saka ako nginitian.

Oh well, kailan ba nila ako yayayaing sumabay sa kanila? Buti pa si Nana.

Tumango ako sa kanya at umupo na.

"Yes Mom, 60 out of 60." I smiled wide.

Ngumisi si Dad kaya napatingin ako sa kanya.

"An exam with 60 items?" Mapanuyang tanong niya.

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa dulo nang palda ko sa ilalim ng mesa. I know I will receive some words of, well, discouragement from him again. Just like any other day.

"Y-Yes Dad. I did it perfectly."

"Oh right, perfectly. Don't be so proud, lady. Less number of items, less possibility to have a mistake." Sagot niya saka nagpatuloy sa pagkain. "Be proud when you aced a test with three digit number of items." He continued, making my jaw clenched.

I should remain patient. No, I must.

Bumaling ako kay Mommy at wala siyang reaksiyon. Diretso pa din ang pustura at patuloy pa din sa pagkain.

"Kumain ka na." Basag ni Nana sa katahimikang bumabalot sa amin, na ang tanging tunog nalang ng mga kubyertos an naririnig.

Pinigilan ko ang mga maiinit na luha na gustong-gusto nang lumabas. Mahirap na, baka masabihan na naman akong mahina ng mga minamahal kong magulang.

"Proud ako sa'yo anak." Sambit ni Nana pagpasok sa kwarto ko. She has always been my sanctuary. Sa kanya ko lang nailalabas lahat, kagaya ngayon, pagdating niya saka lang bumuhos ang mga luha ko.

"Nana, N-Nana ano po bang nagawa ko?" Tanong ko habang yakap-yakap niya ako.

"Wala. Wala hija." Sagot niya gamit ang isang malambing na tinig.

Gusto kong malaman. Gusto kong malaman kung ano ang nagawa ko sa kanila bago ako nawalan nang ala-ala.

Sabi ni Nana, someone bumped me when I was a kid. I was 10 back then at may nakasagasa sa'kin. Hindi naman daw ako tinakasan nang nakabundol pero nawalan ako nang ala-ala.

That is factual. May mga litrato ako nang nasa ospital, mga litrato nang wala pa akong malay hanggang sa tuluyan nang gumaling. May mga gasgas pa ako na nakalitaw sa bawat imahe.

Ang sabi niya pa, the three of us were so close with each other. A perfect family kumbaga. Walang babae si Dad, walang issue kay Mom, we are rich. Walang nagiging problema.

Nana said na hindi sila nag-panic nang nasa ospital ako. Hindi sila nag-alala. They did not care at all. Hindi pinapayagan noon si Nana na puntahan ako sa ospital. They can only see me through the hospital room's glass window.

Desolated Cryosphere (Postponed Revisions)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon