12

461 15 0
                                    

CHAPTER 12
Drop that Down

Pinilit kong makatulog kahit init na init at kahit ginugulo ng sagot ni Gusher ang utak ko. Paano kami magyeyelo? Maybe he's just joking? An exaggeration? Yeah, maybe that was an hyperbole.

Kinabukasan, tinanong kaagad ako ni Gusher kung kamusta ako.

"I am okay now. Sabi ko naman sa'yo, magiging maayos din ako ngayon." I smiled at him.

Kinapa niya ang noo ko at nang makumpirma niyang hindi na ako mainit ay napanatag siya.

I woke up at 9, pero ang sabi ni Gusher, umalis siya nang maaga para kumuha ng gamot sa botika. Looks like he locked me inside to be safe.

I looked at the boxes of medicines he got and found out that those are dantrolenes.

"What are these for?" Tanong ko, pero dahil sa pagbabasa sa label ng gamot ay nalaman ko din kaagad. "Malignant hyperthermia." I answered my own question.

Tumango lang siya.

"H-How did you know?" I asked as I walk towards him.

"I...  I went to the public library a while ago and searched for the treatment for your condition and I found out that dantrolene is the only medication." He explained.

"Malignant? Paano mo nasiguro na ganoon ang uri ng sakit ko Gusher? I mean, paano kung hindi naman accurate ang mga ito?"

Natatakot ako. Siguro ganoon ang epekto ng pagiging istrikto ni Mom sa mga gamot ko. Ayaw kong magtiwala sa kahit anong gamot na hindi niya ibinigay.

"Um. You experienced the symptoms of malignant hyperthermia last night." He answered.

Hindi ako umimik. Maybe I'll just trust in him.

"For emergency purposes lang naman ang mga iyan. You better take care of yourself. Drink enough amounts of water." Sabi niya na nagpatango sa'kin.

"I'll just take a bath. Kumain ka na." Utos niya.

I went to the kitchen area and got some food. He cooked some eggs, pancakes and bacon.

Inip na inip akong kumain kaya naman kinuha ko ang phone ko para may mapagkaabalahan. Usually, Gusher and I eat together. Kaya naman hindi ako sanay na nakatunganga lang ngayon.

Lalo lang akong nainip sa phone ko. When you are used to do a certain thing, minsan naiinip ka talaga. Wala akong magawa sa phone ko na kakaiba kaya naman bumuntong hininga ako at binitiwan nalang iyon.

Gusher's phone lit up. Because of my curiosity, I picked it up to see the notification. Nakapatong ang phone sa itaas ng fridge pero nakita ko iyon.

Nanlaki ang mata ko nang makita kong may signal ang phone niya. Hindi lang iyon, someone texted him!

I browsed on the phone's call logs, may tumawag din sa kanya na nagngangalang President.

Narinig ko ang paghinto ng gripo sa banyo kaya naman mabilis kong tinanggal ang recent apps sa phone at ibinaba ito saka nagmamadaling umupo ulit.

Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. He can't find out that I browsed his phone.

Hindi niya dapat malaman na nalaman kong may network signal ang phone niya. His phone... It's not his phone!

Pagkaraan ng ilang segundo, bumukas ang pintuan ng banyo at iniluwa ang nakabihis nang si Gusher.

Tumayo ako at nagpunta sa higaan niya para makumpirma ang iniisip ko. His phone was sitting on his bed. Iyon ang phone na alam kong kanya, hindi ang nakita ko sa itaas ng fridge.

Desolated Cryosphere (Postponed Revisions)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon