10

476 17 0
                                    

CHAPTER 10
Leo

Pinasok kami ng mga taong lumabas sa bahay na mukhang pagmamay-ari nila. The house is a bit big than the others.

Tumingin ako kay Gusher nang may pagtataka. Ang akala ko ba'y kami lang dalawa ang nandito?

"Sino kayo?" Tanong ng isa na malaki ang katawan at mukhang mananakit talaga.

Nakaupo kami ngayon sa mga monoblock chair na kulay puti. Kagaya nang hideout namin, may nakabalot din na makakapal na foam sa paligid ng sala. Mukhang sa living room lang sila nananatili. Mayroong refrigerator, stove, at makeshift na lababo. Nandito na din ang mga higaan nila na nakalatag lang sa sahig.

"Gusher, that one is Gusher. Iyong isinasama ni Leo, taga Centro." Sabi nang babae na ngumunguya pa ng bubble gum.

"Ah! Ikaw ba 'yon? Yung anak ni SPO2 Ridan, tama ba?" Sabi naman noong isang patpatin pero matangkad na kasama nila.

They all look dangerous. Sila ay parang yung mga kabataan na naligaw nang landas, nagdodroga, o 'di kaya'y lulong sa bisyo kagaya ng alak at sigarilyo.

"At itong babaeng 'to? Sino siya?" Tanong ulit nung lalaking malaki ang katawan.

"Hindi ko alam. Hindi ko pa yan nakita dito." Sabi nung babae.

"Anong kailangan niyo sa'min?" Gusher suddenly spoke and his voice is just so cold.

"Kayo, kayo ang dapat naming tanungin. Anong kailangan niyo dito, at nasa teritoryo namin kayo?" Mayabang na saan noong patpatin.

Naku! Kung wala lang silang hawak na baril, binugbog ko na iyong lalaking iyon kahit pa nasa puder nila kami. Napakayabang ng aura niya, e mukha naman siyang isang ubo nalang ay bibigay na.

"Napadpad lang kami dito--" hinawakan ni Gusher ang kamay ko.

"Hindi mo kailangang magpaliwanag sa kanila Cryanna." Sabi ng katabi ko kaya itinikom ko ang bibig ko.

"Anong sabi mo?" Lumapit sa'min ang maskuladong lalaki, siya ang may hawak nang baril, kaya sa kanya ako natatakot.

"Ano?" Masungit na tanong ni Gusher dito.

"Anong sabi mo? Anong pangalan ng babaeng 'yan?" Tanong niya na medyo pagalit pa ang boses.

"Kung hindi mo narinig, huwag mo nang alamin." Ngumisi si Gusher pero kaagad din namang bumalik ang seryoso niyang mukha.

Itinutok ng lalaki ang baril kay Gusher.

"T-Teka! Ibaba mo yan." Pigil ko. Nanginginig ang isang kamay ko nang itaas ko ito. "Cryanna. Kung iyon ang gusto mong malaman, Cryanna ang pangalan ko." I said.

Nagulat sila sa sinabi ko. Naawang ang mga bibig nila na para bang may nasabi akong mali.

"Tsk." I heard Gusher's disapproval.

"Hindi kayo pweding umalis. May mga itatanong kami sa inyo." Sabi nung babae.

"Tama. Kung ayaw niyong sumabog ang mga bungo niyo." Sabi na naman noong payat na lalaki.

Seryoso pa din si Gusher at kunot noong nakatingin sa kanila habang hawak niya pa din ang kamay ko.

Lumipas ang isang oras at nakatulala lang kami. Ang mga kasama namin sa silid ay may kanya-kanyang ginagawa.

The girl was reading a book, inaayos naman nang maskuladong lalaki ang baril niya, at ang isa naman ay natutulog.

"Halika na." Tumayo si Gusher at hinila ang kamay ko.

Desolated Cryosphere (Postponed Revisions)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon