6

534 19 0
                                    

CHAPTER 6
Shoplifting

"Lagyan mo nang tubig yung washing machine." Utos ni Gusher habang hinihiwalay ang puti sa de kolor niyang mga damit. Pumipikit-pikit pa ang mga mata ko dahil sa antok.

Pinuno ko ng tubig ang isang balde at ibinuhos iyon sa machine. I repeated the process until I filled it with enough amount of water.

"Sort your clothes out." He commanded again. Wala akong magawa kung hindi sumunod dahil, hello, hindi naman ako marunong maglaba.

Kagaya ng ginagawa niya, hiniwalay ko ang mga puti sa mga may kulay. Hindi naman iyon ganoon kahirap dahil kaunti pa lang naman ang mga damit na nagamit ko.

Ginising niya ako ng alas tres ng madaling araw para maglaba. Oo. Alas tres.

Pakiramdam ko ay gagawin niya akong alila. Kaya ba niya ako kinukulong dito?

Bumili, I mean, kumuha siya nang mga sanitary pads sa labas noong isang araw para sa'kin. Hindi tumalab ang stratehiya ko na manghingi ng ganoong supplies para makalabas dahil nakalimutan kong kaya naman pala niyang kumuha ng ganoon nang mag-isa.

"Gusher." Malambing na tawag ko sa pangalan niya.

Napatingin siya sa'kin. Marahil dahil sa tono ko.

"Labas tayo." I said, almost begging.

"Cryanna, it's dangerous. Trust me."

"May tiwala ako sa'yo. Kaya nga sinasama kita e. Kasi may tiwala ako na kaya mo akong protektahan." Napahinto siya sa ginagawa niyang pagbabanlaw sa mga damit bago niya ilagay sa machine.

Hindi siya umimik at pinagpatuloy nalang ang ginagawa kaya nagkaroon ng nakakailang na katahimikan.

"Gusher, nakapunta nga ako sa police station mula sa isang parte ng bayan, halos tatlong oras akong naglakad pero walang nangyaring masama sa'kin." I stated.

Hindi pa din siya nagsalita.

Hindi ko alam kung kumbinsido siya o napili nalang niya na huwag magsalita para hindi kami mag-away.

Hindi ko din alam kung bakit nagpupumilit akong lumabas gayong parang wala naman din kaming gagawin doon. Wala din namang tao doon, kagaya dito. Pero gusto kong lumabas. Makalanghap ng sariwang hangin, maramdaman na hindi ako nakakulong.

Natapos kaming maglaba nang hindi kami nag-iimikan. Ang tanging ginawa ko lang ay magbanlaw ng mga damit galing sa washing machine.

Hindi naman niya pinuna na mali ang ginagawa ko kaya sa palagay ko'y maayos ko namang nagawa ang trabaho.

"H-How can these clothes dry up?" Hindi ko na napigilan at nagsalita na ako.

Inilalagay niya ang mga damit mula sa dryer sa mga hanger.

"Huwag kang mag-alala. Matutuyo ang mga yan dito. I used milliliters of fabric conditioner to make them fragrant kahit hindi matuyo kaagad." Gusher answered.

He hang them on the rack.

After our laundry work, we sat on the sofa, watched one of his DVD collection, again.

"Mag-ayos ka." Biglang sabi niya saka siya pumunta sa banyo.

Ano daw?

Nagpatuloy ako sa panonood at ipinagwalang-bahala ang sinabi niya.

Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas siya.

"Ang sabi ko mag-ayos ka." Malamig ang tono ng boses niya, nakakapangilabot.

Desolated Cryosphere (Postponed Revisions)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon