2

792 22 2
                                    

CHAPTER 2
Crashed


"Ma'am? Pinapaalala po ni Ma'am Miguela na huwag niyo daw pong kakalimutang inumin ang mga gamot niyo." Sabi ni Nana saka inilapag ang tray ng mga gamot sa mesa na nasa tabi ng higaan ko.

"Salamat Nana." Sabi ko saka na ininom ang mga ito.

Mommy is a physician. She diagnosed me with myalgic encephalomyelitis. Lagi akong napapagod kaagad, my muscles and joints are always tired and painful. May mga iniinom akong gamot para maibsan ito, apat na klase iyon araw-araw.

It's Saturday. Isang nakakainip na Sabado. Nasa bahay lang ako, nakatulala sa mga videos na napapanood sa YouTube at sinusubukang mag-aral nang kung ano-ano.

My phone rang and Rafaela's caller ID flashed.

"Rafa." Sagot ko pagkapick-up ng tawag.

"Hindi ka daw ba sasama sa burol nung bruha? Nagyayaya ang buong klase, ayaw ko sana pero kung pupunta ka, sama ako." Aniya.

"Anong oras?" Tamad na tanong ko habang nags-scroll sa laptop ko kung ano pa ang pweding panoorin.

"Ngayong alas diez daw. Pupunta ka ba? Baka kahit nakalagay na sa kabaong iyon ay naghahasik pa din ng kaartehan at may gawin na naman sa'yo ha!" Sabi niya at naramdaman ko agad na umirap siya nang sandaling sabihin niya iyon.

"Ang mata mo Rafa." Sabi ko saka natawa nang kaunti.

"Puntahan kita? Dala ka nang kutsilyo para ready!" She said.

Bago pa man ako makapagsalita ay binabaan na niya ako nang tawag.

Alam na alam ko talaga kapag nagtanong siya nang hindi niya ako hinahayaang makasagot, she will do what she asked, iyon ang gusto niyang gawin.

Nag-ayos ako kaagad nang makitang lagpas alas otso na nang umaga.

Pagkatapos ay pumunta ako sa opisina ni Dad para makapagpaalam.

Nang nasa harap na ako nang pintuan ay huminga muna ako nang malalim.

"Miguela we need to send her there now!" Narinig kong sigaw ni Dad.

"I know, what are we gonna say?" Sagot naman ni Mommy.

Anong pinag-uusapan nila?

Napatingin ako sa phone ko para icheck ang oras at saktong tumawag si Rafa.

I knocked on the door para makapagpaalam na. Dahil mukhang nasa labas na si Rafaela.

"Come in." Rinig ko kaya pumasok ako kaagad.

Nakita ko ang pagkalma nilang dalawa, naupo si Mommy at mukhang maayos na din si Dad.

"D-Dad, Mom, good morning. Magpapaalam lang sana ako. Pupunta kami kina Meridith." Sabi ko habang mahigpit ang pagkakakawak sa phone na nasa kamay ko.

"Who's with you?" Tanong ni Mom.

"My classmates. Napag-usapan na pupunta daw kaming lahat." Simpleng sagot ko.

"Saan nga ulit ang bahay nina Meridith?" Tanong naman ni Dad.

"S-Sa block 5 po." Sabi ko naman kaya napatango siya.

"Check your phone always." Habilin ni Mom bago ako makalabas.

"Yes Mom."

---

"Muntik ka na naman bang hindi payagan ng parents mo?" Tanong ni Rafa habang angkas niya ako sa bisikleta niya patungo sa bahay nina Meri.

Lahat kami na nag-aaral sa university ay nakatira dito sa Evergreen Hamlet. Wala ni isang transferee or current student na nanggaling sa karatig bayan.

Desolated Cryosphere (Postponed Revisions)Where stories live. Discover now