11

468 14 0
                                    

CHAPTER 11
Freeze

Hindi na ako muling nagtanong tungkol kay Leo nang araw na iyon. Gusher then remained silent.

"Cryanna ayos ka lang?" Tanong ni Gusher habang naghuhugas ako ng plato, ang mga pinagkainan namin sa tanghalian.

Naiinitan ako simula kanina. I am sweating real hard, kanina pa ako punas nang punas sa noo ko gayong naka-on naman nag aircon.

"Ha? Bakit? Ayos lang." Medyo masakit din ang ulo ko pero hindi naman iyon ganoon kalala. Marahil ay dahil napasobra ako sa tulog kanina at naghihiga-higa pa ako dahil sa katamaran.

"You look pale. Nakakainom ka ba ng gamot? Sinusundan mo ba iyong mga alarms?" He asked again.

"Oo naman. Ako pa." Kinindatan ko siya at lumapit siya sa'kin.

Inilalapat niya ang kamay niya sa noo ko pero lumayo ako. Binitawan ko sa lababo ang pinggan na kasalukuyan kong sinasabunan at lumayo sa kanya.

"Come and get me!" Pang-aasar ko pero nanatili siyang seryoso.

"Cryanna, c'mon let me check you." Dahil doon ay himinto ako at hinayaan siyang lumapit sa'kin.

Ngumuso ako habang papalapit siya kaya napangiti ko din siya sa wakas.

"Damn." He cursed.

"Huh?"

"Ang init mo!" Hinila niya ako at hinugasan ang kama ko sa lababo para matanggal ang mga bula.

Napatili ako nang binuhat niya ako patungo sa higaan, mabuti nalang ay malapit lang iyon.

"I can walk-" sabi ko pero kaagad niya ding pinutol.

"Bakit hindi mo sinabi na masama ang pakiramdam mo?!" He shouted at me. I can understand him. He is mad because I hid that I am feeling strange today.

"S-Sorry." Yumuko ako.

"Sorry. J-Just rest. May gamot naman dito hindi ba?" Natataranta niyang tanong habang kinukumutan ako matapos kong humiga.

Tumango ako at ngumiti.

"Don't panic too much. Hindi naman ganoon kasama ang nararamdaman ko." Sabi ko saka lalong lumapad ang ngiti.

"Cryanna don't play around, napakainit mo. Sa palagay ko'y nasa 38° C yang temperatura mo o higit pa!" Sabi niya saka hinalughog ang mga cabinet para kumuha nang gamot.

"Ganoon ba? I don't feel that bad. N-Naiinitan lang ako. C-Can you turn the temperature lower?" Malambing na pakiusap ko.

Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. Hindi rin naman ako nagtataka sa reaksyon niya, nawiwirduhan din ako. My body's temperature is hot, ganoon din ang nararamdaman ko.

But usually, people with fever feel cold. Hindi kaya...

"Okay. Just be okay." Ibinigay niya sa'kin ang gamot at isang baso ng tubig. Nainom ko naman kaagad iyon. I hope the medicine will work immediately, para hindi na siya natataranta ng ganito.

He got a towel and a basin of water.

Napapikit ako nang maramdaman ang basang bimpo sa noo ko.

My temperature is so hot. Parang gusto kong magswimming or what.

"Um... Gusher." Tawag ko sa kanya.

"Hmm?" Inayos niya ang buhok ko, tinatanggal ang mga napunta sa mukha ko saka ako pinagmasdan.

"I-I had... I had cases of hyperthermia before." I informed him.

"What? A-Anong sabi mo?" He asked redundantly.

Desolated Cryosphere (Postponed Revisions)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon