13

480 19 0
                                    

CHAPTER 13
Retribution

Hindi ako makagalaw.

I looked straight at his eyes, those are so serious.

The phone dropped as I stare at him, to the person I guess I am currently developing romantic feelings for.

Ibinaba niya ang hawak niyang baril saka yumuko para kunin ang nahulog na phone. Napaatras ako dahil sa takot at natigilan siya dahil doon. Nanatili siyang nakayuko hanggang sa narinig ko siyang bumuntong hininga at tuluyan nang tumayo.

What does this mean?

"Labas." Malamig, sobra. Malamig ang pagtrato niya sa'kin ngayon kaya hindi ko maintindihan.

Hindi ba totoo ang lahat ng ipinapakita niya sa'kin? Did he just act to get my trust? At sa bandang huli ay may gagawin siyang masama sa'kin? Kaya ba hindi niya kaagad sinabi na may signal ang phone niya at maaari ko nang tawagan ang mga magulang ko? Kaya ba tinutukan niya ako ng baril ngayon?

Lumabas ako ng banyo nang nanginginig ang mga tuhod.

Gusto kong umiyak, pero tila natigilan din ang mga ito dahil sa sobrang pagkagulat.

Nakatitig lang ako sa kanya nang lumabas na din siya ng banyo.

"Talk. Ask. Huwag mo 'kong tignan nang ganyan Cryanna." His voice sent goosebumps all over my body.

"B-Bakit.. b-bakit.. Gusher." Maging ang boses ko ay nanginginig. Hindi ko maituwid ang pagsasalita ko. Natatakot ako. Sobra.

"Umupo ka." Mukhang napansin niya na nanghihina ako. Nang sabihin niya iyon ay napaupo ako, mabuti at nakatapat ako sa kama at hindi ako sa sahig bumagsak.

"T-Tinutukan mo ako ng.. n-niyan." Nahihirapang bigkas ko sa mga salita habang nakatingin sa baril na hawak niya.

My tears fell down continuously. I just can't stop them.

"Hindi kita sasaktan."

My eyes encircled. Hindi niya ako sasaktan? Anong kalokohan iyon?

"Hindi mo ako sasaktan?" Natawa ako nang sarkastiko. "You pointed that sinful gun towards me. Hindi ko pa nakita kung may napapatay ka na gamit iyan, pero natitiyak ko na meron na. I trusted you! I put my whole trust in you." Nakakapanghina, ang makita siyang tila walang pakialam sa mga sinasabi ko.

"Hindi ko inakala na ganyan ka. Oh well, naisip ko siguro. Normal lang naman iyon hindi ba? I doubted you when you asked me to go with you, lalo na nang pinatira mo ako dito. Pero binalewala ko iyon. I should have trusted my instincts!" Pagpapatuloy ko.

Wala pa din akong nababasang emosyon sa mukha niya.

Wala talaga siyang pakialam, hindi ba? Ganoon siya kagaling umarte na hindi ko iyon napansin habang nakatira ako sa puder niya.

"Ano ha? Anong kailangan mo sa'kin? Pera? Ang katawan ko ba? Hihingi ka ng ransom sa parents ko? Ano?! Pambihira Gusher, ano?! Masyado kang nainip dito? Natigang? Wala kang magalaw na babae kaya nang makita mo ako you kept me?! Para may magamit ka? Ha?! Sumagot ka!!!" Galit na galit ako. I feel like I might burst out at any moment. Iyong tipong sabog na sabog. Iyong tipong dahil sa sobrang galit ay hindi na ako makakapag-isip nang maayos, or my body will break down.

"Tumahimik ka." Mahina ang boses niya, mababa ang tono, pero narinig ko iyon.

"I won't! Ang akala ko pinapatuloy mo ako dito dahil mabait ka, na matulungin ka lang talaga. I never had an idea that within the days that I am with you, you held me as a captive. Na kung hindi ko sana nalaman ang totoong balak mo, baka nagtagumpay ka nang tuluyan sa gusto mo. Na magagawa mo ang gusto mo gamit ako nang hindi man lang iyon napapansin. Tama di'ba? Iyon ang gusto mo. Na magugulat nalang ako bandang huli na hindi naman talaga kita naging kaibigan!"

Desolated Cryosphere (Postponed Revisions)Where stories live. Discover now