17

470 17 0
                                    

CHAPTER 17
President

Mabilis ang pagpapatakbo ni Gusher sa kanyang kotse. Doon niya ibinuhos ang naipong galit sa mga taong pumatay sa mga mahal niya sa buhay.

Patungong Kanluran ang naging ruta niya. Ang ikalawang tahanan na din kung ituring niya.

Ayaw niyang pagbuntunan nang galit ang dalaga, ngunit ayaw niya din itong masaktan sa katotohanan.

Habang nagmamaneho ay hindi maiwasan ni Gusher na maglandas sa isipan niya si Crya. Kung nagpapahinga na siya ngayon o kung nasaktan siya dahil sa nagawa niyang pagsigaw bago siya umalis.

Lagpas trenta minutos din ang lumipas bago siya kahit papaanong kumalma at nagdesisyong umuwi.

He parked the car the usual way. Mabigat ang mga paa niya patungo sa trap door.

Tila hindi niya kayang harapin si Cryanna, pero nilakasan pa din niya ang loob at tuluyang bumaba.

Hindi niya nadatnan si Crya sa higaan, wala din sa kusina o sa sofa.

"Crya..." Tawag niya dito saka lumapit sa pintuan ng banyo.

"Cryanna, anong gusto mong kainin? P-Pasensya ka na. Uminit lang ang ulo ko kanina. Galit ka ba?"

Walang sumagot kaya kumatok siya sa pintuan.

"Cryanna?"

Wala pa din.

Nilakasan niya pa ang pagkatok at pagtawag sa pangalan ni Cryanna pero wala pa din.

Gusher pushed the door open and found out that Cryanna was not inside.

Napamura siya.

"Cryanna!"

Tumingin siya sa orasan, 5:42 PM.

"No, no, no." Tumakbo siya patungo sa aparador at nang makita niyang kulang ang mga gamit ni Cryanna at nasuntok niya ito at nasira.

"Cryanna! No!"

Mabilis siyang umakyat muli at lumabas nang bahay. Iniisip kung saan nagpunta si Cryanna at the same time, tinitignan ang orasan dahil ilang sandali na lamang ay magyeyelo na.

"Cryanna... No." Nanginginig siya at hindi malaman ang gagawin. Labing-walong minuto nalang.

He tried calling someone to get some help, but no avail. Hindi ito sumasagot.

Sumakay siya sa kotse at mabilis itong pinaandar patungo sa ibang parte ng Centro, pinuntahan ang mga lugar na maaaring puntahan ng dalaga, pero wala pa din.

"I'm sorry. I'm sorry." Paulit-ulit na sabi niya habang nanginginig na minamaniobra ang sasakyan pabalik sa bahay.

Naririnig na niya ang pamumuo ng yelo kaya naman binilisan niya lalo ang pagpapatakbo.

Pagdating sa bahay ay mabilis siyang tumakbo papasok ng kwarto, tila mabilis din siyang hinahabol ng yelo. He opened the trap door and jumped down to close the door immediately. Hindi niya ginamit ang hagdan kaya bumagsak siya at naramdaman kaagad ang sakit.

He examined the room. Hoping that Cryanna was already home, but negative.

6:02 PM.

"Damn it!" Nagdabog siya at pinagsusuntok ang sahig.

"No. No. Cryanna, I'm sorry." Namuo ang mga luha sa mga mata niya at sinabunutan ang sarili.

Hindi niya alam kung paano kakalma ang puso niyang sobrang bilis ng tibok. Tumakbo siya patungo sa banyo, hindi kinaya ng sikmura niya ang kaba, he vomited.

Desolated Cryosphere (Postponed Revisions)Where stories live. Discover now