FIVE

49.7K 1.2K 18
                                    

Hinahalikan niya ako na para bang ito na ang huling beses na dadampi ang labi niya sa akin. Maging ang dila ay kumakatok sa aking labi na tila humihingi ng pahintulot na makapasok. Ako nama'y hindi alam kung ano dapat ang gawin. Wala ako sa katinuan dahil sa gulat! Parang ayaw magsink in sa utak ko ang nangyayari.

Hindi ko magalaw ang mga kamay kong nakalapat sa kaniyang dibdib. Madilim sa pwestong kinalalagyan namin. Ang malaking halaman ay tumatakip sa amin kaya walang makakakita na kahit sino sa lugar na kinalalagyan namin.

Pero tama ba ito lalo na at hindi ko alam kung bakit ba ako hinahalikan ni Leandro? Hindi na bago sa akin 'to. Well, hindi ko pa naranasan at halata namang yon ang unang beses na mahalikan ako! Unang halik ko yun! Nakakapanood ako ng mga kissing scenes sa mga pelikula kaya alam ko ito pero ano ba! Hindi ko talaga alam ang gagawin ko.

Naramdaman ko ang kamay ni Leandro sa bandang batok ko. Pilit akong hinila para palalimin ang halik. Ang isa naman niyang kamay ay nasa gilid na ng beywang ko, tila mas hinihila ang katawan ko palapit pa sa kaniya. May kung ano akong naramdaman sa gitnang bahagi ng katawan ni Leandro.

Halos manlaki ang mata ko nang mapagtanto kung ano ang bagay na 'yon. Tumatama ito sa aking bandang puson na parang galit na galit ito. Lahat ng init sa aking katawan ay napunta sa aking pisngi. Parang lalabas na nga ang puso ko sa dibdib ko at magtatatalon sa harapan ng lalaki.

Pinilit kong itulak siya palayo sa amin. Tila naman nabigla ito at napamura ng ilang beses bago ako hinila ulit sa kaniya. Ang buong akala ko ay hahalikan niya ako muli pero ipinatong niya lang ang noo niya sa akin.

"Feel it,Harrietta" paos na bulong niya. Idiniin niya pa ang ibabang parte nito sa aking puson. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. "Yan ang pinaparamdam mo sa'kin,Harrietta. You're giving me a f*cking hard on just because of a kiss"

Lalong nag-init ang pisngi ko. Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata ni Leandro. Baka kung tumingin pa ako sa tsokolateng mga mata nito ay mawala na ako sa ulirat at ako pa mismo ang manghalay sa lalaking 'to. Nakakainis, nawawala ako sa katinuan dahil kay Leandro.

"Leandro..."

Malakas ang pagbuga ng kaniyang hininga dahil doon. "Stop me,Harrieta, while I can still restrain myself" namamaos paring wika nito.

Wala naman akong masabi. Hindi ko maibuka manlang ang bibig ko. Hindi ko magawang magsalita.

Tila may isang spell na iginawad sa akin. Dahil ba ito sa halik ni Leandro? Sadya namang makapangyarihan ang halik niya dahil halos ikabaliw ko na-

Nabigla ako nang muling sakupin ni Leandro ang aking labi. Muli, hinalikan niya ako sa pangalawang pagkakataon. Ito na nga ang una, siya pa ang pangalawang nakahalik sa akin!

Ang kamay niya'y bumalik sa aking batok. Napakapit na ako sa kaniyang damit. Tila doon ako kumukuha ng lakas.

Ang isang kamay niya ay nasa beywang ko parin. Gumuguhit ng kung ano-ano doon hanggang sa unti-unti itong tumaas papunta sa loob ng pang-itaas ko.

Napasinghap ako dahil doon na siyang nagbigay ng daan para maipasok niya ang kaniyang dila sa aking bibig. Hindi ko napigilan ang pagkawala ng ungol sa aking bibig. Bakit ba nagagawa niyang magtagumpay na maniobrahin ang buong katawan ko. Parang siya ang nagpapagalaw ng katawan ko at sumusunod yun sa lahat ng gusto niya. Kakaibang pakiramdam ang lumukob sa akin. Kakaibang init ang tila lumamon sa akin at parang ilang minuto lang ay kakapusin na ako ng hininga.Tumututol ang isip ko sa nangyayari ngayon pero tila walang lakas ang katawan ko dahil nagpatianod ako sa sarap ng halik ni Leandro.

Naglakbay ang dila nito sa aking bibig. Tila minememorya ang bawat naroon. Saglit lamang siyang huminto para kumuha ng hangin at muli niya ngang ibinalik ang kaniyang labi sa akin. Ngayon ay mas nakakadarag na ang halik niya. Naghahanap at nagmamakaawa na tugunin ko.

VLS 1: LEANDRO'S OBSESSIONWhere stories live. Discover now