Kabanata 9

43.6K 937 30
                                    


Be my girlfriend

Paulit-ulit kong narinig ang mga salitang 'yan sa utak ko. Maging ang boses ni Leandro ay naririnig ko sa utak ko. Paano ko nga ba sasagutin 'yan? Is is a question or a statement? Para kasing di naman niya ako tinatanong, daig niya pa ang isang daang porsyentong sigurado na magiging kaniya ako.

"Answer me,Harrietta" atat niyang tanong sa akin. Halatang kabado siya sa boses niya pero kapag tumingin ka sa mga mata niya, naglalaro doon ang kasiyahan. Bigla siyang ngumisi sa akin. "Nevermind, no need to answer that. Alam ko namang gwapo ako at patay na patay ka sa—aw!" Sinapak ko na dahil sa kakapalan.

Grabe,a? Ako pa ang patay na patay sa kaniya, e siya yung nagtatanong sa akin na pwede niya akong maging girlfriend tapos siya pa 'tong halik ng halik samahan pa ng matatamis niyang salita tapos ako pa ang patay na patay sa kaniya? Patayin ko nalang kaya siya?!

"Umayos ka nga" inirapan ko siya. Tumawa lang naman siya sa akin. "Kung gusto mong sagutin kita, umayos ka. T'saka 'di ka pa nga nanliligaw,e!"

Sinimangutan niya ako. "I don't do courting, ako ang nililigawan"

"Ibahin mo'ko!" Pagtatampo ko sa kaniya. Kungsabagay, gwapo siya at lapitin ng babae. Sino nga ba naman ang hindi agad magsasabing gusto nila itong maging boyfriend kung ganito kagwapo ang lalaking 'to.

Tila sumuko ito, hinaplos nanaman niya ang pisngi ko. "Fine" pagsuko niya. "Liligawan na kita" labas sa ilong na sabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Napipilitan ka lang,e"

Sumeryoso bigla ang mukha niya kaya napalunok ako. "Liligawan na nga kita,diba? Ano pang gusto mo? Do I have to catch a meteor to prove that I am serious to you,hmm?"

Napalunok ako lalo na nang bumaba ang mukha niya sa akin. Pinigilan ko na siya bago pa dumampi ang kaniyang labi sa akin, inilapat ko ang hintuturo ko sa labi niya.

"Oo na. Manghahalik pa,e"

ISANG linggo nang nanliligaw si Leandro sa akin. Hindi ko alam kung panliligaw ba ang tawag niya doon. Lagi siyang wala dahil may inaasikaso ito sa bayan. Ang alam ko'y tumutulong siya sa supermarket nila doon. Ilang negosyo ba ang meron sila?

Tungkol naman kay Angelika, hindi siya tuluyang napaalis. Salamat at napakiusapan ko si Leandro. Inilipat lang ito sa ibang mansyon ng Saavedra, oo hindi lang ito ang mansyon nila. Ang alam ko'y may Saavedra Manor sa Manila, doon inilipat si Angelika.

"Harrieta, tawag ka ni Auntie Lea"

Narinig ko si Lane na nasa likuran ko. Napakunot ang noo ko rito nang mapansin ko ang itsura niya.

Gusto kong matawa pero pinigilan ko. "Anong nangyari sa pisngi mo?"

Ngumuso naman ito at hinawakan ang pisnging namamaga. "Si Shel,e!" Hinaplos-haplos nito ang pisngi. "Sinuntok ba naman ako habang tulog siya. Napansin ko lang naman na parang umuungol siya tapos kamulat niya sinuntok na ako! Pisti siya" lalong ngumuso ito.

Natawa na ako kaya sinimangutan niya ako. "Baka natakot sa'yo ng ikaw ang mamulatan niya"

"Pisti ka rin, hmpf!" Umirap ito. "Magsama nga kayo!"

Nang umalis si Lane ay natawa ako ng natawa. Para kasi siyang siopao dahil namamaga ang pisngi niya.

"You look beautiful when you're laughing"

"Ay peste!" Nagulat pa ako nang magsalita nalang bigla si Leandro. Nasa tabi ko na pala ito, abala pa kasi ako sa pagdidilig habang tumatawa.

Beautiful beautiful! Nagtatampo ako!

VLS 1: LEANDRO'S OBSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon