Kabanata 40

34.4K 631 16
                                    

I let out a deep sigh before pulling myself up. I just took a nap. Ilang minuto lang yata akong nakatulog pero gigising nanaman ako. Kailangan kong gumising dahil kailangan kong matapos ang mga designs ko. Three more dress and we're done.

Tinapik ko ang mukha ni Tyra na nakatulog narin pala. Tumaba ito hindi tulad ng nakaraang nakita ko ito. Medyo okay na siya ngayon hindi tulad noon na lagi siyang tulala at wala sa sarili. May iba pa kaming katulong na mismong si Tita Alliyah pa ang nagrekomenda. We're rushing everything.

Inabutan ako ng kape ni Joan na trabahador ko rin, maging si Tyra ay inabutan din nito. "Thank you" I said to her.

"Ma'am, may nagpapabigay po pala" ani ni June, ang baklang pinoy na kasama ko rin dito. Inabot niya sa akin ang isang tupperware na may lamang pagkain.

Kumunot ang noo ko. "Kanino raw galing?"

"Kay Erriah raw po, pinadeliver lang po raw, may message po sa ilalim"

Agad ko namang tinignan ang papel na nakadikit doon.

Eat it, don't skip your meal,woman. You're making me damn mad

Lalong nangunot ang noo ko. At talagang ganoon na magsalita ngayon ang kapatid ko?! Sumusobra na yata yon, pero nagpapasalamat parin ako dahil may pagkain na ako para sa gutom na gutom ko ng tiyan.

Marami ang mga yon kaya sinabihan ko na silang samahan ako. Hindi naman sila umayaw dahil close narin naman sila sa akin. Sila lang kasi ang kasundo ko rito ngayon.

I dialed Erriah's number, ilang ring lang ay agad rin naman niyang sinagot.

"Yes,my sister?"

Narinig ko ang maingay na background sa paligid nito. Tila na bar siya at kasama nanaman ang mga kaibigan.

"You're partying again?" I asked her, imbis na tanungin siya agad sa pagkain ay yan ang natanong ko.

"Yeah, obviously. I'm just having fun. Sawa na ako sa stress" aniya.

Napatango na lamang ako. "I'm going to call Zarrick to pick you up, huwag kang magmaneho ng lasing"

She groaned in disapproval. "Don't you dare,ate! He's going to yell at me again! That prick, nakakagigil na siya! I can handle myself, don't worry. Ihahatid ako ng mga kaibigan ko"

"Okay.." sabi ko nalang, pero kailangan kong itext si Zarrick para sure akong ligtas ito. "Tampuhan lang yan, huwag niyong pinatatagal. Anyway, thanks sa pinadala mong food. Kinulit mo nanaman si Charles dahil dito, alam mong busy ang cook na yon" si Charles ay kaibigan rin ni Erriah na naging kaibigan ko na rin, palipat-lipat ito at nag-eexplore para sa pagluluto. Nagkataon na dito ito maglalagi ng isang taon.

"Huh?" Tila gulong tanong niya. Hindi yata narinig ang sinabi ko.

Magsasalita pa sana ako nang mapahinto ako nang baritonong boses ni Zarrick ang umalingawngaw sa kabilang linya.

"What the fuck are you doing here,young lady!?"

Hindi ko na alam ang nangyari dahil namatay na ang kabilang linya. Hindi ko na pala kailangang sabihan si Zarrick. Zarrick has his own way, ikanga ni Erriah. Malalaman at malalaman din nito yon. Napatingin ako sa mga tupperware na wala ng laman. Napaisip ako bigla, si Erriah ba talaga ang nagpahatid ng mga yan? Leandro has his own way too, paano kung ito ang nagpabigay ng mga pagkain? And base on the letter ay mala-Leandro ang nagsalita.

Ipinilig ko nalang ang ulo ko at napagpasyahang tawagan nalang ang kambal. May cellphone akong ibinigay kay Lion kaya natatawagan ko sila mula nang umalis akong walang paalam kay Leandro.

VLS 1: LEANDRO'S OBSESSIONWhere stories live. Discover now