Kabanata 7

44.1K 1K 60
                                    


MAAGANG pumasok si Erriah kaya maaga din akong kumilos nang sumunod na araw. Kahit puyat dahil sa kakaisip ay pinilit kong gumising ng maaga.

Masigla namang nagkukwento si Erriah sa akin habang nag-aayos ito ng gamit para sa pagpasok.

"May paligsahan para sa Miss. Villa Larra sa susunod na buwan,ate. Gusto nga nila akong sumali para raw manalo naman ang school namin" ipinasok nito ang mga notebook sa maliit na bag.

Ako nama'y nanatiling nag-aayos ng buhok. "Miss Villa Larra?"

"Oo,ate. Taon taon raw 'yon at may pag-asang sumikat ang tatanghaling Miss Villa Larra. Hindi lang dito sa Villa Larra kundi buong bansa" puno ng saya ng boses nito habang nagsasalita. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti. "Gusto kong sumali,ate. Gusto kong makilala ako at gusto kong makuha yung premyo para naman makatulong ako sa'yo"

Erriah was really a positive thinker. Lahat ng ginagawa nito nagpapasaya rito. Minsan, gusto kong maging katulad niya. 'Yong walang pakialam sa magiging consequences ng gagawin mapasaya lang ang sarili.

"Then join" ngumiti ako sa kaniya na agad naman niyang ginantihan ng ngiti.

"Talaga ate! Sasali ako doon at kahit nasa grade eight palang ako,iuuwi ko ang korona!"

I smiled at the thought of her,winning that contest.

"MAG-AYOS KA nga" bulyaw sa akin ni Lane nang minsang naglalaba kami.

Inalis pa nito ang mga bulang nasa buhok ko. Hindi ko na pansin 'yon dahil masyado na akong abala sa ginagawa ko. Nasa laudry room kami kasama si Shel. Kaming tatlo na lagi ang nagkakasama sa mga inatasang gawain sa amin. Sila lang kasi ang kasundo kong katulong rito sa Mansyon. Ang ibang katulong ay ilap sa akin. Lagi akong iniirapan at sinusungitan lalo na ang kampo ni Angelika.

"Ano ka ba. Naglalaba lang tayo. Wala akong balak mag-ayos gayong magugulo lang naman dahil sa dami ng gagawin natin" pinunasan ko ang namuong pawis sa aking noo. "Maglilinis pa tayo sa likuran mamaya" napabuntong hinga ako.

Masyado ngang maraming ginagawa ngayon lalo na at may darating bisita ang mga Saavedra. Kailangan raw kasing matapos ang paglilinis bago dumating ang mga ito kaya halos lahat ng katulong ay abala sa kaniya-kaniyang ginagawa.

"Sus! Tingnan mo nga sarili mo, papasa ka ng labandera at may doseng anak sa itsura mo" natatawang sabi ni Lane. Si Shel naman ay tahimik lang na nagkukusot ng mga damit na may maseselang tela.

Napabungisngis ako. Grabe naman kasi ito sa naturan. Doseng anak? Pwede namang isa lang.

"Ikaw, mukha kang may benteng asawa" bawi ko kay Lane saka tumawa ng malakas.

Umasim naman ang mukha ni Lane at sinabuyan ako ng tubig sa hawak niyang hose. Napatili ako dahil basa na ang kalahati ng katawan ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero binelatan lang niya ako. She looks like a kid while she's doing that.

"Grabe ka,a! Ginawa mo pa akong aso!"

Natawa siya lalo. Sinabayan ko ang kakulitan ni Lane. Pinisikan ko siya ng tubig kaya ang kinauwian ay pare-pareho kaming tatlong basang-basa,pati ang nanahimik na si Shel sa tabi ay nabasa na rin.

"Ako na riyan,Harrietta. Isampay mo nalang 'yong mga nasa basket" bahagya pa akong tinulak ni Lane. Ako kasi ang nagbabanlaw at siya naman ang nagdadryer ng mga damit.

Napanguso ako. "Bakit ako?"

Tinabi lang ako nito gamit ang kamay. "Sayang ang lotion ko. Ayokong umitim" maarteng sabi nito.

Naalala ko tuloy si Ma'am Zarria sa paraan ng pagsasalita ngayon ni Lane. Napailing nalang ako at sinunod siya.

Binuhat ko ang isang basket ng mga damit at lumabas na ako ng laundry room. Dumaretso ako sa may sampayan. May mga puting kumot na ang nakasampay doon at kaunting damit. Hindi naman gaanong sikat ang araw pero nakakasilaw parin kaya naniningkit ang mga mata ko.

VLS 1: LEANDRO'S OBSESSIONWhere stories live. Discover now