Kabanata 33

34.7K 673 132
                                    

"What will happened next?"

I don't know either.

"What will you do if he finds out about the twins?"

I don't know too.

"Are you going to tell him about the twins?"

Hindi ko rin alam!

"Open your mouth,Harrietta, and tell me what happened last night"

Napaangat ang ulo at tinitigan ko si Duke. Nasa bahay na niya ako, hindi ko rin alam kung paano ako nakarating rito. Lutang ako kagabi pero tanda ko pa na nagpababa ako sa harap ng village at nagpasundo kay Duke.

"Harrietta.."

Hindi ko kayang bumuo kahit anong salita manlang. Hindi ko kayang sabihin ang tumatakbo sa utak ko dahil maging ako ay hindi ko alam. Samo't sari at iba-iba. Hindi ko alam kung anong uunahin.

"Mommy!" napalingon ako nang tawagin ako ni Dion. Pababa na siya sa hagdan kaya sinalubong ko na. Para na rin umiwas sa lahat ng tanong na ibinabato ni Duke sa akin.

Niyakap agad ako ni Dion na agad ko din namang tinugunan. I kissed him in his forehead. "Good morning,sweety"

"Good morning too,Mommy. Why did you left last night?" He asked innocently.

Napangiti ako ng pilit. "I just talked with my old friend. Did you enjoy the party?"

He nodded, "Tita Erriah sang last night, mommy. She's really good at singing"

Napangiti ako. Pinunasan ko ng kaunti ang namuong pawis sa kaniyang noo. "Sana vinideohan mo si tita Erriah para napanood ko ngayon"

Ngumuso naman siya at napatingin kay Duke. "I forgot,mom, papa don't want me hold my iPad so I don't had the chance to took a video"

Napasulyap ako kay Duke. Umiwas siya ng madapuan siya ng aking mata. Sabay pa yata kaming bumuntong hininga. Pareho na nagpapakiramdaman.

"Why do I feel that you two aren't okay" Dion asked after hearing our sighs.

Napatawa ako ng pilit. Binuhat ko na si Dion at iniupo sa isang upuan sa dining table. "Magluluto na ako ng breakfast, where's your twin brother?" I asked Dion.

"He's still sleeping. I am the big boy so I woke up early than him,Mommy!" Pinilit pa nitong bumaba ulit sa upuan para magtalon-talon na parang pinapakita sa akin na malaki na nga siya.

Ginulo ko ang buhok niya at napisil ko pa ang kaniyang ilong. "Yeah, you're really a big boy now but you're still mommy's baby"

"Gigisingin ko na si Lion. Can you make my coffee?" Duke interrupted in.

Tumango ako sa kaniya. Lumabas din naman siya ng kusina at agad na umakyat para gisingin si Lion. I cooked some pancakes for the twin, nagprito na rin ako ng bacon at egg para sa amin ni Duke. Ginawa ko na rin siya ng kape.

Nasa hapag na kami nang magsalita si Duke. "The anniversary is done, we can go back to Paris now" tila pinal na aniya.

Gusto kong magsalita pero ano nga bang karapatan ko. Hindi ba't 'yon ang napagkasunduan namin nang nasa Paris pa kami. Nanahimik nalang ako at napayuko.

"But why? We're going back to the Paris? But I thought we're going to Bohol and Boracay?" Dion said pouting his lips.

Napatingin ako kay Lion, umaasang sana'y maging siya ay sabihing ayaw na muna niyang umuwi ng Paris.

VLS 1: LEANDRO'S OBSESSIONWo Geschichten leben. Entdecke jetzt