Kabanata 20

34.6K 670 33
                                    


"Sorry to tell you too Leandro but no one can stop me too. You'll be marrying Ella wether you like it or not. No one can stop me,ijo, even you or this stupid girl you're with"

Napabaling ako kay Leandro pagkatapos kong marinig 'yon. Marrying Ella? Sumikip bigla ang dibdib ko at uminit ang sulok ng mata ko. Mabilis na umalalay sa akin si Leandro and I can see fear in his eyes. Anong ikinakatakot niya? Ang malaman kong ikakasal siya sa iba at hindi sa akin? Ang malamang ayaw sa akin ng mga magulang niya at may gusto ang mga ito para sa anak nila?

It hurts,a lot but I trust Leandro he will never dare to hurt me. Alam kong ako ang pipiliin niya over anybody. Pero selfish pakinggan, kasi kalaban ko ang pamilya niya, ang magulang niya.

"Sweety, halika na"mahinang bulong niya sa akin sabay hila sa katawan ko pero hindi paman kami nakaaalis ay nagsalitang muli ang kaniyang ina.

"Turning your back at me? Is that how rude you are? Why don't you stay and listen to me,woman"her mother's voice sent shivers to my body, para siyang madrasta ni snow white kung makapagsalita.

Pumihit ako paharap muli pero hindi ako hinayaan ni Leandro. "Mom! Stop it! Please, let us go. You're always doing this. Hindi pa ba kayo nadala sa nangyari kay Leandra? You're repeating the same mistake again"

Napayuko ako,hindi ko alam kung ano ba dapat ang gawin ko. Sa mga ganitong eksena ay dapat manahimik ka nalang dahil baka mas lalo pang lumala.

"Mistake? This isn't a mistake! That woman is not good to you! Hihilain ka lang niyan pailalim! She's a low life girl,a slut, a bitch and definitely a gold digger! Stay away from her,son. Gusto niya lang ang pera mo,natin!"

His mother's words are like knives. Tuluyan akong napatungo. Ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay tuluyan ng kumawala. Natahimik ang paligid, ang pagkakahawak sa akin ni Leandro ay dumiin. I tried to look at him only to find out his angry face, no he's furious. His jaw is clenching and his hand curled into fist.

"I.Said.Stop.It"madiin niyang sabi. Napaawang ang bibig ko ng makita kung gaano siya kagalit ngayon. His blood shot eyes were directly to his mother. Ang ginang naman ay nakanganga rin kagaya ko.

"Leandro.."tawag ko sa kaniyang atensyon but it seems that he can't hear me anymore because of his furiousness.

His mother let out a sarcastic laugh,"Really,Leandro?" Di makapaniwalang baling nito sa anak. "When did you learned to used that tone on me?"

"If you don't stop I'll make you stop"malamig na sabi niya at halos malaglag ang panga ko nang lumapit siya sa pwesto ng kaniyang ina but before he could even touched his mom,his father interrupted in.

"Enough"nilukob ako ng kakaibang pakiramdam ng marinig ko ang malamig na boses ng kaniyang ama. Walang mababakas na kahit anong emosyon sa mga mata nito. He remains cold and dark.

Natigil si Leandro at isang ngisi naman ang umukit sa labi ng kaniyang ina. Tila wagi itong bumaling sa kaniyang anak at sa akin. Pilit ko mang umiwas ng tingin ay hindi ko magawa dahil baka isang galaw ko lang ay mabuwal na ako sa kinatatayuan ko. Lalo akong kinabahan ng pasadahan ako ng tingin ng ama ni Leandro.

"Harrietta,is that your name,ija?"

Napalunok ako sa tanong nito. Dahan-dahan akong tumango at yumuko sa kaniya. "Y..yes.Sir"

"Nice choice,Leandro. I see, mukhang bumababa ang taste mo ngayon. Is she the same girl who'd you kept on stalking last time?"

Napalunok ako kasabay ng paghawak ng kamay ni Leandro sa palapulsuhan ko para hilain ako. "Let's go"

"B.. but Leandro..."

"Leaving now? Hindi mo manlang ba kami sasabayan ng ina mo sa pagkain. Didn't you misses us?"his dad asked again.

VLS 1: LEANDRO'S OBSESSIONWhere stories live. Discover now