CHAPTER SIX

1.3K 29 1
                                    

Lumabas na nga siya sa bar. Grabe yung dress niyang okay pa kanina ngayon nag iba na lol.

"Kumusta? Bat nakipagbreak?" May patawa tawa pa siya. Nasarapan? Lol

"Nalate kasi ako. Ikaw kasi!"

"Oh bakit naman ako?"

"Basta!"

"Ang bilis makipagbreak wao!" Ngumisi siya

Kitang kita sa damit niya ang gusot ng dress niya at yung strap ng bra niya jusmiyo kang babae ka. Ang gulo pa ng buhok niya. Di ba siya nahihiya sa pinaggagawa niya? Bar yan hindi club!

"Tignan mo nga yang suot mo! Kulang nalang maghubad ka! Di ka ba nahihiya? Pinagtitinginan ka na ng mga tao" sabi ko pero ngumisi lang siya.

Napatingin ako sa paa niya. At nakapaa lang pala siya, bitbit niya ang sandal niya. Nakainom ba siya? May saltik ata eh.

"Tignan mo nakapaa ka pa!"

"Ano bang pakialam mo? Kung makasermon ka. Mas grabe ka pa kesa sa mama ko! Yung mama ko binabalewala lang ako! Si papa naman may kabit putcha! Nagbubulag bulagan pa si mama."

Nagulat nalang ako sa sinabi niya. Di kaya, kaya niya to ginagawa kasi broken family sila?

May bayad ba pag nagpapagalaw siya?

Tumulo ang kanyang luha, at bigla naman akong naawa sa kanya.

"Hali ka na nga! Pasok" sabi ko. Tsk tong babaeng to pasalamat ka mabait ako!

"Bakit naman?"

"Wag ka ng makulit!"

"Ayoko! Bat ka ba ganyan? Bat ba ang bait bait mo sakin?"

Amoy na amoy ko na yung alak na ininom niya hayst. Pero mabango parin ang bibig niya hahahah.

"Tara na"

"Tina......tanong pa kita! Bat ka ganyan? Haaa? Shagutin mo ko pre!!!"

"Lasing ka na hali ka na! Pasok ka na sa loob bilis"

"Alam kong lashing ako!!! pero katulad mo...... matino parin ako kahit ishang doshenang bote pa ang iinomin ko!"

"Pasok ka na sa loob!" Pinapasok ko na siya at buti naman sinunod niya.

"Shagutin mo ko!" Bigla nalang siyang umiyak na parang bata.

Agad siyang lumapit sakin at kinwelyohan ako. Ano bang problema nito? Naaamoy ko na naman yung alak.

Hinawi ko ang kamay niya pero nagmatigas siya. Nilalapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

Maya maya ay bumitaw na siya at sumandal sa bintana. Bigla nalang siyang tumawa. May pa hawak hawak p sa tiyan niya. Baliw ba to?

Grabe ganyan ka ba talaga? Pag lasing nagiging bata?

Pero cute ka parin naman eh. Nawawala yung pagiging hot mo.

Meron parin sa kalooban kong naaawa sayo. Curious tuloy ako sayo.

"Diba matino ka pa?" Tanong ko at tumango siya

"uhmmm bakit ka nagkakaganyan? Bakit kung sino sino nalang ang pinapatulan mo?"

"Hhahaha secret bat ko naman sasabihin sayo? Close ba tayo?" Tumawa siya na parang bata.

Baliw ka na ata?

"Bat napakafc mo sakin?" Tanong niya

ano daw? Ako? Fc?

"Fc?"

"Feeling close!"

"Ako?"

"Sino pa bang kausap ko? Lintik ka! Sagutin mo yung tanong ko bakit ang bait bait mo shakin? Simula nung nakilala kita palagi ka ng nasa tabi ko? Pero okay lang naman kasi pinapagaan mo yung loob ko lalo na yung ex ko! Putcha bespren ko pa eh! Bat ang bait bait mo?" May pa hand gestures pa siya.

Fuckgirl Meets PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon