Una kaming bumaba ni Clyde sa bus. Nagpaalam na kaming dalawa kay Mori, nagyakapan at nag iyakan ang oa talaga lol. Umalis na rin ang bus haayyysss. Kumawaykaway pa si Mori sakin rawr. Huhuhu kaloka. Mamimiss kitang bakla ka. Sa phone na ulit tayo magkakausap T.T
"Tara na" sabi ni Clyde
"Hoy iniistalk mo ko sa fb?"
"Bakit?"
"Eh kasi naman kanina active 4 hours ago ka kaya ka napuyat!"
"Ang galing mong manghula"
"Ako pa!" So inistalk niya talaga ako? Oh no yung mg jeje pic ko kupal
"Tara na"
"Okay pero wag mong istalkin yung mga old photos ko ah nakakahiya"
"Haha cute ka naman baby eh"
Baby na naman -,-
"Shutup!"
"Okay po"
Maya maya ay nakarating na kami sa bahay namin. Bat di pa ba siya uuwi? -,-
"Di ka pa ba uuwi?" Tanong ko
"Di pa. Dito muna ako matutulog"
"Ayy waw feel at home ah? Kapal ng mukha."
"Iris will you be my girlfriend? " napatalon pa ako sa gulat. As in shookt na shookt
Ngayon talaga? As in?? Juskopoooo tulonggg! Agad agad? Di pa nga ako nakapagready! Super hagard ko nga eh dahil sa hairlalo kong panay lipad dun sa bus feel na feel eh.
"Ha? Bat ang bilis?"
"Di pa ba sapat ang panliligaw ko sayo? Di mo na ba ako mahal?"
Napalunok pa ako ng ilang beses. Kaloka
"Ah sapat naman""So anong isasagot mo?"
Tumitingin tingin pa ako sa kisame kunyari nag iisip. Nagmamadali ba siya?Hindi naman importante kung gaano katagal ang panliligaw diba? Ang importante yun ay kung gaano katagal ang relason niyo.
"Ahhh ehhh ihhh oohhh uhhh. Y-yes!"
"Talaga? Yes!" Sabay yakap niya sakin. Ang awkward lang -,- "di mo alam kung gaano ako kasaya!" Hinawak hawakan pa niya ang buhok ko sabay halik sa aking noo. Yung labi niya may kuryente ata hehe nakakakilig. Hinawakan ko ang pisngi ko baka namumula.
Actually hindi ko to inexpect na tatanungin niya ako ng ganun. Kasi iba yung napapanood ko sa mga teleserye at movies. Yung iba may pa tarpaulin pa, may dalang flowers, may pa churva churva pa basta with efforts. Kung sa tingin ng ibang tao sa ginawa ni clyde ngayon ay effortless, di ka niya mahal chuchu pero para sakin nakakakilig kahit wala man lang siyang binigay o ano. Simple lang siya pero may halong sinseridad. Napasaya rin naman niya ako eh at napagulat kasi shempre di rin ako nag expect ng ganto. Ang inexpect ko ay gagastos siya ng ilang libo charot.
Pero okay na rin to no! Walang reklamuhan! Kesa naman sa chat niya sabihin lol may effort din siya noh! Effort sa pagkakaroon ng lakas ng loob. Buti hindi siya nakikibandwagon charot lang basta I'm so happy na naging kami na sana ikaw na yung the one ko.
Hinalikan niya ako sa labi at tumugon naman ako."Hoy ano yan!" Narinig kong sigaw ni mama. Oo nga pala nandito pala ako sa bahay namin lol
Agad kaming napatigil at sabay napalingon kay mama. Nagkatinginan pa kami at tumawa.
"Anong tinatawa niyo jan? Naglalandian kayo eh dito pa sa pamamahay ko?! Bat ba palagi nalang kayong ngahahalikan ha?" Lumapit si mama samin
Kinakagat kagat ko pa ang labi ko. Kinuha ni clyde ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin. Napatingin si mama sa mga kamay namin.
"Ma! Kami naaaa!" Ngumisi ngisi pa ako halatang kinikilig.
"Ano? Eh pano naman ako? Nihindi pa nga niya ako niligawan!"
"Ma! Tsk"
"Hays oo nalang edi congrats sa inyo! Siguraduhin mo lang na wag na wag na wag na wag mong sasaktan ang anak ko pag nangyari yun! Secret muna kung anong gagawin ko sayo!"
"Hinding hindi ko po sasaktan ang anak niyo" agad naman akong kinilig owemji duh lol
"Siguraduhin mo lang! Oh siya buti naman nakarating kayo ng maayos magbihis na muna kayo ha!"
"Opo ma!.....Upo ka muna ah" sabi ko kay clyde at agad akong pumunta sa kwarto tumalon talon pa ako sa pagtakbo. Agad kong tinawagan si mori
"Hello? Uhm nakarating naman ako ng maayos don't worry. Hayss ang sweet mo talaga teh! Oh advance ako mag isip no?" Sabi niya
"Hindi yan ang dahilan kung bakit kita tinawagan noh! Kami na ni clydeee" tumili pa ako
"ANO?!" nilayo ko pa ang telepono sa tenga ko ansakit sa tenga -,- "bakit? Bakit? Talagang jan pa sa bahay niyo nagpropose ah? Ang cheap! Pag mahal ka mag eeffort yan oy! At bakit nung wala pa ako? Bakit? Takot ba siya sakin? Abay sana prinangkahan ko na yan kanina! Naawa lang ako baka umiyak! Pasalamat siya tiniis ko pa siya! Kasi naman ang gwapo niya! Bagay kayo pero hindi kayo dapat para sa isat isa"
"Bakit naman?"
"Waw ang haba ng speech ko tas ganyan lang itutugon mo? Ang sarap mong kausap no? Dahil jan sa clyde na yan! Anyway bukas ka na papasok sa trabaho mo diba? Magpokus ka sa trabaho mo ha? Baka naman kay clyde ka magpopokus dahil kayo na!............................................
Hello? Nanjan ka pa ba? Hello? Iris?""The number you dialed is busy please try again later!" Agad ko ng binaba! Grrr. Nakakainis ka ha!
Nagbihis na ako at lumabas nanjan parin si clyde nakaupo. Di ba masakit sa pwet? Baka naman sobrang init na niyang inuupuan mo. Nakahawak lang siya sa phone niya nung nakita na niya ako ay agad niya itong pinasok sa bulsa niya at tumayo.
"Antagal mo namang magbihis...baby"
"Sorry hahahah" pabebe mode muna aketch
Kumain na muna kami pagkatapos ay pumasok kaming dalawa sa kwarto. Humiga kami at ginawa kong unan yung braso niya. Magkaharap kami at titig na titig sa isat isa.
"Tulog na tayo?" Sabi niya
"Sige" hapon pa naman pero inaantok na kami eh galing kasi sa byahe lol. Nagyakap pa kami kaloka ha. At pinikit ko na ang mga mata ko.
Pagkagising ko ay nagstretch pa ako at tinignan ang phone ko. Alas kwatro na pala napatingin ako sa tabi ko wala na si clyde. Di man lang niya ako ginising tsk. Kinusot kusot ko pa ang mata ko tsaka bumangon ansarap matulog kasama siya hakhak.
Agad na akong lumabas sa kwarto. Nadatnan ko si mama na naghuhugas ng pinggan. Waw ang sipag talaga ni mama kahit di ginagamit yung plato hinuhugasan niya parin
"Ma nasan si clyde?"
"Naku kaninang alas dos pa yun umalis eh di ka na niya ginising kasi ayaw ka niyang madisturbo sa pagtulog mo. Ang sweet naman niya. Nagmano pa nga siya sakin naku! Parang nagugustuhan ko na yang batang yan!"
"Ah sige salamat ma"
Ang aga naman niyang nagising. Alas dos? Eh ala una kaming natulog grabe naman isang oras lang yung tulog? San kaya siya pumunta?
BINABASA MO ANG
Fuckgirl Meets Playboy
RomanceKaya mo bang magtiwala sa isang PLAYBOY? Kaya mo bang tanggapin ang isang FUCKGIRL? Date published: March 29, 2018