Isasama ko ba siya o hindi? Nakakakonsensiya din no! Dahil nagsinungaling ako kaloka.
Hays bahala na nga. Bahala na nga! Isasama ko nalang siya wala namang mawawala diba?
Agad ko na siyang tinext grrrrr. Nanginginig pa yung daliri ko sa pagtatype. Ano bang nangyayari sakin? -,-
Ako: nakapagdesisyon na ako
Siya: ano baby?
Tsk! Yan na naman ang baby! Nakakakilig pero mas nakakakilig pag sa personal niya sinabi. Maygash ano kaya mangyayari sakin tinawag niya ako ng ganun?
Sinampal ko nalang ang sarili ko. ANO BAMG NAKAKAKILIG DUN? -,-
Ako: hindi kita pwedeng isama
Siya: bakit naman baby? Baby sige na please
Ako: joke
Siya: baby naman eh. Behave lang naman ako dun hehe
Eeeyy wengyang baby na yan!
Ako: wag mo nga akong tawaging baby!
Siya: bakit baby? Ayaw mo? O baka naman hihimatayin ka sa sobrang kilig jan? Ayieeee
Ako: shut up. Isasama na kita
Siya: talaga? Yessss! Thanks!
Ako: oh nasan na yung baby?
Hala putcha bat ko yun sinabi? Maygasshhh. Dali dali akong nagtype. JUSKO BAT KO YUN TINYPE? LOKA LOKA!!!!!!
Ako: aissshh wring sent!!!!
Aish! Natypo pa ako. Wengya nanginginig kamay ko busettttt
Ako: wrong*
Siya: haha gusto naman pala eh. Oh sige baby haahha nanginginig ka ata sa pagtatype ah?
Arrrgghhh kainis. Bwesit ka talaga!
Ako: shutup. Sa sabado at 10am. Pumunta ka nalang dito sa bahay sabay na tayong pumunta dun sa venue. Magprepare ka na ah!
Siya: alangan namang di tayo sabay dun baby. Ako yung mauunang pumunta dun kahit di ko alam kung san haha peace baby
Ako: shutup
Siya: okay baby
Siya: baby ano ba yung isusuot ko?Ako: ah ewan basta pang beach! Sa beach resort kasi yung venue
Siya: magbe-brief ako okay lang ba baby?
Ako: hoy ulol wag!
Siya: bakit naman baby?
Ako: ay bahala ka!
Siya: joke lang naman baby eh hahah
Ako: tsk!
Bahala ka sa buhay mo. Matutulog nalang ako.
Pinikit ko na ang dalawa kong mata. Pero....pero......pero -,- bat di ako makatulog? Haysss ano bang nangyayari sakin. Bat ko ba siya iniisip?
Tinignan ko ang cp ko baka nagreply siya. Kaso hindi na pala siya nagreply -,- yung last lang ay yung text ko na "tsk" awts!
Teka bat ko ba tinitignan yun? Kung ayaw niyang mag reply edi wag.
Hmmmm........
baka naman iniisip niya ako kaya di siya makapagreply?
Chuusss tama na nga yan iris! Wag umasa no!
Baka madami yung katext ngayon.
Pero diba nagbago na siya?
Hay naku nababaliw na ako. Pati sarili ko kinakausap ko naaaa.
Bat di parin ako inaantok? Anong gagawin ko?
Tumayo nalang muna ako at pumunta sa may bintana. Binuksan ko ito at agad yumakap ang malamig na hangin sa balat ko. Hayss ang ginaw. Tinignan ko ang mga bituin. Grabe iilan lang sila. Uulan kaya? Nakatitig lang ako sa kanila. Pagtingin ko sa oras ay alas dose na pala -,- ang bilis naman ng oras.
Maya maya ay may narinig akong tunog na kakaiba. Nagmula yun sa labas.
"Meow meow"
Putspa! Pusa lang naman pala! Grabe anlakas ng kabog ng dibdib ko ah. Oo nanonood ako ng horror. At hindi ako natatakot dun pero grabe na talaga pag ako na yung nakaranas nun!
"Meowww meoww" bwesit na pusa. Pero iba na ang boses niya ngayon. Kanina medyo cute pero ngayon parang iba na. Papalit na ba siya ng anyo? Haroy jusko. Yung tunog niya parang isang sanggol. Meygeddd!!!
Nagulat nalang ako nang tumalon ang pusa sa harapan ko!!!
"AY KABAYONG LUMILIPADDD!!!!" Pusang maitim pa juskooo!!!
Agad ko itong nasalo at dali daling tinapon sa labas at sinirado ko kaagad ang bintana ko with matching nanginginig. Natagalan pa ako sa paglock meyged.
Dumiritso ako sa kama ko. With talon talon pa. At nagtago sa kumot ko. Rinig na rinig ko pa ang malakas kong paghinga. Huhubells. Yawqnaaa.
Sinubukan kong pumikit hanggang sa nakatulog na ako. Litsing pusang yan!!!
Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil plano ko talagang maghanap ng trabaho. Kahit inaantok pa ako kasi naman nagpuyat pa ako. Bwesit tanda tanda ko pa yung kagabi loko yung pusang yun!
Hinanda ko na ang birth certificate, resume may at iba pang kailanganin upang mag apply ng trabaho. Pagkatapos ay naghanap na nga ako lol. Tumingin tingin pa ako sa mga building, bakery at iba pa kung may nakalagay na kailanganing magtrabaho
May nakita akong 'wanted saleslady' sa isang mall. Nagtanong tanong ako sa mga saleslady at pinapasok ako nila sa loob ng office.
"Naku pasensya na maam may nakauna na palang mangapply ng trabaho. Nakalimutan lang naming tanggalin yan"
"Ah sige po" mga lintek na paasa! umirap nalang ako sa kawalan. Mga paasaaaa booooo.
Pumunta ako sa isang coffee shop may 'wanted cashier' pumasok na ako sa loob. Pinakita ko ang aking mga papeles. Tumango tango naman yung lalaki boss ata dito.
"Saktong aalis na yung cashier dito sa linggo. No choice kundi tanggapin ka nalang namin at sa lunes ka na magsimula. Sinwerte ka talaga.""Talaga po? Naku maraming salamat po"
Yessss!
Sorry kung late ako mag ud. Medyo busy lang char
BINABASA MO ANG
Fuckgirl Meets Playboy
RomanceKaya mo bang magtiwala sa isang PLAYBOY? Kaya mo bang tanggapin ang isang FUCKGIRL? Date published: March 29, 2018