CHAPTER FIFTEEN

941 24 3
                                    

"Gf mo?" Tanong ko

"Ah oo ipapakilala ko siya sayo mamaya ha?"

Waw!

"Ha? Ah geh geh!"

"San ka uuwi?"

"Uhmm sa bahay namin. Hihingi lang ako ng tawad kay mama"

"Ah sige"

"Iris!" Napalingon ako sa likod ko kasi naman may tumawag saking pamilyar na boses. Si Kea.

Mukha na siyang pusa dahil sa make up niyang nasira dahil sa luha. At yung buhok pa niyang sobrang gulo. Nanlisik agad ang mata ko at bumilis ang paghinga ko.

Hindi parin ako nakakamove on sa ginawa mo!!

Mabilis siyang lumapit sakin at agad akong sinabunotan ng malakas.

Arayy!!!! Tumulo nalang ang luha ko dahil sa sobrang sakit ng anit ko. Tinignan ko si Clyde at nakatingin lang siya samin.

Hindi mo ba ako tutulungan? Okay lang ba sayong makita akong nahihirapan? Napakagat ako sa aking labi.

Ganyan ka ba talaga ka manhid?

Bumaling ako kay kea. Ang sakit ng ulo koo! Pakshyet ka! Tindayakan ko ng malakas ang kanyang tiyan dahilan nabitawan niya ang aking buhok at hinawakan niya ang kanyang tiyan.

Masakit noh? Buti nga sayo. Hindi mo ba alam na palagi akong naga-guidance noon dahil parati akong nakikipag away.

 Tumakbo siya patungo sakin at sinabunutan niya ako. Sinabunutan ko rin siya. Di naman masyadong masakit yung pagsabunot niya sakin kasi masyado siyang nasaktan sa pagsabunot ko sa kanya. Maya maya ay tinuhod ko ang mukha niya dahilan dumugo ang kanyang ilong.

Nanghihina na siya, nakaupo na siya ngayon at hingal ng hingal, pero di ako nakuntento. Hinawakan ko ang buhok niya at kinaladkad siya, pero agad akong tinawag ni Joseph.

"Iris!" Lumingon ako sa kanya. Nanginginig ako sa sobrang galit.

Lumapit siya at bigla nalang akong sinuntok kaya dumugo ang gilid sa aking labi. Napaupo ako at tinignan si Clyde pero nakahalukipkip lang siya sa kanyang kotse tiningnan lang ako.

Gago ka ba? Tsaka ako bumaling kay Joseph na ngayoy pinatayo si kea na umiiyak. Kumuha siya ng panyo at pinahiran ang dumudugong ilong ni kea.

Kulang pa yan! Kulang na kulang! Bubungian ko talaga yang mukha mo!!!

"Walangya ka!" Sigaw ko kay joseph. Agad naman niya akong nilingon at napangisi siya. Lumapit siya sakin at agad niyang hinawakan ang baba ko

"Mas wala kang hiya! Napakalandi mo. Mag move on ka na sakin! Kasi hinding hindi na kita mamahalin pa!" Sabay balibag niya sa baba ko

Natawa naman ako sa sinabi niya.. putspa di niya alam kung anong rason? Putak ng putak. Wag masyadong assuming oy! Kaya di umunlad ang pilipinas eh!

"Hindi ako nagkakaganito dahil sayo, hindi ko sinaktan si kea dahil sayo! Ang kapal din ng mukha mo no? Sino ka ba? Mamamatay ba ako pag wala ka? Di ka kawalan! Hinding hindi ka kawalan! Wag kang mag alala hindi ko kayo isusumbong ng ate mo sa magulang mo kasi hindi ako katulad ng babaeng yan! Ang tanga tanga mo! Naniwala ka kaagad sa babaeng yan? Hahahah isa kang deputa! Kung malandi ako mas malandi ka naman! Bat pa ako maghahabol sayo? Mamatay din naman tayong lahat kaso mauuna ka kesa sakin" Bumilis ang paghinga ko dahil sa galit.

Nakita kong kumuyom ang kanyang palad tsaka ako tinalikuran at tumongo siya kay kea

"Tayo na kea" tumalikod na sila at bigla namang lumingon si kea sakin at nagmiddle finger. Sinabihan ko naman ng "fuck yourself" ng walang boses pero alam kong naintindihan niya yun.

Fuckgirl Meets PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon