Lalakad na sana kami ni Henry pero nagulat nalang ako nang dumating si Clyde. Ano namang ginagawa niya dito? Naku pag wala si Clyde dito kanina ko pa siguro siya sinuntok. Nakakabeastmode yang mukha niya!
Chill ka lang Iris! Andito si Henry sayang naman pag nasira yung first impression niya sayo.
Bat Henry yung pangalan niya? Ang baduy! Pang matanda!
Nahinto yung pag iisip ko nang nagsalita si Clydeputa -,-
"Ako pala yung kasama niya. Salamat sa pag sama sa kanya" agad niyang kinuha ang kamay ko at umalis palayo kay Henry. Baliw!!!!
Nagkatagpo ang paningin namin ni Henry at nagkibit-balikat lang ako.
Peste ka talaga Clyde pramis!
"Ano bang ginagawa mo?!" Sabay hawi ko sa kamay niyang nakahawak sakin
"Akala ko ba titigil ka na sa kalokohan mo?"
Ka-kalokohan? Ano bang pinagsasabi niya? Naprapraning ka na ba?!
"Akala ko ba may ipapakilala yang kaibigan mo sayo! Yung chics na sinabi mo!"
"Ah kaya nakipagharutan ka sa lalaking yun kasi gusto mong makaganti sakin?"
A-ano daw? Nakikipagharutan? Wao ha porket fg ako eh grabe na yang isip mo sakin! Kaya ko rin tong kontrolin no!
"Ano bang sinasabi mo jan?! Nakakabwesit ka talaga! Di kita maintindihan"
"Mas lalong hindi kita maintindihan!!"
"Ako? Hindi mo maintindihan? Wao ha ganyan ka na ba ka bobo? Malamang nagtataka ako sa mga kilos mo! Leche ka!"
Tumingin ako sa paligid dahil pakiramdam ko pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil nagsisigawan kami kahit magkaharap lang kami.
WALA AKONG PAKE!
"Clyde!" May narinig akong isang pamilyar na boses.
Si Kea.... kasama niya si Joseph 💔
Nagkatinginan kami ni Joseph. Edi wao kayo na! Magkaholding hands pa. Ang sweet ah! Bagay kayo! Congrats.
Naalala ko yung katrydorang ginawa sakin ni kea -,- kala ko ba magkaibigan tayo? Plastic lang ganun? Patayin na lang kaya kita para kay mother earth? Nakakadagdag polusyon ka eh!
Nabigla rin si Clyde at napatingin sakin. Bat mo ko tinitingnan? Nang iinsulto ka ba? Wag mo kong kaawaan leche ka!
Bumaba nalang ang tingin ko sa sahig. Hays pinapalibutan ako ng mga plastic jusmeyo! Baka magkasakit ako.
"K-kea" pagbasag ni clyde sa katahimikan. Nag aalinlangan pang magsalita ah?
"Kayo na ba?" Anong kami na? Sino? Ni clyde? NEVER! Tinutulak mo ba ako kay Clyde para di na ako makalapit pa kay Joseph? Wao ha mga bwesit kayong magpinsan!
"Huh?" May pa-huh-huh ka pa jan eh obvious namang narinig mo yung sinabi niya. Yan tayo eh nagkukunwari.
"Nevermind. Hi Iris" sabay beso niya sakin. Halatang plastic👎
Sarap sakalin! Nung nagkaharap na kami ay nagsmile ako sa kanya. Geh lang magpapakaplastic na rin ako sayo leche ka.
"Iniimbitahan ka nga pala namin sa kasal namin next month"
Ano daw? Next month? Bakit ang aga? Wao desperada na talagang makuha niya si joseph ah para di na maagaw!
"N-next month? Ang bilis naman ata" sabi ko.
"Yah. Kasi naman babagsak na ang kompanya nila Joseph so kailangang maipakasal kami sa lalong madaling panahon" ibang tuno yung pagsasabi niya.
Nang iinis ba siya? Porket di pa ako nakakamove on?
BINABASA MO ANG
Fuckgirl Meets Playboy
RomanceKaya mo bang magtiwala sa isang PLAYBOY? Kaya mo bang tanggapin ang isang FUCKGIRL? Date published: March 29, 2018