Cassandra's POV
*kringggggg kringgg*
Pinatay ko kaagad ang alarm clock ko at nagbihis ng uniform namin, white Long sleeves, short black knee length skirt, black stockings with black shoes.
Pagkatapos kong magbihis ay biglang nag on ang aking cellphone, nang binuksan ko ito ay reminder lang pala.. WAIT ANO TOH?!
REMINDER:
IWASAN OPERATIONHala ngayon nga pala yun!!! Sheeettttt. Bumaba kaagad ako papuntang dining room para kumain ng breakfast ko.
"Hello baby girl, good morning" Ani ni mom pagkababaa ko
"Good morning po mom and dad" with matching smile pa
Umupo kaagad ako at kumain ng mabilis
"Oh nak baka mabilaukan ka dyan" Sabi ni dad sabay tawa
"Ah, Hindi po"
"Bakit Ka ba nagmamadali nak? " Tanong ni dad
" Uhmm, Kasi po Monday at Dapat hindi po ako ma late" dahilan ko na lang
Hindi na nagsalita ulit si dad pagkatapos kaya deretsyo kain na ulit ako ng aking breakfast.
Pagkatapos ko kumain ay nag toothbrush kaagad ako at nag ba-bye na kay mom at dad
" Bye po " sabi ko sakanila at Tumakbo na papunta sa sasakyan namin
Nang nandoon nasa tapat na ako nang sasakyan ay nakita ako nang driver kaya in-open niya yung pinto sa back seat.
Pagkapasok ay tiningnan ko muna ang Oras
Time check: 7:32 A. M.
(After 10 minutes)
Nang nasa tapat na ako nang gate ng school at lumabas kaagad ako galing sa sasakyan at tumakbo papuntang classroom.
Nang nasa loob na ako nang classroom ay umupo na ako sa tabi ni Stacey at nilapag sa tabi ko ang aking bag.
" Oh bakit pawis na pawis ka? " Tanong ni Stacey pagkaupo ko sa tabi niya
" Tumakbo Kasi ako" sagot ko
" Ha?, bakit ka na- " hindi na niya natuloy ang sinabi niya kasi naalala na niya, Tumawa siya nung na realize niya na
Nang pagkasabi niya kanina na pawisan ako ay inipit ko ang buhok ko ng Bun.
* Bell rings *
Nung nag bell na ay saktong pumasok na din ang professor namin, Kaya nag simula na ang klase
(After Class)
* Bell rings *
Nagsilabasan na kaming lahat para pumunta sa susunod na klase.
" Bye na Cass, punta na ako sa susunod kong klase " Sabi ni Stacey at Tumakbo na
" Hmm.. Bakit kaya tumakbo yun? " Sabi ko sa sarili ko
Pero ang aking Sariling tanong ay nasagot ko na kung bakit ganun si Stacey.
" Hello Cassandra " Sabi nang tao sa likod ko. Kilala ko yang boses na yun
Unti unti akong humarap sakanya at ang aking hula ay tama, Shet naman oh, iniiwasan na nga Yung tao eh tapos ganito ang mangyayari.
Pagkaharap ko Kay Ryan ay nakangiti pa siya, nangangasar ata itong lalaking toh eh
" Bakit? " Kalmadong sabi ko sakanya
" Wala " Sabay tawa niya pa
Umalis kaagad ako at pumunta sa locker ko para kunin ang aking libro.
* Bell rings *
Hay nako! Nalate pa ako oh. Tumakbo ako papuntang classroom at naabutan ko ang Proffesor doon.
Pagkapasok ko sa loob ay Lahat sila ay tumingin saakin
" Ms. Arielo, why are you late? " Tanong ng Prof namin
" Uhmm, k-kasi po madami pong t-tao " dahilan ko na lang
" You may take your seat, and next time dont be late"
Tumango na lang ako at naghanap na lang nang bakanteng upuan.
Punyeta kung nasaan pa talaga ang bakanteng upuan ay katabi pa ni Ryan.
I guess I have no choice kung Hindi umupo na lang sa tabi niya.
Pagkaupo biglang nagsalita siya Ryan
" Bat ka late? " Tanong niya nang pabulong
" P-pakielam mo b-ba " nauutal ko pang sabi
" Hmm... " Ayan Lang sinabi niya pero, it sent shivers down to my spine
WTF?! Bakit ganito ako tuwing Kasama siya? Dapat iniiwasan ko toh Pero bakit ganito? Tell me?! Anong kasalanan ko?!
" Get 1 whole sheet of paper and ballpen to write this notes down " Sabi ni prof
Kumuha ako nang papel at ballpen sa loob nang aking bag nang hinawakan ko ang aking ballpen bigla itong nadulas.
Kung Saan pwede pa malaglag sa ilalim pa talaga nang upuan ni Ryan.
" Huy Ryan, Pakuha nga nang ballpen ko sa ilalim ng upuan mo " bulong ko sakanya
" Ikaw na, nakikita mong nagsusulat ako eh " sabi nya
" Walang kwenta naman oh " bulong ko sa sarili ko
I have no choice kung Hindi pulutin ang ballpen ko sa ilalim nang kanyang upuan.
Lumuhod ako at tinitry kuhanin ang aking ballpen. Pero hindi ko makuha
" Ano ba naman, ang hirap kunin?! " Bigla akong napasigaw Kaya Lahat sila ay nag tinginan sa pwesto ko
" Ms. Arielo and Mr. Lorens, Anong ginagawa niyo?! " Sigaw nang prof namin
" kinukuha ko lang po yung ballpen ko sa ilalim nang upuan ni Ryan " Paliwanag ko
Habang kami nang prof ko ay nagsasalita si Ryan naman ay walang sinasabi at Kalmadong Kalmado lang.
" Hindi ako naniniwala! Hindi ba kayo nahihiya sa ginagawa niyo?! "
" Pero prof- " Hindi ko natuloy Dahil nag salita ulit si prof
" No buts, Go to detention you two! " pasigaw na sabi nang aming prof
Lahat naman nang aming kaklase ay nag " Ohhhhh "
Wala akong choice Kaya lumabas na lang ako habang si Ryan ay nakasunod saakin.
Nang nasa labas na kami nang classroom ay sinigawan ko siya
" Kasi naman kung hindi mo Lang kinuha Yung ballpen ko sa ilalim nang chair mo hindi Tayo ma de-detention eh! " Sigaw ko sakanya
" Bakit ako sinisisi mo, eh nakita mong nagsusulat Yung tao tapos istorbo ka! , Tsaka Wala ka bang ibang ballpen?" sigaw niya
Nang tinanong niya ako kung may iba pa bang akong ballpen, hinalukat ko ang backpack ko at nakita kong may isa pa akong ballpen.
" M-meron pala s-sorry " Sabi ko
" Tsk, Hindi Kasi tumitingin muna sa bag " sabi niya pabalik at Umalis
Hala galit siya Paano na toh? Kailangan ko tong ayusin
Ang aking IWASAN OPERATION ay FAILED
Pero meron naman akong bagong operation
SAY SORRY TO RYAN OPERATION into action
BINABASA MO ANG
My Bad Boy Lover
Romance(Loren series #1) Minsan pag nagmahal ka ng isang tao hindi mo alam kung mahal ka din ba niya? Pag minsan mapaglaro talaga ang tadhana Siya kaya mahal ako? Dahil kaya sa pagkakamaling banggaan lang ay magkaka-ibigan na sila o mag kakaawayan? Starte...