MBBL 44: Love

348 8 0
                                    

Cassandra's POV

Pagkagising ko hindi ko na nakita sa tabi ko si Ryan. Kaya napabangon ako bigla.

Biglang may lumabas galing sa cr. Nakita kong si Ryan lang pala iyon.

"Good morning" bati niya saakin pagkalabas pa lang niya

Topless pa lang si Ryan paglabas ng cr at ang natatanging nakapangtakip lang sakanya ay ang tuwalya. LECHE! HINDI KO NA ATA KAYANG KUMAIN NGAYON!

"Enjoying the view?" mapangasar na sabi ni Ryan

Kaya tinaas ko ang tingin ko sakanya. Aba naka smirk pa.

"Magbihis ka nga!" pasigaw kong sabi sakanya

Tumawa ng malakas at kinuha na ang kanyang bag na may laman na mga gamit niya.

Habang nagbibihis siya ay pumasok na ako ng cr para makaligo. Nakalimutan ko pa ang damit ko kaya lumabas ulit ako.

Nakita kong nakaupo na si Ryan sa kama habang tinitingnan ako. Nakasuot na siya ngayon ng V-neck t-shirt at shorts.

"Nakalimutan ko damit ko" sabi ko sakanya

"Balak mo pa ata ako i-seduce eh" sabi niya habang pinipigilan ang tawa niya

ABA SUMOSOBRA NA SIYA!

Lumapit ako sakanya at pinagsasapak

"Aray naman, syempre joke lang yun" sabi niya

Bigla niyang hinawakan ako para makaupo sa kandungan niya. Nang makaupo ako ay hinalikan niya ako sa buhok ko.

"Ano ba! Maliligo pa ako eh!" galit kong sabi sakanya

"Galit na baby ko, hug na lang kita" malambing niyang sabi habang yinayakap ako ng mahigpit

Namula ako sa sinabi niya kaya hindi ako makapagsalita. Dahil sa kahiyaan na din.

"Okay ka na?" tanong niya saakin

Tumango na lang ako at binaba ang ulo. Pinakawalan na niya ako at pinatayo na.

Tumayo na ako at mabilisang kumuha ng damit. Pumasok na ako sa cr at tiningnan ang itsura ko sa salamin.

PULANG PULA MUKHA KO! Bwiset kasi na Ryan yun eh!

Naligo kaagad ako at nagbihis ng t-shirt at pantalon.

Lumabas ako ng cr at nakitang nanunuod si Ryan ng tv. Nang makita niya ako ay pinatay niya kaagad ang tv.

"Kain na tayo" sabi niya saakin habang hinihila ang isang table na may pagkain

Kumain kami ng tahimik hanggang sa binasag niya ang katahimikan.

"Uuwi tayo ngayon sa pilipinas" sabi niya bigla saakin

"Bakit?" gulat kong sabi

"Kakausapin natin si mommy" sabi niya ikinagulat ko

"G-galit siya saakin" nauutal kong sabi

"Kaya nga natin siya kakausapin eh" mahinhin niyang sabi

Pagkatapos namin kumain nagligpit na ako ng gamit kaagad. Hindi pa rin ako makapaniwala na pupunta kami sa pilipinas at kakausapin ang mommy niya.

Nang matapos na kami sa pagliligpit ng gamit ay lumabas na kami ng kwarto. Pagkaalis sa hotel pumunta kami kaagad sa airport.

Nang makasakay ng eroplano ay kinabahan ako bigla.

Hinawakan bigla ni Ryan ang aking kamay.

"Dont be afraid Im here" malambing niyang sabi saakin

Kaya habang bumabyahe ang eroplano ay hawak hawak niya ang kamay ko.

Nang nagland na ang eroplano sa pilipinas ay kinabahan kaagad ako. Kinuha na ni Ryan ang mga luggage namin at bumaba na.

Pagkababa namin ng eroplano may sumundo kaagad saamin na sasakyan.

Nang bumabyahe nakita ko kaagad ang gate ng bahay ng parents ni Ryan. Pumasok ang sasakyan sa garahe at inilagay sa loob.

Lumabas ang driver at binuksan ang pintuan namin. Lumabas kami ni Ryan ng sasakyan. Mula pa lang sa labas ay hawak na ni Ryan ang kamay ko.

Nang makita ko sa labas ng bahay ang mommy ni Ryan ay kinabahan na kaagad ako. Nang makita ako ng mommy niya ay nawala ang ngiti niya.

Nang makalapit kami sa mommy niya ay bigla akong yinakap ng mommy niya.

"Im sorry for my atittude to you Cassandra" sabi niya saakin habang yakap ako

"Uhm... Its o-ok lang po" sabi ko nang nauutal

Humarap saaking mommy niya at nagulat ako ng makita kong umiiyak ito. Ngumiti saakin ang mommy niya.

Pinapasok kami ng mommy niya sa bahay at pinakain. Habang kumakain kami ay pinaliwanag ng mommy ni Ryan ang inasal niya.

"Im so sorry Cassandra for my attitude, I was just so upset about what your parents did. They called us and said sorry and they said that they will give us back the shares and help us with our company" Paliwanag niya saakin

Nang matapos ang kainan ay umakyat na kami ni Ryan sa kwarto.

"Hay, buti na lang okay na ang lahat" sabi niya sabay yakap saakin

Napangiti ako dahil katulad niya ay wala na akong problema.

(1 year later...)
Pumunta kami sa Luneta park at namasyal lang.

Habang kumakain kami ay biglang may tinuro si Ryan sa taas.

Tiningnan ko ito at nagulat sa nakasulat. May chopper sa taas at may banner na nakasulat "Will you marry me?".

Tumingin ako kay Ryan at nakita ko siyang nakaluhod sa harap ko at may hawak na singsing na may puso sa gitna.

"Cassandra, we have overcome all problems, we have been apart for many year and found each other again. I want to marry you not just by papers, but infront of God. Will you marry me?" sabi niya habang nakangiti

Tumango ako habang umiiyak

"Say it please" sabi niya habang nakangisi na parang nang aasar dahil alam niyang naiiyak na ako

"Yes!" sabi ko sakanya

Nilagay niya ang singsing sa ring finger ko at niyakap ako ng mahigpit.

"I love you Cass"

"I love you too Ryan"

At hinalikan niya ako puno ng pagmamahal

Always remember that whenever love strikes you cannot erase it, because it will forever be there.

THE END

My Bad Boy LoverWhere stories live. Discover now